CHAPTER TWO

3.9K 65 3
                                    

"So‚ You are Aurelia? The niece of Isabel? " the old Chinese smirk and stroke her hair at pikit mata nitong sininghot ang kanyang buhok. Para itong sumisinghot ng droga. "You are beautiful‚ you're perfect to be my wife." she shut her eyes tightly as she feel his rough hand on her face. Nandidiri siya sa bawat haplos ng matandang intsek sa kanyang pisnge.

"Dalhin niyo siya sa magiging kuwarto niya. " utos nito sa katulong na hula niya'y matanda lang sa kanya ng ilang taon. Agad namang kumilos ang katulong nito at inakay siya paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.

She heaved a deep sigh ng makaalis siya sa harapan ng matanda. Sobrang lakas ng pintig ng kanyang puso sa takot. Kita niya sa mga mata nito ang namumuong pagnanasa sa kanya. Ang klasi ng tingin nito ay parang hinuhubaran siya.

"Anong pangalan mo?" Napa–angat siya ng tingin direkta sa katulong na naghahatid sa kanya sa kanyang magiging silid ng magtanong ito.

"A-Aurelia." tipid at nauutal niyang sagot. Mukha naman itong mabait dahil sa amo ng mukha. Ngunit, hindi parin siya magtitiwala dito. Baka nasa loob lang rin ang kulo nito.

Nilingon siya nito at tipid na ngumiti.

"Ako naman si Carolina. Ako ang pinakabatang kasambahay dito sa mansyon ni Mr. Cheng. " pakilala nito.
"Kung ano ang gusto ng matandang intsek ay sundin mo nalang para hindi ka masaktan." Dagdag pa nito.

Mas lalong nadagdagan ang kanyang takot sa matanda. Sa boses pa lang ni Carolina ay mukhang hindi mabait ang intsek na iyon. Na alam niya naman talagang hindi dahil mukha pa lang nito ay hindi na mapagkakatiwalaan.

Tumango siya at pilit itong ngitian. Wala naman siyang ibang magagawa kundi sundin ang matandang intsek. Puwera nalang sa isang bagay na hindi niya kayang gawin. Gagawin niya ang mga gusto nitong ipagawa sa kanya basta huwag lamang ang bagay na iyon.

"Nandito na tayo." Imporma ni Carolina nang makarating sila sa isang kulay itim na pinto. Binuksan nito ang pinto at naunang pumasok kaya sumunod narin siya.

Sa kanyang pagpasok ay bumungad sa kanya ang malinis at plain na kuwarto. Ang pintura nito ay kulay puti. Tanging kama at side table lang ang meron sa kuwarto na gamit. Sa left side naman ay cr. At may isa pang pinto na hula niya'y closet.

"Ito ang magiging kuwarto mo pansamantala." napalingon siya kay Carolina dahil sa sinabi nito.

"Pansamantala? Bakit pansamantala lang?" kunot noo niyang tanong. Naguguluhan sa kung ano ang pinapahiwatig nito.

"Sabi sa amin ni Mr. Cheng na kapag kasal na kayo ay ililipat namin ang gamit mo sa kanyang kuwarto." napaawang ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Agad nagtaasan ang kanyang mga balahibo sa batok sa iisiping ikakasal siya sa matanda at magkatabi silang dalawang matulog. Nalukot ang kanyang mukha at parang masusuka siya sa naisip.

Tulala siyang umiling–iling. Bumalik ang mga luha sa kanyang mata hanggang sa tuluyan na nga itong sunod-sunod na nahulog sa kanyang pisngi.

Umiiyak siyang napaupo sa panghihina. Parang hindi siya makahinga sa sobrang bigat ng kanyang dibdib.

Ito na ba talaga ang kanyang kapalaran? Ikakasal siya sa isang matanda at hindi niya mahal.

Mas lalong nanindig ang kanyang balahibo sa iisiping gagalawin siya ng matanda pagkatapos ng kasal. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at huminga ng malalim.

Ayaw niya‚ hindi niya kayang maikasal sa matanda. Pero may choice ba siya? Siya ang kapalit sa utang ng kanyang tiya sa matandang chinese. Pero mas mabuting nang siya ang naging kapalit pambayad kesa ang kapatid niya. Hindi niya kayang makita ang kapatid na magpapakasal sa lalaking hindi naman nito mahal‚ at higit sa lahat ay sa matanda pa talaga at mukha pang adik.

"Maiwan na muna kita." nanghihina at wala sa sarili siyang tumango ng magpaalam sa kanya si Carolina. Nakalimutan niyang nandito parin pala ito sa kuwarto kasama niya.

Pinalis niya ang kanyang luha't tumayo.

Mabigat ang kanyang ginawang pagbuntong hininga at nanghihinang umupo sa malawak at malambot na kama. Hinilamos niya ang kanyang palad sa mukha at malungkot na napangiti. Miss niya na agad ang kanyang kapatid. Kumusta na kaya ito? Baka sinasaktan na ito ngayon ng kanyang tiyahin.

Nang maalala ang kanyang pangako sa kapatid ay mabilis siyang nabuhayan ng pag-asa. Hindi dapat siya panghinaan ng loob. Kailangan niyang maging matatag at maging malakas para ma–sulosyonan ang problemang ito. Hindi siya maaring tumira sa pamamahay na ito pang–hambuhay. Kailangan niyang makaisip ng plano para makatas at mabayaran ang utang ng kanyang tiyahin para hindi na siya maikasal sa matandang intsek na iyon.

Agad siyang tumayo at pumuntang closet para maghanap ng damit dahil maliligo siya. Wala siyang nadala na maski isang gamit dahil biglaan ang pangyayari. At kung alam niya lang na gagawin to sa kanila ng kanyang tiya ay matagal na silang lumayas na magkapatid. Pero huli na ang lahat. Nandito na siya sa puntong kailangan niyang tiisin ang lahat.

Pagbukas niya palang sa closet ay tumambad na agad sa kanyang paningin  ang mga mamahalin at sobrang maiikling damit na kulang nalang ay makita ang kanyang kaluluwa.

Hindi niya nais na gamitin ang mga gamit na binibigay ng matanda ngunit kung hindi niya iyon gagamitin, ano ang susuotin niya? Sa ngayon ay titiisin niya muna ang lahat at pakisamahan ito hanggang sa makabuo siya ng plano. Namili siya ng damit na para sana pambahay ngunit wala siyang makita dahil halos lahat ay maiikli. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang suotin ang dress na hanggang hita ang haba. Pagkatapos niyang mamili ng damit ay agad na siyang pumuntang banyo.

May katamtamang laki ang banyo. May bathtub at shower rin.

Binuhay niya ang shower at hinubad lahat ang kanyang saplot bago lumusong sa shower. Pikit matang tumingala siya at sinalubong ang patak ng tubig sa kanyang mukha. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok at hinayaan ang malamig na tubig na bumalot sa kanyang kahubaran.

Sana‚ isang masamang panaginip lamang ang lahat ng ito. Na sana sa pagmulat ng kanyang mga mata ay malabong magkakatotoo.

Binalot niya nang tuwalya ang kanyang katawan pagkatapos niyang maligo at nagbihis. Hindi siya nag tagal sa pagligo dahil sobrang okupado ng kanyang isip sa mga possibleng mangyari sa kanya habang nasa bahay ng matanda.

Pero kahit na anong gawin niya. Ito ang katotohanan. Ipinambayad na siya ng kanyang tiyahin upang mabayran ang mga utang nito sa matandang intsek. At wala na siyang ibang magagawa pa kundi tanggapin ang lahat. Wala na siyang kawala.

Ikakasal siya sa matandang chinese.

Masakit man ngunit iisipin niya na lamang na para ito sa kapatid niya. Mas mabuting siya ang magdurusa kesa ito.


Kaya mo 'to Aurelia.

                          Miss4phrodite

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon