Part 5

35 0 0
                                    

Habang naglalakad kami ni Sally ay bigla siyang nagsalita.

"Pano na tayo?" Sabi niya at bigla siyang tumingin sakin.

"Ha? Anong pano na tayo?" Pagtataka kong tanong sakanya.

"Ngayon na alam na natin ang totoong nararamdaman natin para sa isa't isa. Pano na tayo? Ilang linggo nalang kaming magsstay ng family ko dito after graduation. Malapit na maayos lahat ng papeles namin para sa pag alis namin. Pano tayo?" Sabi niya sakin.

"Hindi ko alam." Sagot ko ng bigla akong matulala at nanggigilid ang mga luha.

Hindi na siya umimik at naglakad na ulit kami papunta sa canteen.
Pagdating namin doon, nandun si Jason ang matagal ng may gusto kay Sally.

"Hi crush!" Bati ni Jason kay Sally ng may ngiti.

"Hi Jason!" Bati naman ni Sally na may pilit na ngiti sakanyang mukha.

"Ano gusto mo? Libre na kita." Sabi ni Jason.

"Ha? Wag na. Salamat nalang." Sagot ni Sally at hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami sa bilihan ng softdrinks.
Sumunod naman si Jason.

"Sige na crush. Last na to. After graduation magmmigrate na kami ng family ko sa ibang bansa. Mamimiss nga kita eh." Sabi ni Jason sakanya.

"Wag na Jason. Okay lang ako. Salamat sa alok mo." Sabi ni Sally sabay ngiti.

"Okay. Sige. Ikaw bahala. Oo nga pala, Balita ko pupunta din kayo ng Canada after graduation. Sana magkita tayo dun." Sabi ni Jason sabay kindat kay Sally at lumabas ng canteen.

------
Sana po subaybayan niyo parin ang kwento ko.

A Lesbian's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon