Part 7

25 0 0
                                    

Ok. (Sabay talikod ni Sally kay Jason at hawak sa kamay ko.)

Nagkayayaan ang barkada na umuwi na dahil napagod daw sila sa practice.

Kami naman ni Sally ay nagiintay ng jeep dahil gusto daw  niya na pumunta muna ako sa bahay nila.

Habang nakaupo kami sa jeep ay nagbayad na ako ng pamasahe naming dalawa at tumabi na ako kay Sally at bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay at humiga siya sa balikat ko.

Matagal din ang aming pwesto na ganun dahil medyo traffic. Nang makababa kami ng jeep ay naglakad kami ng konti para makarating sa bahay nila.

"Ma, andito na ko. Kasama ko si Chris." Sigaw ni Sally.

"Sige anak. Ipaghahanda ko kayo ng merienda." Sabi ng Mama niya na akmang tatayo mula sa sofa na kanyang inuupuan habang nanunuod ng TV.

"Sige ma. Dun lang kami sa kwarto." Sambit ni Sally.

"Sige anak. Tawagin ko nalang kayo." Dagdag ng mama niya.

Pag pasok namin sa kwarto niya, dumiretcho siya sa kanyang aparador at kumuha ng damit. At ako naman ay pumunta sa kama niya at umupo.

"B! Wait lang ah. Magbibihis lang ako." Sabi ni Sally habang naglalakad papunta sa pinto.

"Sige. Manunuod lang ako dito. Take your time." Sagot ko sakanya.

Kinuha ko ang remote at nanuod ng tv.
Nang biglang may kumatok at bumukas ang pinto, pumasok ang mama ni Sally na may dalang sandwich at juice.

"Merienda muna kayo." Sabi ng mama ni Sally.

"Salamat po tita." Sagot ko naman.

"Paakyat na si Sally, hintayin mo nalang, may inaayos lang siya sa baba." Sambit ng mama niya.

"Sige po tita. Hintayin ko nalang po siya at sabay na po kaming magmmerienda. Salamat po ulit." Sagot ko sakanya sabay ngiti.

"Chris, salamat ah." Biglang nagsalita si tita ng akmang lalabas ng kwarto.

"Salamat po saan tita?" Sagot ko sakanya.

"Salamat dahil totoong kaibigan ka ng anak ko. Alam mo na siguro ang mangyayari pag tapos ng graduation niyo." Sagot ni tita sakin na may halong lungkot.

"Opo tita. Nasabi na po samin ni Sally." sagot ko sakanya na may halo ding lungkot. 

"Nalulungkot man kami dahil aalis na kami pero yun lang ang tanging paraan para maging maganda ang buhay nilang magkakapatid." Dagdag pa ng mama ni Sally.

"Ok lang po tita. Naiintindihan naman po namin." Sagot ko ulit sakanya.

"Osige nak. Salamat ulit ah. Sige hintayin mo nalang si Sally diyan. alam mo naman yun, mabagal kumilos." Pagpapaalam ni Tita habang naglalakad palabas ng pinto.

"Sige po tita." Sagot ko sakanya ng may kasamang ngiti.

--------

Good evening po. Pasensya na at ngayon lang po ako nakapag update. Busy lang po talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Lesbian's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon