CHAPTER TWENTY ONE

2.9K 61 9
                                    

                 Trigger Warning. 🚨

                              

"AHHH!! "

Screams and groans were the only sounds in the room she was in. She groan again as he kicked her in the stomach making her cough. She suffered many bruises because of his beatings. She also have a big burn on her chest nang pasuin siya nito.

"Ahhhh!! T–Tama na, P–Parang awa mo na."

She begged as he burned her arm with a cigarette. She bit her bottom lip hard as she felt the heat seep into her skin.

He laughed and pressed the cigarette harder against her skin until the flame went out. He was not satisfied and continued to hit her with a belt that immediately hit her foot and hand. She groan because of the pain.

After he beat her, he kicked her in the face, which cut her lip and caused her nose to bleed. He stomped on her again, making her lie on the cold floor. Her body is getting weak and she can't get up because of the severe pain in her body. Add to that her back which is full of bruise. He spat on her after beating her.

"If you just follow what I want. You will not feel pain but pleasure. " she didn't speak and just curled up on the cold floor.

Umalis din ito kalaunan at ni lock ang pinto. Humagulhol siya ng iyak at pinikit ang mamamagang mata.

Napadaing siya ng kumirot ang paso sa aking braso at dibdib. Pinilit niya ang kanyang sariling maupo, ilang beses pa siyang napadaing dahil sa kanyang sugat at pasang natamaan hanggang sa tuluyan na nga siyang napaupo.

Nanginginig ang kamay niyang tiningnan ang kanyang paso sa dibdib at pasa sa katawan. Nangingitim ang kanyang pasa at namamaga din ito. Pinahiran niya ang dugo sa kanyang ilong na ngayon ay natuyo na. Hinaplos niya ang kanyang labi na may putok. Napa-igik siya dahil sa sakit.



Tiniklop at niyapos niya ang kanyang binti at pinatong ang baba sa kanyang tuhod at doon tahimik na umiyak. Hindi niya akalaing darating ang mga araw na ito. Na ganito ang dadanasin niya sa kamay ng matandang intsek. Alam niya namang masama ang ugali nito ngunit hindi niya inakala na ganito pala ito kasama.











***

BUONG MAGDAMAG siyang umiyak hanggang sa makatulog. Kahit kumukulo ang kanyang sikmura ay tiniis niya na lamang ang gutom gaya ng pagtitiis niya sa sakit at hapdi ng kanyang mga sugat. Kinabukasan ay mahina siyang napapadaing sa sakit ng katawan. Halos hindi na siya makabangon dahil sa pamamanhid nito. Tiningnan niya ang kanyang mga pasa. Kung kahapon ay nangingitim ang ito ngayon naman ay nag kukulay ube na. Wala rin siyang kain dahil walang nag hatid sa kanya ng pagkain. Maski tubig ay hindi siya hinatiran. Tiniis niya na lang ang gutom at uhaw.

Sumandal siya sa pader na mabilis niyang pinagsisisihan ng madiin ang kanyang sugat sa likod.

Napapangiwing napabaling siya sa pinto ng bumukas ito. Niluwa nito ang isang matandang babae na may bitbit na pagkain. Naalala niya ito‚ ito ang matandang mayordoma ng mansyon.

Nakita niya ang awa sa mga mata nito. Malalim itong bumuntong hininga kalaunan at lumapit sa kanya.

"Hinatiran kita ng pagkain hija, alam kong gutom ka na. Wala dito si Mr. Cheng kaya nakakuha ako ng pagkakataon na puntahan ka dito." Ngumiti siya ng tipid sa matanda at nag pasalamat.

"May gamot rin akong dala. Inumin mo 'yan pagkatapos mong kumain para kahit papaano'y mawala ang pananakit ng katawan mo. At siyaka may dala rin akong damit para makapag palit ka. " Nanubig ang kanyang matang tumingin sa matanda. Nagpapasalamat dahil kahit papaano ay may taong handa paring tumulong sa kanya kahit alam ng mga itong delikado.

"M–Maraming salamat po. " Lumuluha niyang pasasalamat. Maliit itong ngumiti ngunit naroon parin ang awa.

"Kung may maitutulong lang sana ako. " Mahinang saad nito na ikina-iling-iling niya.

Kahit gusto niyang tumakas ay hindi siya pwedeng humingi ng tulong dahil baka ito na naman ang hahabulin ng matandang intsek. Baka ito na naman ang mapahamak.

"H–Hindi na po kailangan, Maraming salamat nalang po. " sapat na ang ginawa niyo sa kanya.

Malalim itong bumuntong hininga bago may kinuha sa bulsa. Agad nitong binigay sa kanya ang isang di–keypad na cell phone.

"Ito, gamitin mo, tawagan mo ang taong pwede mong mahingian ng tulong. " Desidido nitong saad na ikinaiyak niya ng husto.

Sunod sunod na pumatak ang kanyang luha at walang katapusang nag pasalamat sa matanda.

"Wag mong intindihin yun, ang mahalaga ay makahingi ka ng tulong at makaalis dito. Hala sige, kumain kana dahil baka maabutan pa tayo dito ng mga tauhan ni Mr. Cheng. "

Agad siyang nag madaling kumain para hindi siya maabutan ng mga tauhan ng matandang intsek at hindi maparusahan ang mayordoma.

Pagkatapos niyang kumain ay agad mabilis niyang ininom ang gamot na ibinigay nito. Nag paalam na rin itong aalis na.
Kinuha niya ang isang bisteda at nagpalit.

Nanginginig ang kamay na kinontak nisa ang isang taong maari niyang mahingian ng tulong.

"Who's this? "

Mabilis siyang napahikbi ng marinig ang boses nito. Sobrang namiss niyang marinig ang boses nito at ang mahigpit nitong mga yakap sa kanya.

"Who the fuck is this? " May pagtitimpi sa boses nitong tanong sa kanya.

"Look, kung sino ka man, I don't have time for your bullshit so speak now. " Ngayon ay galit na talaga ito.

"H–Hunter. " nanginginig ang kanyang boses na bigkas sa pangalan nito.

Natahimik ang kabilang linya ng mag salita siya. Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin ito sumagot. Nagtatakang tiningnan niya ang cell phone at nang makitang naka on call parin ito ay nag salita ulit siya.

"T-Tulungan mo ako. " Nanginginig ang boses niyang pakiusap.

Dinig niya ang sunod sunod na mura nito sa kabilang linya at ang mabibigat nitong paghinga.

"Where the fuck have you been? I was looking for you, don't you know that? Akala ko nilayasan mo na ako kasi ayaw mo na sa akin! " Galit nitong saad sa kabilang linya.

Paulit-ulit siyang umiling. Kahit kailan, hindi niya ito magawang iwan. Mahina siyang humikbi na ikinatahimik nito.

"N-Na kidnapped ako. " parang bata niyang sumbong.

Mabilis siyang napaigtad ng marinig ang malakas ng pagkabasag ng isang bagay sa kabilang linya.

"Where are you? Who the fuck kidnapped you? " He asked in a cold tone.

She burst into tears.

"N-Nasa manila ako. Sa bahay ng matandang chinese, kay Mr. Cheng. Hunter, tulungan mo ako, please " she begged.

"Hush! Everything will be fine, I'll help you. " he said and tried to make her calmn. "Don't cry, okay? Stay safe please." He said in a soothing voice.

"Did he hurt you?" She immediately fell silent and couldn't answered

"Aurelia. " His voice said with a hint of menace.

"Oo, sinaktan niya ako. " she sobbed hard.

"Damn! I swear to god. I will kill that mother fucker. Goddamn it! " Malutong na mura ang pinakawalan nito sa kabilang linya.

"Don't worry baby. I will save you alright? Promise me that you'll be okay." Masuyo ang boses nitong saad na ikinatunaw ng kanyang puso.

"Oo, pangako."





                   Miss4phrodite

 POSSESSION SERIES 1: HUNTER GRAYSON [Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon