Sxy
"Hey dad." Bulong ko sa kanya, nandito ako ngayon sa hospital ng mga gangster. Hindi pa siya nagigising 3 days na ang nakakalipas. Si sam naman okay na siya, pumuputak na ulit.
Naisipan kong wag muna pumasok ngayon pero sinabi ko naman kay sam na siya muna ang magbantay kay reily.
Kailangan ako ni daddy right now. Sabi ng doctor may lason daw ang kutsilyong isinak-sak sa kanya. Namilog ang kamao ko naalala ko pa kung paano bunutin ng walang hiyang lalakeng iyon sa tiyan niya.
I swear to god if something happen to my dad. I'm going to kill that girl.
Tears fall to my cheeks. My dad the only family I have. Tumingin ako kay daddy, nawala na si mom hindi ko hahayaang pati ikaw mawala sakin.
Pinahid ko ang mga luhang hindi tumitigil sa pag iyak.
"Kaya mo yan daddy! Pag namatay ka hindi mo makikita ang isang dosena mong apo, I know u like that haha." Natawa naman ako sa sinabi ko, para akong batang umiiyak dito.
Hinawakan ko ang kamay ni dad at hinalikan ito. Keep fighting dad, para sakin please. Hindi ko namalayan ang pagbigat ng mga mata ko. I think I need a rest..
"YM gising." Nagising ako dahil sa brasong tumatapik sakin.
"Ilang oras akong nakatulog?" Tanong ko dito, nag bow muna ito bago sumagot.
"Tatlong oras na po at mahigit." Tumango na lang ako bilang sagot ko dito kaya lumabas na siya. Nabalitaan kong 17 ang namatay na member namin including jacob. Hindi pa rin maalis sa isipan ko na nawalan ako ng kaibigan. Damn it!
Tumingin ako kay dad, he's peacefully sleeping. I smiled.
Lumabas muna ako para bumili ng makakain at para na din may makain ako sa penthouse ko, natuto na akong mag grocery because of sam. May maganda din siyang dulot sa buhay ko haha.
Nang makarating ako sa mall ay pumupunta agad ako sa grocery store. I think I need an alcohol to freshen up.
Kumuha ako ng limang vodka. Hindi naman siguro ako mamamatay neto.
"Really?" May malamig na boses ang nanggagaling sa likuran ko.
Tumingin naman ako dito, kumuha din siya ng maiinom pero hindi ito alak.
Miss a-axel.
"H-hi?" Bati ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Last time I check ay okay naman kami. She even kissed me-- agad naman namula ang dalawa kong pisngi ng maalala ito. Shit.
"Are you okay? Why are you so red? Nang akmang hahawakan na niya ang noo ko ay kusa na akong umiwas.
"Aahh nope, I'm okay." Masiglang sabi ko dito. Napansin kong parang ang dami niya atang pinamimili, makakaya niya ba lahat iyon?
"Okay?" Hindi siya satisfied sa sagot ko hmmp.
"That's a lot." Turo ko sa pinamili niya, she just nod.
"My cousin just arrived, I need a lot of stock because she eat like a pig." Natawa naman ako dahil sa sinabi nito.
Itutulak na niya sana yung cart pero mukang nabibigatan na siya.
"Need help?" Tinitigan niya muna ako bago kusang umalis sa cart niya.
m-mabigat n-nga hehe
Agad naman akong sumunod sa kanya mukang magbabayad na ito. Hinayaan ko na lang yung pinamili ko, mukang ayaw talaga ako painumin ni lord hayst.