CHAPTER TWENTY THREE

3K 53 4
                                    

Hindi inakala ni Aurelia na makalabas pa siya ng buhay sa mansyong iyon. Sobrang laki ng pasasalamat niya kay Hunter sa ginawa nitong tulong sa kanya. Hindi siya nito binigo.

Ngayon, nasa kulungan na ang matandang intsek at ang mga tauhan nito, nakakulong. Isa rin pala kasing drug dealer si Mr. Cheng. Pinamanmanan na ito ng mga pulis at hindi nga sila nag kamali dahil nahuli ang mga tauhan nito sa isang buy bust operation. Kinanta kasi nila kung sino ang kanilang amo. Ngayon, patong patong na ang kasong sinampa laban dito at habang buhay itong mabibilanggo.

"Are you ready? "

Napabaling ang kanyang paningin kay Hunter na ngayon ay matamang nakatitig sa unahan ng sasakyan habang nagmamaneho. Kinakabahan siyang tumango at ngumiti ng tipid. Beads of sweat slowly formed in her forehead. Labis–labis ang kaba ang kanyang nadama ngayon. She was feeling nervous yet excited.


"We're here. " Anunsyo nito.

Nakagat niya ang kanyang pang–ibabang labi ng makita ang makipot na daan papasok. He heald her hand and squeeze it gently.

He smiled tightly. "Everything's gonna be fine. " Pagpapagaang loob nito sa kanya.

Tinanggal nito ang seat belt at lumabas ng sasakyan. Umikot ito at binuksan ang pinto, ito na rin ang nag tanggal ng kanyang seat belt dahil sa hindi niya magawang kumilos.
He cupped her face and stared at her gently.

"Don't be nervous okay? Makikita mo na rin ang kapatid mo sa wakas. "

Nag simulang manubig ang sulok ng kanyang mata dahil sa saya hanggang sa sunod-sunod na nga ang pagtulo nito.

Nag halo-halo ang kaba at saya na kanyang nadama. Sa wakas, makikita niya na rin ang kapatid niya. Mag kakasama na ulit sila.


"Let's go? " He said at hinawakan ang kanyang kamay. Pinahiran nito ang kanyang mga luha at tumango siya.


"Tara." Ngumiti ito ng matamis at inalalayan siyang makababa ng sasakyan.

Naglakad sila papasok sa isang makipot at maputik na daan. Ang tawanan at sigawan agad ng mga bata ang sumalubong sa kanila pagkapasok.

Nakita niyang natigilan ang iba pagkakita sa kanya. Pinasadahan siya nila ng tingin at pati na rin si Hunter. Nag simulang mag bulong–bulungan ang iba na ikinailing niya. Hindi pa rin nag babago ang mga tao.

"Diyos ko, Auring! "

Napangiwi siya dahil sa lakas ng boses ni aling Mercedes, mukhang hindi ito makapaniwalang nakita ulit siya.

Tipid niya lang itong nginitian.
"Nandiyan ho ba si tiya at ang kapatid ko? " Mahinahon ang boses niyang tanong.

"Oo, nandiyan ang tiya at kapatid mo sa bahay ninyo. Mabuti naman at nakauwi kapa, aba e, ‘ yang tiya mo palaging pinag bubuhatan ng kamay ang kapatid mo. " Sumbong pa nito.

Her chest tightened because of what she heard. Hunter gently patted her shoulder noticing her reaction. She smiled a little at Mercedes and thanked her. She took heavy steps towards the house.

"PUNYETANG BATA KA! ANG TANGA TANGA MO TALAGA! " Dinig niyang malakas na sigaw ni tiya Isabel sa loob ng bahay.

They were still far but she could hear the loud voice of her aunt. She quickly removed her hand in Hunter's grip and hurriedly ran towards the house. She heard Hunter calling her but she didn't look at him

"T–Tama na ho. "Umigting ang kanyang panga nang marinig ang nagmamakaawang boses ng kanyang kapatid. 

Marahas niyang binuksan ang pinto.

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon