Kumirot ang puso ko sa narinig ko galing kay Jason. Paano kung magkita nga sila dun at magkamabutihan habang nasa malayo sila. Natakot ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Lumabas kami ni Sally sa canteen na may dalang softdrinks at sandwich.
Nananatili ang katahimikan sa aming dalawa."Kahit naman sabihin kong wag ka ng umalis, hindi parin naman matutupad diba? Dahil lilipad narin kayo papuntang Canada." Pag basag ko ng katahimikan.
Nakatingin lang sa akin si Sally at wala parin siyang imik.
"Mahal kita Sally, pero alam natin pareho na ayaw natin ng LDR." Sambit ko kay Sally na may luhang tumutulo sa aking mata.
Binaba niya ang dalang softdrinks at sandwich sa lamesang aming nadaanan at niyakap ako ng mahigpit.
"Mahal kita Chris. Ayoko man lumayo sayo, pinapangako ko, babalikan kita. Hindi tayo mawawalan ng communication dahil meron namang facebook at skype. Kaya natin ito Chris. Wag ka susuko. Mahal na mahal kita." Yan ang sinabi sa akin ni Sally na kumurot sa aking puso at nayakap ko siya ng mas mahigpit.
"Oy! Oy! Oy! Ano yang drama na yan at yakapan na yan ha!?!?!?!" Bigla kaming kumalas sa isa't isa at nagpunas ng aming mga luha ng marinig namin ang tinig ng aming mga kaibigan na magtatawanan at nangaasar sa aming dalawa.
"Wala ah. Malungkot lang si Sally kasi malapit na ang graduation at aalis na sila." Pagtanggol ko sa amin.
"Chris, sabihin na natin sakanila, hindi naman tayo pwede maglihim sakanila ng matagal eh." Sambit ni Sally sa akin sabay harap sa mga kaibigan namin.
"Guys! Kami na ni Chris. Mahal namin ang isa't isa." Sigaw ni Sally sa buong tropa.
Nagtawanan sila at nangasar pa. Pero tanggap naman nila ang relasyon namin ni Sally.
"Lumalove life kayong dalawa ah. Hahaha." Sabi ni Lisa sa amin.
"Mahal ko siya eh." Sabat naman ni Sally.
"Wow naman. Eh pano kayo after graduation?" Sabat naman ni Angelica
"Yun nga yung pinaguusapan namin kanina bago kayo dumating eh." Sabi ko sakanila.
"Kaya kayo nagiiyakan diyan?" Tanong ni Mariel
"Hindi." Sabat ni Sally
"Oh eh balit kayo nagiiyakan?" Tanong ni Lea
"Dahil kay Jason." Sabi ni Sally
"Anong tungkol kay Jason." Sabi ni Mariel
"Lumapit kasi samin si Jason kanina, inaalok ako ng softdrinks. Tas hindi ako pumayag, tapos biglang sinabi ni Jason na after graduation, pupunta din daw sila sa Canada, keep in touch daw ako. Kita daw kami dun. Kaya ayan, nagaalala si Chris." Kwento ni Sally sakanila habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.
"Asus! Ang drama ng kaibigan natin oh. Hahaha." Sabi ni Lea
"Wag ka magalala Chris, Halata namang mahal ka ni Sally." Sabi ni Mariel
"Salamat sa suporta guys ahh!." Sambit ko sakanila.
Buong araw kaming naglokohan at nagasaran hanggang matapos ang practice namin.
Buong barkada kaming naglalakad palabas ng school ng biglang may sumigaw."Sally!" Sigaw ni Jason
Sumisigaw siya habang tumatakbo palapit sa amin.
"Sally, tara hatid na kita" sabi ni Jason.
"No thanks. Kasabay ko sila Chris." Sabi ni Sally.
"Ayy ganun. Sige. Next time nalang pag nasa Canada na tayo. (Sabay kindat kay Sally)." Sabi ni Jason.
------------
Please support guys. Thanks. :)