CHAPTER ELEVEN

3.2K 66 1
                                    

NANG MAKABALIK siya sa kompanya ay mabilis na nanlaki ang kanyang mata nang makita si Hunter sa entrance ng kompanya habang nakatayo at matatalim ang tinging pinupukol sa kanya.

"WHERE THE HELL HAVE YOU FUCKING BEEN? "Galit nitong sigaw ng makita siyang papalapit dito. Magulo ang buhok nito at wari mo'y sinabunutan ang sarili.

Katabi nito ang hindi mapakali at namumutlang guwardiya.

Nanlilisik ang mata siya nitong tinapunan ng tingin na ikinayuko niya. Pinagtitinginan narin sila ng mga empleyado at sa mga taong napapadaan dahil sa lakas ng boses nito. Nagtataka ang mga taong tinapunan sila ng tingin.

Ngumuso siya at maliit ang hakbang na lumapit.

"D-diyan lang po. " Maliit ang boses niyang sagot.

"Really? Nakuha mo pang mag lakwatsa habang ako dito namumuti na yung mata kakahanap sayo! " Igting ang pangang saad nito.

Bakit ito pa yung galit? Ito nga 'tong nang-iwan sa kanya eh! Hindi man lang siya nilingon.

"Why didn't you follow me? Huh!? " Malakas parin ang boses nitong tanong.

Para yatang mabibingi siya dahil sa lakas ng boses nito. Hindi man lang hininaan at hinyaan lang na pagtitinginan silang dalawa.

"Hindi kasi ako pinapasok‚ wala po kasi akong ID. " Mahinahon niyang sagot. Nakita niya ang palihim na paglunok ng security dahil sa kanyang sagot.

Mabilis nitong binaling ang matatalim na tingin sa security.

"You didn't let her in? " Malamig nitong tanong. Namutla ang security at nanginginig ang labing sumagot.

"A-Akala k-ko po kasi s-sir— " Hindi nito natapos ang pagsasalita ng agad itong pinutol ng senyorito.

"AND NOW YOU FVCKING KNOW! YOUR SUCH A FVCKING STUPID! " Galit nitong singhal at agad na hinablot ang kanyang braso na ikinangiwi niya. Parang hihiwalay yata yung braso niya sa katawan dahil sa lakas ng pagkakahablot nito. Nagpatianod siya sa kanyang pagkakahila at hindi nalang kumibo.

Agad nagsibalikan sa trabaho ang mga empleyado ng tinapunan nito ng nakamamatay na tingin.

Sumakay sila sa elevator patungong 25th floor kung saan hula niya'y naroon ang opisina. Mahigpit na nakahawak parin ito sa kanyang braso na animoy tatakasan niya.

Walang kibo itong nakaharap sa pintuan ng elevator habang magkasalubong ang makapal na kilay. Hindi tuloy siya makapag reklamo dahil sa masungit nitong mukha‚ baka singhalan siya pag nagsalita.

Nang bumukas ang elevator ay hila-hila parin siya nito patungo sa opisina.

"Sir the board memb— " Hindi natapos ng babae ang kanyang pagsasalita ng makita ang walang expression ng lalaki at ang umiigting nitong panga.

Napalunok ang babae na hula niya'y sekretarya. Taas kilay siya nitong tinapunan ng tingin hanggang sa bumababa ang mga mata nito sa mahigpit na pagkakahawak ng Senyorito sa kanyang braso. Nakita niya ang pag–ismid nito at ang palihim na pag-irap.

Pasimple niya itong pinasadahan ng tingin. His secretary's wearing a fitted skirt na hanggang ibabaw ng hita nito ang ikli na kung tutuwad ay makikita na ang pwet dahil sa sobrang ikli. Halos lumuwa narin ang hinaharap dahil sa suot nitong spaghetti shirt na sobrang hapit din sa katawan habang may blue coat na nakapatong sa balikat. Sobrang pula ng mga labi nito at makapal din ang make up. Kung tutuusin mukhang hindi naman ito secretary kasi mas nagmumukha itong pokpok. No Offense

"I'll t-tell the board members to wait you for awhile sir, excuse me. " Saad nito sa mahinhing boses ngunit ramdam mo na kabado ito ngunit naroon parin ang malanding boses. Ngumiti ito nang matamis kay Hunter bago nagmamadaling umalis.

Hinila na naman siya nito papasok ng opisina‚ siyaka niya lang siya binitawan ng makapasok na sila. Dumeretso ito sa table at kinuha ang coat na nakapatong sa arm rest ng kanyang swivel chair at sinuot pagkatapos ay tinapunan ako ng malamig na tingin na ikinalunok ko.

"You'll stay here and don't you ever go out. Understand? " Para siyang batang paulit-paulit na tumango

Naglakad ito palabas ng opisina. Agad siyang nakahinga ng maluwag ng makitang tuluyang nakalabas na ito. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng opisina‚ sobrang lawak nito at kitang-kita ang nasa labas ng building dahil sa glass wall. May sofa at malaking flat screen TV. May counter bar din at maliit na fridge na hula niya'y nilalagyan ng mga alak or pagkain? She don't know hula niya lang yun.

Nagtungo siya roon at binuksan ang fridge‚ tumambad sa kanya ang maraming pagkain at yung maliliit na bote ng beer. May mga ibat ibang klaseng chocolates na hula niya'y imported. Meron ding mga chips. Kumuha siya ng isang chips bago sinara ang fridge. Hindi naman siguro ito magagalit kung kukuha siya ng isa diba?

Nagtungo siya sa malawak na sofa na ang kaharap ay ang malaking flat screen TV. Binuhay niya ito at nanood ng documentary ni Selena Gomez. Well‚ she is her die hard fan. Nanonood siya habang kumakain ng chips. Halos mamaga ang kanyang mata dahil sa iyak. Halos hindi narin siya makahinga dahil sa sipon niyang bumabara‚ Selena Gomez had done enough. She's tough na nakaya nitong harapin lahat ng kanyang mga pinagdaanan. Even though, maraming mga taong gusto itong pabagsakin ay hindi parin ito sumusuko. She is so angry to those people na pinagkakatuwaan ang sakit nito. It's so hard to have an uncured disease‚ lupos has no cure. Habang buhay mo itong dala-dala kung magkakaroon ka ng ganitong klaseng sakit.

She also gain weight because of her illness but she doesn't change at all. Maybe her weight change but her heart and beauty doesn't change at all. Maganda parin ito.

Lumipas ang ilang oras ay hindi parin dumating si Hunter‚ bagot na bagot narin siya at inaantok na. Humiga siya sa sofa at habang patuloy paring nanonood ng documentary.

Hanggang sa hindi niya namalayang makatulog na pala siya.






NAGISING siya dahil sa isang marahang haplos sa kanyang pisnge. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mata and to her surprise. Hunter was kneeling in front of her while caressing her cheeks. Mukhang nagulat din ito ng makita siyang magmulat ng mata kaya agad itong napatayo at tumikhim. Nagmamadali itong naglakad at tumalikod kaharap ang mga nagtataasang building. She blink twice because of the unexpected scene.

What was that for?

She shooked her head at agad na tumayo. Nakatingin parin ito sa labas ng building patalikod sa kanya.

"Anong oras na? "Namamaos ang boses niyang tanong. She saw how his shoulder tense because of her unexpected question.

Napakunot ang kanyang noo dahil sa inakto nito.

What's his problem?

"May problema po ba kayo Senyorito? " nag–aalala niyang tanong. Hindi ito kumibo nang ilang minuto ngunit kalaunan ay hinarap siya. Walang emosyon.

"Let's go home. " maikling saad nito at bago naunang lumabas ng opisina.

Kunot noong sinundan niya ito nang tingin.
Does he really have a problem? Kahit naguguluhan man ay nagkibit balikat na lamang siya at sumunod rito pauwi.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon