Chapter 1: Astro

6 0 0
                                    

Luna's POV

               Naka-upo ako ngayon't nag susulat ng storya para sa assignment ko sa Filipino. Binigyan kami ng 2 araw para mag sulat ng sariling maikling kwento sabi ng teacher ko... Malalaman ko naman 'yan kapag nag copy-paste kayo. Teacher ko yung literal na mag hahanap ng sagot kung nag copy-paste ka or not. Kaya ngayon nag iisip ako kung ano pwede akong isul-

                "Luna! Pwede bang bumaba kana dyan't kumain na! Ma le-late kana!! Bilisan mo!" Hayysst si mama naman oh!! Panira!! I'm focusing on my short story for Filipino. Hayysst... Hindi ko naman siguro kailangan tapusin to agad... Kaya... Bababa na ko!

                "Luna, Alam mo bang ma le-late ka nanaman dahil sa kupad mong kumilos."

                "Mama... Chill kalang... 10am palang naman, mahaba pa ang oras dahil 12nn pa ang klase ko."

                "Oo, 12nn pa klase mo. Pero kung maligo ka, Isang oras't Kalahati! Tingin mo ba makakapasok ka ng maaga nyan?"

                 "Tiwala lang..."

               That's why I love my mama! Sobrang maalaga kaso sobrang tarantang taranta sa buhay. Supportive siya sa mga gusto ko.

______________________________________
                Okay... Sabi ko nga. Ma le-late nanaman ako... Uugggh!!! Naka-sakay ako sa jeep now, and 11:40am na! Ganon pala ako katagal maligo? Hayysst... Syeeettt!!!

                Pag ka dating ng jeep sa school bumaba agad ako at kumaripas ng takbo.

                 Kaylangan ko nang mag madali! Kailangan ko nang bilisan ang takbo!!!

                 "Anak ka ng tokneneng-" sa sobrang pag mamadali naka bangga ako ng... Lalaki?

                 "Miss, Ayos kalang ba?" Gwapo sya ah... Hindi sya galit sakin. Pero sa itsura nito... Wala siyang emosyon, Sobrang mahinahon niya. May problema kaya to?

                  "O- okay lang ako." Inilahad nya ang kamay niya't inalalayan ako sa pag tayo.

                  "Next time, Mag ingat ka sa dinadaanan mo't tumingin ka." Bumitaw siya sa pag kakahawak nya, Sunod ay nilagpasan ako nag pa tuloy sa pag lalakad.

                  Late na pala ako! Kailangan ko nang umakyat!
______________________________________
                  "Ante! Balita ko naka bangga mo si Astro ah!" She is Charice my friend. "Mag iingat ka doon ah..."

                  "Astro? Pangalan ba yun nung nabangga ko kanina?"

                   "Oo. Meron na siyang napatay. Kaya mag ingat ka sa kanya ah." Pumatay? Sa itsura ng lalaki kanina... Tingin ko hindi nya kayang gawin yun. Lungkot ba nakita ko kanina sa mga tama nya?

                    "Pano siya pumatay? Pamilyar ako pero di ko pa ninirinig ang tungkol sa kanya..."

                    "May tinulak siya sa daan habang may dumadaan na mabilis na kotse."

                     "Anong pangalan ng Pinatay nya?"
     
                     "Tama na yan." Sagot ng isa kong kaibigan na bigla nalang sumusulpot kung saan. Siya si Jana. "Pwede ba? Kung hindi naman kayo mga gago't wala kayong alam sa nangyari sa tao. Pwede bang itigil nyo na yan."

                     "Sorry master." Tama ang sinabi ni Jana. I have 2 types of friends. Isang demonyo at isang anghel. Si Jana yung tipong hindi mapanghusga. Si Charice naman yung tipong husga ng husga. Minsan tamang hinala lang siya hahaha

                    "Okay class! Pumunta na kayo sa mga pwesto nyo!" Narito na pala si ma'am Jo. Kaya kailangan na talaga namin bumalik.

                    "Mamaya na tayo mag usap. Ah." Bulong ni Charice.
______________________________________
                   Recess na! Bumababa kaming tatlo ng building namin galing sa third floor. Nakita ko si Astro na naka-upo sa upuan.

                  "Amm... Mga sishi... Mauna na kayo at mag CR lang ako."

                  "Sige sishi... Basta ingat ka ah... Nanjan siya..." Babala ni Charice saakin.

                  "Wag mo nga siyang takutin!" Ito nanaman sila... Mag tatalo nanaman ang Dalawa.

                 Pumunta nako ng court kung saan siya. Hinintay ko munang makalayo yung dalawa.

                   "Hi!" Bati ko kay Astro. Diretso lang ang tingin ni Astro't hindi ako pinapansin. Kaya lumakad ako't umupot sa tabi nya. Umusod si astro palayo saakin at lumapit parin ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siyang makausap at malaman ang tungkol doon.

                  "Huwag ka mag paka-plastic. Hater mo din ako. Hindi moko kilala. Baka gawin ko din sayo yun."

                  "Edi gawin mo!" Sigaw ko sa kanya. Kung totoo ngang nakapatay siya ng tao handa ako. "Bakit hindi mo magawa?" Nakikita sa mga mata na hindi niya kayang gawin ang paratang sa kanya. Hindi maipinta sa mukha nya ang nararamdaman.

                  Nagkaroon saamin ng ilang minutong katahimikan. "Alam ko ang tungkol sayo-"

                   "Alam mo naman pala. Bakit kapa lumalapit?"

                   "Kasi... Naniniwala akong hindi mo kayang gawin.... tingin ko hindi mo magagawa yun. Tingin ko mabuti kang tao..."

                     Tumayo siya "Sorry miss, Aalis na ko... May gagawin pa ko." Hinawakan ko ang kamay nya para pigilan siya. Pero inalis niya ito.

                     "Leave me alone! Hindi moko dapat kawaan!!" Naiinis na sigaw niya. Nag lakad siya palayo saakin. Kung kaya nyang pumatay, bakit hindi niya ginawa? Kahit saktan man ako pisikal wala siyang ginawa. Kahit manlang hampasin ako.

                      "Luna!!" Tawag ni Charice saakin. "Sabi ko naman sayo wag ka lalapit sa Astro na yun! Makulit ka ah!"

                      "Sorry." Wala na kong ibang sinabi pa. Siguro hindi pa handa si Astro... Sana ganon lang yun...
______________________________________
Third Person's POV

                       Inis na inis si Astro sa sarili niya. Binabalibag nya ang mga gamit tuwing naalala ang madilim na nakaraan. Nag mumukmok dahil sa lungkot. Umiiyak gabi-gabi sa sakit nararamdaman.

                        "Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Tangina! Ayoko na!" Hindi na nya iniisip ang nakaraan, pero nung ipaalala ito ni Luna. Nainis ulit siya sa sarili nya.

                        Lahat ng kaibigan niya'y lumayo dahil sa nakaraan. Lahat ng naging kaibigan mabait lang sa kanya sa umpisa.

Astro's LunaWhere stories live. Discover now