Part 1

103 0 0
                                    

Sa love marami tayong matututunan, tulad ng kung pano tayo magmamahal ng totoo, pano tayo matututo sa mga pagkakamali natin at kung pano tayo magmomove on kapag nasaktan. Lahat yan dumadating sa buhay natin. Walang pinipili ang love. Kahit sino pwedeng tamaan nito.

-------

Hope you'll enjoy with my story.

-------

Ako si Christine, Chris nalang for short.
Isa akong Lesbian, yung taong pumapatol sa kapwa niya babae. Pero kahit ganto ako, tanggap ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan kong babae. At kahit ganto ako, may takot parin ako sa diyos.

Sisimulan ko ang storya ko nung elementary ako. Marami naman akong mga kaibigan, at dahil narin sa mga kaibigan na ito kaya naramdaman at nahanap ko ang tunay na ako. Nung grade 4 palang ako, iba ang naramdaman ko pagdating sa mga babae, dun ko nalaman sa sarili ko na iba ako, na mukha akong babae pero pusong lalaki. Nung sinabi ko yun sa mga kaibigan ko, nagulat sila pero okay lang sakanila yun. Pero merong isang taong hindi ko pa nasasabihan ng tungkol sa kung sino talaga ako, yun ay ang mama ko. Dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sakanya.

Naging masaya naman ang takbo ng buhay ko, ng buhay naming lahat. Kahit hindi pa alam ni mama ang totoong ako.
Umabot ako ng Grade 6 ng hindi pa nalalaman ni mama na lesbian ako. Kaya ang ginawa ko nalang, pinapahalata ko nalang sakanya, sa kilos ko at sa pananamit ko.

Ilang linggo palang ang nakakalipas ng magsimula ang school year, at iniisip ko parin paano ko sasabihin kay mama na lesbian ako. Ang gusto ko kasi, bago dumating ang birthday ko ay alam na ni mama kung ano talaga ako.

Hanggang sa nakakilala ako ng isang magandang babae.
Si Sally. Naging parte siya ng group of friends ko, naging masaya kami araw-araw. Kanya kanyang trip pero pagdating ng uwian, sama sama sa kalokohan. Naging maayos ang pagaaral ko at ginawa kong inspirasyon ang dalawang babae sa buhay ko. Si mama, at si Sally. Masiyahin na tao si sally pero nagbago ang lahat ng ito simula nung mapansin ko siyang laging malungkot, tulala, at laging walang gana kumain. Hanggang sa isang araw, break time namin noon at nakita ko si sally na umiiyak sa may CR.

------------

Leave your comments guys

A Lesbian's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon