Sana po nagenjoy kayo sa part 1 ng storya ko.
Eto na po ang pangalawa.
--------"Sally bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya.
"Wala okay lang ako." Yan ang sagot niya.
"Sally, kaibigan mo ako, pwede mo akong sabihan ng mga problema mo." Tapos bigla niyang nilagay ang ulo niya sa balikat ko at umiyak.
Nilabas ko ang panyo sa aking bulsa at pinunas sa mga luha niya."Wag ka ng umiyak, nawawala yang ganda mo pag umiiyak ka." Sabi ko sakanya sabay ngiti, ito din ang nagpangiti sakanya at dahan dahan siyang tumahan.
At hindi nagtagal ay tumigil na siya sa kakaiyak at nagayos ng sarili.
"Salamat sa panyo mo ah. :)" sabi ni Sally
"Wala yun. Okay lang. :)" sabi ko sakanya.
"Pasensya ka na ah. Hindi ko kasi talaga napigilan umiyak eh." Yan ang sambit niya sa akin.
"Okay lang yun. Mukha ngang malaki ang problema mo. Ano ba yun?" Nagtataka kong tanong sakanya.
"May malaki kasi kaming problema sa bahay. At nakita ko nanaman na nagaaway kagabi ang mga magulang ko." Nanggilid ang mga luha sa kanyang mata habang kinukwento niya sakin ang nangyari sa bahay nila.
Hanggang sa matapos ang klase namin at maguwian, kami ni Sally ang magkasama. Hindi pa doon natapos ang araw na yun, nagtext sa akin ni sally at nagkukwento parin siya sa akin ng lahat ng nangyayari sa bahay nila. At okay lang naman sa akin iyon, masaya ako at nagsasabi siya sa akin.
Hindi nagtagal, ay nadagdagan ang paghanga ko kay Sally. Araw-araw na kaming magkasama, kahit weekends ay nagkikita kami. Kung saan saan kami nagpupunta, sa mall, sa arcade, sa bahay nila, at sa bahay namin.
Habang tumatagal, nararamdaman kong lumalalim ang nararamdaman ko para kay Sally, mahal ko na yata siya! :)Malapit na ang graduation namin, nagpapractice kami araw-araw. Hindi kami naghihiwalay ni Sally, kahit sa pila ay tumatakas kami. At dahil sa routine namin, alam ko na sa sarili ko na mahal ko na talaga siya.
"Anong gagawin ko? Gusto ko ng sabihin sakanya bago mag graduation. :(" yan ang sabi ko sa pinsan kong si Cherry, pero pinagtatawanan niya lang ako.
"Edi sabihin mo sakanya, bago pa mahuli ang lahat." Sagot sa akin ni Cherry na may halong pang aasar.
"Ay nako! Salamat sa tulong mo ah. Pinsan nga kita." Sabi ko sakanya at tumayo ako sa sofa kung saan nakaupo kaming magpinsan.
Iniwan ko siya tumatawa at umakyat na ko sa kwarto ko. Humiga ako at nagisip kung ano ang dapat kong gawin. Nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko para tignan kung sino ang nagtext, biglang kumabog ang dibdib ko ng malaman ko ang pangalan ng nagtext, si Sally!
"Bes, busy ka ba? Kailangan ko ng kausap. :(" yan ang nilalaman ng message na pinadala niya sa akin.
"Hindi naman bes, bakit? Why are you sad?" Reply ko sakanya.
-------
Sana po nagustuhan niyo. :)