CHAPTER THREE

3.6K 59 9
                                    

"Bumaba ka na raw at kakain na kayo." Saad ni Carol pagkabukas niya ng pinto.

"N-nandito ang matandang intsek?" nanlaki ang mata at hindi niya mapigilang tanong na ikinatawa nito ng mahina.

"Baka marinig ka noon at maparusahan ka." babala nito na ikinalunok niya sa takot.

"Halika na." aya nito at naunang bumaba kaya agad na siyang sumunod.

"Nandito na po si Aurelia Mr. Cheng." anunsyo ni Carol pagkarating nila sa dinning area.

Nakita niya ang paglingon nito sa kanyang gawi  at ang paghagod ng tingin sa kanyang kabuuan. Humigpit ang pagkakakapit niya sa laylayan ng kanyang suot na dress nang magtagal ang paningin nito sa nakalantad niyang  hita. Nanginig ang kanyang kamay nang ngumisi ito. Parang may pinaplanong masama sa kanya.

Sunod sunod ang ginawa niyang paglunok. At ang palihim na paghinga ng malalim nang sinyasan siya nitong maupo. Maliit ang ginawa niyang paghakbang patungo dito at mahigpit na kinuyom ang nanginginig na kamay.

Kinakabahan siyang umupo sa katabi nitong upuan at hindi ito tinapunan ng tingin. Hindi niya gusto ang klasi ng paninitig nito. Para siyang hinuhubaran sa klase ng mga tinging iginagawad sa kanya.

Mabilis silang pinaghanda ng mga katulong ng pagkain. Umalis rin ang mga ito pagkatapos at pumila sa gilid.

Pilit niyang kinakalma ang sarili at sumandok ng pagkain. Kahit wala siyang gana ay pinilit niya na lamang ang sariling kumain. Gaya nga ng sinabi niya. Pakikisamahan niya muna ito hanggang maka-isip siya ng planong pagtakas.

Maliit ang ginawa niyang pagsubo at hindi ito tinapunan ng tingin. Tahimik lamang siya habang pilit na nginunguya ang pagkain. Nang maubos niya ang pagkain sa plato ay mabilis siyang uminom ng tubig.

Ngunit malakas siyang napasinghap at nabulunan sa iniinom ng maramdaman ang mga kamay nitong pinipisil ang kanyang hita. Dahil sa kanyang pagkakagulat ay naitapon niya ang tubig sa mukha nito at malakas itong nasampal. Nanginig ang kanyang kamay habang awang ang kanyang labi. Nagulat rin siya sa nagawa. Pero bagay lang ito sa matanda. Bastos ito. Pero sa ginawa niya ay nilagay niya ang sarili sa kapahamakan.

Galit na hinampas ng matanda ang mesa na ikinatalon niya. Nanginginig na siya sa sobrang takot. Nanlilisik at namumula ang mata ng matanda sa galit. Mabilis siyang napahakbang paatras nang makita niya ang mabilis na paglakad nito patungo sa kanya. Marahang nitong hinablot ang kanyang pulsuhan at piniga na ikinadaing niya. Hinablot nito ang kanyang buhok at tiningala siya na ikinahiyaw niya sa sakit. Parang matatanggal ang kanyang anit sa sobrang higpit ng pagkakasabunot nito sa kanyang buhok.


"YOU'RE A FUCKING BITCH!!" Galit nitong sigaw sa kanyang pagmumukha. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang pag–angat nito ng kamay at ang malakas nitong pagsampal sa kanya. Pumutok ang kanyang labi at nalasahan niya ang sariling dugo.

Halos mabingi siya sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Malakas siyang humikbi at nagmakaawang huwag siyang sasaktan.

Nakita niya sa kanyang peripheral ang akmang paglapit sana ni Carol ngunit pinigilan ito ng isang matandang katulong. Wala itong nagawa kundi ang bumalik sa paghakbang paatras at tumungo.

"A-Aray!" Nasasaktan niyang daing ng mahigpit nitong hinawakan ang kanyang panga at marahas na iniharap dito.

"You want this right? I will give it to you!" galit nitong saad at marahas na binitawan ang kanyang panga na agad niyang hinimas dahil sa sakit.

Umiiyak siyang napatingin dito ng makita ang pagtanggal nito sa suot na sinturon at pinalibot sa kamao.

Walang buhay na ngumisi ang matanda at walang pagdadalawang isip siyang hinataw. Bawat hampas nito sa sinturon at bawat dampi sa kanyang balat ay para na siyang malalagutan ng hininga sa sobrang sakit. At sobrang sakit dahil ang ulo ng sinturon ang pinanghampas sa kanya.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon