Habang nasa practice kami ay hindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sally sa akin.
Aalis na siya. After graduation. Huli na ang lahat. Hindi ko na alam kung paano ko pa sasabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman.Natapos na ang practice at pauwi na ang lahat.
"Bes okay ka lang?" Bungad na tanong sa akin ni Sally.
"Ha? Oo. Okay lang ako. Napagod lang siguro ko sa practice tsaka medyo sumama ang pakiramdam ko." Sagot ko sakanya.
"Ah ganun ba? Tara uwi na tayo. Para makapag pahinga ka." Pag aalala niyang sabi sa akin.
Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep ng hindi nagiimikan. Wala akong lakas ng loob para kausapin siya. Hindi ko din alam kung ano pa ang sasabihin ko sakanya.
Matagal din bago kami nakasakay ng jeep. Nasa may bandang gitna kami ng jeep. Hindi pa masyadong puno. Tahimik parin kaming dalawa ng bigla siyang humiga sa balikat ko at hinawakan niya ang mga kamay ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Magkaholding hands kami ni Sally.
Biglang nagkaron ng konting ngiti sa aking mga labi."Bes dun muna ko sainyo." Bungad niya sakin ng may halong pagod at lungkot.
"Sige." Sagot ko sakanya.
Nakadating na kami ng bahay at dumirecho kami sa aking kwarto. Nahiga siya sa kama ko at niyakap ang isang unan. Ako naman ay kumuha ng damit sa drawer at lumabas sa kwarto pumunta ako ng CR para magbihis. Pagbalik ko sa kwarto ay nakatulog na si Sally tinabihan ko siya at pinagmasdan ko ang pagtulog niya. Para siyang anghel na walang problema. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sakanyang mga mukha at pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha.
Ilang minuto ko siyang tinitigan. Tumayo ako at kinuha ang remote sa ibabaw ng TV. Pag bukas ko ay nilagay ko sa MYX ang channel, tumutugtog ang kanta ni Avril Lavigne na When your gone. Bigla ko siyang tinignan at may biglang gumilid na luha sa mata ko.
Nilapitan ko siya at muli ay pinagmasdan ko ang mukha niya."Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo ito. Hindi ko narin naman kaya pang itago. Mas kilala mo ko kaysa sa mama ko. Hindi ko rin naman alam pero parang nahuhulog na ang loob ko sayo." Bulong ko sakanya habang pinagmamasdan ang mukha niya.
"Mahal na nga yata kita eh." Dagdag ko pa. Biglang tumulo ang luha ko. Tinanggal ko agad ang tingin ko sakanya at pinunasan ang luha na tumulo. Pag balik ko ng tingin sakanya ay nakadilat na siya at nakatingin sakin na nang gigilid din ang luha niya.
Pumikit siya at tumulo na ang luha. Pinunasan ko iyon at dumilat siyang muli."Oh gising ka na pala. Bat ka umiiyak.?" Tanong ko sakanya na parang wala akong sinabi sakanya.
Bigla siyang tumayo at niyakap ako."Mahal na din yata kita." Bulong niya sakin at sabay higpit ng yakap niya.
Napaluha ako sa mga sinabi niya at niyakap ko din siya ng mahigpit.
Kumalas siya sa pagyayakap namin at nagkatitgan kami. Bigla siyang ngumiti at tumawa, dahilan din ng aking pagngiti sakanya."Mahal kita." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya.
"Mahal din kita." Sagot niya sa akin ng nakangiti at niyakap akong muli.
Kinagabihan ay nagpaalam na siya sa akin na uuwi na daw siya. Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep at inintay na makasakay siya. Magkahawak ang aming mga kamay habang nagiintay ng jeep, at parehong may ngiti sa aming mga labi.
Pagkasakay niya ng jeep ay nagtext ako agad sakanya."Ingat ka. Text mo ko pag nakauwi ka na. :)" sabi ko sakanya.
"Thank you. :) Ikaw din. Ingat sa paglalakad. Thank you din sa paghatid. :)"
Reply niya sa akin.Pagkabasa ko nito ay hindi ko mapigilan mapangiti. Masaya ako sa mga nangyari. Ang pag amin ko sakanya at ang pag amin din niya sa akin.
Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ay biglang tumunog yung cellphone ko."Hi bes. :) Nakauwi na ko at nakakain na din. Musta ka na? :) Kumain ka na ba? :)" Text sa akin ni Sally. Ako naman ay napangiti nanaman habang papunta ng kwarto.
"Okay naman ako. Kakatapos ko lang din kumain at maghugas. Ikaw? Musta ka? :)" Sagot ko sakanya ng may ngiti parin sa aking mga labi.
Nagpatuloy ang aming pagtetext hanggang sa magpaalam siya na matutulog na siya.
"Bes tulog na tayo. Inaantok na ko eh. May pasok pa tayo bukas." Pagpapaalam niya sakin.
"Sige bes. :) Good night. :) Sweet dreams. Sleep tight. See you tommorow. :)" Sagot ko naman sakanya.
"Good night bes. :) Sweet dreams din and sleep tight. See you tommorow. :) i love you. :)" Sagot naman ni Sally.
Pagkabasa ko nito ay parang may dumaloy na kuryente sa aking kawatan. Natuwa ako. At biglang natulala sakanyang sagot. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Kahit gabing gabi na ay parang lumiwanag ang buong paligid ko. Hindi ako mapakali.
"I love you too. :)" Yan nalang ang nasagot ko sakanya at humiga na ako.
Pinipikit ko ang aking mga mata ngunit hindi ako makatulog. 3:00am na gising parin ako. Pero may ngiti parin sa aking mga labi at hawak ko parin yung cellphone ko. Binuksan ko ito at binasa ko ulit ang text sakin ni Sally. Paulit ulit ko itong binabasa. At hindi nawawala ang ngiti ko.
Kahit madaling araw na ko nakatulog ay maaga parin akong nagising.
6:30am palang ay nakamulat na ulit ang mga mata ko. Nakahiga lang ako ng bigang tumunog ang cellphone ko."Good morning bes. :) I love you. :)" Text ni Sally. Lalong nadagdagan ang ngiti sa mga labi ko. At para akong nasa heaven dahil sobrang liwanag ng paligid ko.
Agad ko siyang nireplyan."Good morning din bes. :) I love you too. :)" sabi ko sakanya.
Bumangon ako ng masaya at punong puno ng energy. Pag baba ko ay nakita ko si mama na nagluluto at binati ko siya ng magandang umaga.
Pagkatapos kong magasikaso sa bahay ay naligo na ko, nagbihis at umalis para makapasok ako ng maaga.
"Bes papunta na kong school. Ingat ka ah. :)" text ko kay Sally habang nakasakay ako ng jeep.
"Ingat ka bes. :) papunta narin ako. See you. :)" reply niya sakin.
Pag dating ko sa school ay agad akong dumirecho sa tinatambayan namin ni Sally at nakita ko ang mga kaibigan namin dun. Nilapitan ko sila at nakisali. Nagtatawanan kami ng biglang dumating si Sally.
"Hi guys! :)" Bati niya samin ng may ngiti.
"Hi Sally!" Bati ng barkada sakanya.
Tumingin si Sally sa akin at kinindatan ako at tumabi siya sa akin.
Nagtatawanan kami habang ngiintay na magsimula ang practice namin.
Bigla akong niyaya ni Sally na pumunta sa canteen.
---------
Sana po suportahan niyo ang storyang ito. First time ko po gawin toh. At sana madagdagan pa.