Totoong storya po ito ng buhay ko. Sana magustuhan niyo. :)
------------
Pagka send ko ng text ko sakanya, binalik ko na yung cellphone ko sa ilalim ng unan at naghintay nalang ako na sumagot ulit siya, ngunit natagalan ang pag sagot niya. Lumipas 30 minuto, wala paring sagot si Sally. Kinabahan na ako at hindi mapalagay.
Kinuha ko ulit yung cellphone ko para tignan ito, pero wala parin, wala parin siyang reply sa text ko.
Binasa ko ulit yung text niya, lalo akong kinakabahan sa paghihintay ng text niya.
1 oras na ang lumipas hindi na ko mapakali at tinawagan ko na siya.*ring.....ring....ring.....ring.........tooootoootootoot*
"Hindi siya sumasagot." Yan nalang ang nasabi ko at sinubukan ko ulit na tawagan siya.
*ring....ring.......ring.....*
"Hello bes? Napatawag ka?" Biglang nawala ang kaba ko ng marinig ko ang mala-anghel niyang boses. At ang kaninang lungkot sa mukha ko ay napalitan ng ngiti at saya.
"Alam mo grabe ka talaga, nagtext ka kanina tapos hindi kana nagreply, nag alala ko sayo kaya tinawagan na kita, pupuntahan na nga sana kita kung hindi ka pa sasagot eh" Sabi ko sakanya sa may halong galit sa boses ko.
"Sorry bes. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Hehe. Sorry na. Pleaassee" Habang sinasabi niya iyon ay naiisip ko ang itsura niya, yung mukha niyang nagpapa cute habang humihingi ng tawad na parang bata. Daig pa niya ang 2 taong gulang na bata na nanghihingi ng candy sa pagpapacute.
"Ocge na. Nagalala lang ako. Sige bye. Tulog kana ulit." Pang aasar ko sakanya.
"Hala bes. Sorry na. Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Wag ka ng magalit." Habang sinasabi niya iyon ang nararamdaman kong paiyak na siya. Dahil sa boses niya.
"Ano ka ba bes. Hindi ako galit noh. Hehe. Okay lang yun. Bakit ka nga pala malungkot kanina?" Tanong ko sakanya.
"Sabihin ko sayo bukas bes pagpasok. Ligo lang ako. Hehe."
Pag putol niya sa usapan namin. Dahil sa mga sinabi niya ay bumalik ang kaba sa aking dibdib. Hinuhulaan kung ano ang sasabihin niya. Kung bakit siya malungkot. At biglang nakatulog.Alas 10 na ng gabi ay hindi parin ako makatulog. Iniisip parin kung ano ba ang sasabihin ni Sally bukas.
"May sasabihin daw siya. Pano kaya kung sabihin ko narin sakanya ang nararamdaman ko? :)" sabi ko sa sarili ko habang pinipilit kong ipikit ang aking mga mata para matulog.Alas 6 na ng umaga ng magising ako dahil sa tunog na galing sa ilalim ng unan ko. Tumutunog yung cellphone ko. Pag tingin ko ay may 3 text at 2 missed calls. Lahat ito ay galing kay Sally.
"Good morning bes. Aga ko nagising ngayon eh. Pasok ka maaga ah. :)"
5:00 AM"Bes gising ka na! :)"
5:28Am"Bes!!!!"
6:00AMPagkabasa ko ng 3 message ni Sally ay tinawagan ko siya.
"Hay salamat at gumising ka narin" bungad sakin ni Sally.
"Good Morning din. Hehe." Pang aasar ko sakanya.
"Grabe ka talaga. Ayy bes, ang bilis ng panahon noh. 3 weeks nalang graduation na natin." Excited nyang sabi sakin.
"Oo nga eh. Teka bes. Maliligo na ko. 9am ang practice natin. Kita nalang tayo sa may lobby mamaya. Text nalang." Sabi ko sakanya.
"Sige bes. Maliligo narin ako. Bye! See you!" Pagputol nya sa paguusap namin.
Umaga palang ay buo na agad ang araw ko. Anghel agad ang nakausap ko. :)
Naligo na ko. Nagbihis at kumain ng almusal para makapasok na ako. Medyo kinakabahan ako dahil ito na ang araw na hinihintay ko. Ito na ang araw na sasabihin ko kay Sally ang totoong nararamdaman ko.Maaga pa ng makarating ako sa eskwelahan. Pag pasok ko ng gate ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Habang papalapit ako sa lobby ay nanginginig ang aking mga kamay. Pero pinigilan ko ito. "Wohoo! Kaya ko toh! Kailangan ko ng sabihin sakanya." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa lobby kung saan kami magkikita ni Sally.
Pag pasok ko sa lobby ay nakita ko agad si Sally, ang ganda niya. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na may headband na pink. Sobrang cute niya talaga.
Nilapitan ko siya at tinapik sa braso, "Huy! Tulala ka nanaman diyan" bungad ko sakanya."Andyan ka na pala bes. Wala, may iniisip lang ako." Sagot naman niya sakin.
"At ano naman ang iniisip ng bestfriend ko?" Sabi ko sakanya habang paupo ako sa tabi niya.
"Bes may sasabihin ako sayo." Nakangiti niyang sabi sakin.
"Ako din bes." Sabi ko sakanya na may halong kaba.
Nagumpisa siya magkuwento ng nangyari sa bahay nila kahapon hanggang sa,
"Bes after graduation, pupunta kami ni mommy sa Canada. :)" nakangiti niyang sabi sakin.
Sa sinabi niyang yun, parang gumuho ang buong mundo ko. Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Huli na ang lahat, aalis na siya. Iiwan na niya ako. Nangingilid ang mga luha ko pero hindi ko ito pinahalata kay Sally.
"Talaga bes? :) pasalubong ko ah." Pagpapanggap ko sakanya. Pinilit ko ngumiti kahit hindi ko kaya.
"Uhm bes." Sagot niya sa akin.
"Ano yun?" Sabi ko sakanya.
"Bes kasi sabi ni mommy dun na daw ako maghihigh school. For good na daw kami dun." malungkot niya sabi sakin.
Natahimik ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Parang binasag ng 10 beses ang puso ko sa mga sinasabi niya.
"Uhm, bes ano nga pala yung sasabihin mo?" Pag basag niya ng katahimikan namin.
"Ha? Ah. Wala. Tara na. Baka malate na tayo." Malungkot kong sabi sakanya pero may halong ngiti para hindi niya mapansin ang kalungkutan ko.
-------------
Just leave your comments.