Chapter 3: Trust

5 0 0
                                    

Charice's POV
          Hindi ko gusto ang pag buntot ni Astro kay Luna! Sa totoo lang mahigit 2 linggo na silang mag kasama nyan. Lahat sila pinagtitinginan ng mga narito. Kailangan natin silang pag hiwalayin!
            "Sino pag hihiwalayan mo?" Huuhhgsjahdhwhahak! Si Jana...
            "Wala po,"
            "Nag seselos kaba kay astro?"
            "Ako? Nag seselos Kay astro? Hindi ah! Bakit naman ako mag seselos?"
            "Alam mo, Wala ka naman dapat Ika selos Kay Astro. Napaka bait na tao nyan. Hindi lang kayo naniniwala." Kung makapag salita naman to parang Kilala nya si Astro ng lubusan. Boyfriend nya ba si Astro at parang kilala nya na ang tao. Nakakainis, Sobrang nakakairita.
           "Oo. Kilala ko si Astro. Sa katunayan may relasyon kami niyan." So?? Boyfriend nya si Astro? Ehhh Bahala na! "Kanina kapa sumisilip dyan't sinusundan yung dalawa.
               "Alam mong sobrang Delikado ng lalakeng yan! Gusto mo bang mapahamak yan!" Bulong ko kay Jana.
             "Wag mo siyang husgahan. Hindi mo siya Kilala."
             "Kilala mo siya?"
              "Oo. Astro ang pangalan nya. Pero base sa kilos nya tuwing nakikita ko siya, Wala naman siyang ginagawa."
          "Exactly! Ganon na nga! Una lang yan, next nyan sasakyan na nga si Luna." Napaka naman neting babaeng to! "Bahala ka!" Nilayuan ko nalang si Jana at baka mainis pa ko sa kanya. Anong alam nya sa Astrong yun?
            "Guys!" Si Luna! Tumatakbo papalapit saakin kasama yung Astro na yun. "Si Astro pala" Pakilala nya saamin. Kumaway si Astro saamin, Inirapan ko lang naman si G*go. Habang nag uusap silang Dalawa sa harap namin nag ring na ang bell "amm Astro, Aalis na kami tapos na ang recess," Paalam ni Luna kay Astro, Tsk. Sino ba siya!

             "Luna." Huminto kami saglit sa harap ng room namin bago pumasok. Hinarangan ko siya "Layuan mo si Astro. Napaka delikadong tao ny -"
            Nabigla ako sa ginawa nya. Ang sakit. Sinampal nya ko. Bakit? " Wala kang karapatang husgahan si Astro." Ngayon ko lang nakitang seryoso. Napaka seryoso niya. Ganon kahalaga si Astro sa kanya?
              "Wala kang alam sa dinaranas ni Astro ngayon. Wala kayong alam, Basta ang alam nyo lang may namatay." Ano bang ibig nyang sabihin? Hindi ko maintindihan! " Walang kasalanan si Astro sa lahat. Bobo lang yung namatay."
               "Pinag tatakpan mo lang siya di'ba"
               "Hindi niya pinagtatakpan si Astro, Charice." Isa pa tong si Jana.
               "Ano?! Kampi na kayong tatlo? Bakit kayo naniniwala sa kaniya?!"
               "Si Astro... Napaka buti nya. Siguro hindi nyo alam yun dahil sa chismis na nasasagap nyo. Sana alamin nyo din ang totoong nangyari sa kaniya."
              Lumayo na si Luna saakin, pumunta siya sa upuan niya at yumuko...

Astro's POV
              This time I'm reading El Filibusterismo in the library. Assignment ko ito sa Filipino I think kailangan ko pang mag hanap ng more detail about dito.
               "Pwede ba kitang maka-usap?" Nilingon ako sa babaeng nasa harap ko. Kaibigan ni Luna to.
               "What do you need?"
                Umupo yung kaibigan ni Luna sa upuan sa harap ko. Napaka sama ng tingin niya sakin, sobra... Be honest sa itsura nya wala namang dapat ikatakot. Ewan ko ah, Siguro dahil cute siya?
                "Wag moko titigan ng ganyan. Alam kong galit sa sakin." Sabi niya sakin.
                "Bakit naman ako magagalit sayo?"
                Tumayo siya ulit at kumuha ng libro sa bookshelf. Sunod ay umupo ulit. Binuklat nya ang libro. "Sabihin mo nga! Ano bang meron sayo at laging naka buntot yang si Luna sayo simula nang makita ka huh?"
                 "Bakit nga ba?" Reverse question ko sa kanya. "Sa totoo lang hindi ko rin alam. Sa totoo nyan, maski ako hindi ko kilala ang sarili ko."
                 "Ano bang dahilan at pumatay ka ng tao?" Natahimik ako sa tanong nya. Please lang ayoko nang bumalik pa ang pangyayarimg yun.
"Pero kung ayaw mong sagutin, ayos lang... Sa itsura mo, mukang galit kadin sa sarili mo."
                  "Sa totoo nyan hin-"
                  "Hindi mo pinatay yung lalaki?" Hindi nya ko pinatapos sa pag sasalita. Sanay na Kong binabastos.
"Alam mo, Gusto Kong malaman ang kwento mo. Handa na ko makinig sayo. Seryoso... Kaso now lang to ah. " Wala akong tiwala sa babaeng ito. Pero sige pag bibigyan ko dahil kaibigan naman siya ni Luna.

                  Kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Kahit alam Kong mahirap at baka hindi nya paniwalaan to. Nag kwento parin ako sa kanya. Mula sa umpisa hanggang sa dulo.
                  "So ganon pala," Ngumisi siya saglit at nanahimik. "Sana totoo lahat ng yan. Pag hindi... Bubugbugin kita." Pag babanta nya saakin habang nanggigil pa ang mata. Tumango ako sa kanya. Ibinalik nya ang libro, Huminto siya sa pinto saglit at sinabing "Alagaan mo si Luna." at umalis na siya ng Library... Nag sayang siya ng oras para lang sakin? Tumayo na ako, Sunod ay niligpit ang mga libro na Kinuha ko. Sumunod papunta sa kanya.

Charice's POV
               Narito ako nag lalakad pabalik sa room. Ang hirap paniwalaan ng lahat nung pinagdaanan nya. Kung totoo man lahat nung sinabi niya hindi nya deserve ang mga ito. Mas deserve pa ng nang g*go sa kanya. Biruin mo, Binully ka tapos hindi ka naman nag sasalita. Ngayon... Naiintindihan ko na ang sitwasyon na sinasabi ni Luna kanina.
                Kinuha ko ang cellphone ko, Sunod at tinignan ko ang oras. Huh? 49 mins na pala akong wala klase? Hayysst tatapusin ko nalang siguro ang klase ni ma'am mendiola. Sa next subject naman siguro... Pogi teacher eh si Sir DelaVega.
                Siguro kaya ako nag seselos dahil ... Teka? Gusto ko siya? Oo Tama narinig nyo, Hindi naman ako tibo Bi lang ako. Kung ano man ang desisyon ni Luna sa buhay susuportahan ko yun. Siguro gusto nya si Astro... Hindi na ko mag tataka dun dahil masaya siya kapag kasama nya yung lalaking yun.
                "Charice!" Sigaw ni Astro. Simunod pa siya sakin? "Salamat ulit."

                Nasa harap na ko ng room, hinintay ko muna lumabas si ma'am Mendiola bago pumasok. Lumabas si Luna sa pintuan sunod ay niyakap ako. "G*go kaba?! Saan kaba pumunta? Bakit ka nag cutting?" Seryoso parin ang muka nya sakin. "Kung galit ka sakin. Sampalin moko. Bumawi ka!"
                  "Hindi ako galit sayo. Patawarin moko. Next time kagaya nyo kikilalanin ko na din ang nasa paligid ko." Naka-ngiting bigkas ko sa kanya. May natutunan ako sa araw na to. Sana mas makilala ko pa si Astro ng higit pa.

To be Continued...

Astro's LunaWhere stories live. Discover now