Chapter 6: Jana

4 0 0
                                    

Luna's POV
Bukas ay Birthday ni Jana. Syempre dahil birthday niya i- su surprise ko siya~

Nandito ako sa SM ngayon nag hahanap ng pwedeng iregalo sa kaniya. Mahilig si Jana sa fashion outfits so hahanap ako ng damit na pwede nyang gamitin para bukas.
"Ammm Jana saan mo gusto kumain?" Teka? Boses ba ni Astro yun? Hinanap kung saan galing yung boses na yun.
"Kahit saan naman, basta mag kasama tayo..." Si Jana? Nakita ko na kung na saan sila. Naka akbay si Astro kay Jana habang nag lalakad sila. Pupuntahan ko na sana pero...
May humawak sa braso ko "Hi," si Claude pala! "Bakit ka nandito?" Tanong nya sakin.
"Bibili ako ng regalo para kay Jana. Ikaw bakit ka nandito?" Tanong nya sakin.
"Nga pala noh, BF ka ni Jana~" Teka?! Kung Boyfriend nya si Jana tapos may relasyon din si Jana at Astro~ ibig sabihin!!
"Hindi ko siya GF. Mag kaibigan lang kaming dalawa. Reregaluhan ko siya dahil sa ginawa nila ni Astro sa Library club. Ang sweet nga nila habang nag babantay ng library ih."
"Tingin mo mag jowa sila?!" Oo't nanlalaki ang mata ko sa sinabi ni Claude. Nakakagulat na baka mamaya may relasyon sila!
"I don't know eh. Bakit? Selos ka?"
"No!" Hinawakan ko ang braso nya at hinila ko siya. Sasama ko siya susundan ko si Astro... Ang mission na to ang tinatawag kong
Mission: Astro!
"Ang OA mo~"
Pwede ba wag kang maki elam sa gusto kong gawin Claude!! Nakakainis tong lalaking to daming tanong. Pano siya magkaka pag-asa nito kay Jana kung di nya aalamin. Mauunahan pa siya ni Astro!

Nawala sa paningin namin si Astro at Jana at nakita namin nilang mag kahawak ang kamay sa Jollibee. Totoo nga!! Nagulat ako ng biglang mag vibrate phone ko. Message to mula kay Astro.

* Anong ginagawa nyo ni Claude dito sa Mall? - Astro
Hala! Nakita nya ko! Nilingon ko siya. At kumakaway silang dalawa samin ni Claude
Nag chat ulit si Astro saakin.
* Punta kayo dito bilisan mo. - Astro

Naka upo kami ni Claude Kasama na namin yung dalawa. Ang awkward lang dahil sinusundan namin sila.
"Ammm..." Hindi maipinta sa muka ni Astro ang pag dududa. Mag katabi kami ni Jana at mag katabi naman sila ni Claude.
"Nag de date ba kayo?" Hala gags tong Claude! Diniretso silang dalawa!
Nag tinginan ang dalawa at nag pipigil ng tawa. Habang kami naka simangot... Hinawakan ulit si Astro ang kamay ni Jana. "No. Kasi kambal kami."
"Huh!!" Kambal?! Teka? Walang nabanggit si Jana samin ni Charice na may kapatid siya. "Panong kambal? Eh hindi nga kayo mag ka Mukha!"
"Before ko sagutin yan kumain muna tayo." Dumating na ang order nila. Na order na pala nila kami ni Claude siguro nga una palang nakita na nila kami.
Habang kumakain nag simula nang mag kwento si Astro. "Well, mag kaiba kasi kami ng nanay. Mag kasama kami sa iisang bahay ngayon dahil kung naalala mo namatay si Jana ng nanay. Kinupkop na namin si Jana dahil ang hirap ng sitwasyon nya dahil mag Isa lang siya sa Apartment."
"Oo nga, nakaka tuwa dahil nandito si Astro para sakin. Nung una ayoko sa bahay nila dahil nakakahiya kay mama. Pero habang tumatagal nakikilala ko ng lubusan ang mama ni Astro."
Ang sweet nilang dalawa. Siguro nasasabi ko to dahil wala akong kapatid. Masyado akong malalim mag isip.
______________________________________
Jana's POV
Pauwi na kami ni Astro galing sa Mall. Nakakatawa lang dahil napagkamalan pa kaming dalawa. May mga bagay pa kong gustong malaman. Palaisipan parin sakin kung bakit sa gitna ng panghuhusga ko sa kanya noon ay tinanggap nya parin ako ng buong buo.

Naalala ko pa ang lahat. Kapag pinapagalitan ako ni mommy lagi nya kong kino-comfort kahit ayaw ko sa kanya. Galit ako dahil sya kasama nya si daddy at ako hindi. Lumalayo ako sa kanya nung mga bata pa kami, nung mamatay si mommy lumipat ako sa lola ko. Pero napaka sama ng ugali ng Lola ko ginagawa akong utusan minsan sinasaktan ang damdamin ko, minsan sa pisikal din akong sinasaktan. Lumayas ako saamin at nag palaboy ng ilang araw. Pero kinupkop ako ni kuya at tinanggap din ako ni mama sa bahay nila. Si Astro ang sandalan ko sa lahat ng bagay. Masaya ako dahil nanjan siya.

"Kuya..." Huminto kami pareho sa pag lalakad " Paano kung ayaw sakin ni mama? Pag tatanggol mo ba ko? Bakit nung tinatakwil kita, hindi ka lumayo sakin?"
Huminga ng malalim si kuya. "Kapatid. Kahit naman magalit ako sayo walang mag bago, kahit magalit ka sakin walang mag ba bago. Bakit? Kasi ikaw, si mama,at si papa... Kayo ang buhay ko." Parang tumigil ang mundo ng marinig ko ang sinabi nya sakin. " Dahil kayo ang pinaka magandang regalo para sakin. For me, Family is not important thing. It's everything. Hindi mag babago ang pagmamahal ko sa inyo dahil kayo ang buhay ko."
Bakit ganto? Bakit ako lumuluha? Bakit tumutulo ang luha ko? Masarap pakinggan ang mga sinabi nya. Pinagaan nito ang pakiramdam ko. Hindi ako nag sisising pinili ko ang kuya ko.
"By the way, Jana. Umuwi na tayo" nakangiti nyang wika saakin.
"Opo"

Naka uwi na kami ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Pag pasok ko nakita ko sa ibabaw ng kama ko ang maliit na nakabalot na kahon... Naka sulat ang pangalan ni mommy don.
"Nagulat ka noh?" Nagulat talaga ako dahil sa nandito na pala sa likod ko sa si kuya.
"Paano nag ka regalo si mommy sakin dito? Wala na siya?"
"Binilin samin ni mama yang regalo ng mommy mo sayo. Sabi nya Ibigay namin sayo yan kapag birthday na natin. Yang huling regalo nya sayo ay yung pinaka gusto mo." Nagbubukas ako ng regalo habang nagpupunas ng luha. Hindi ko naisip na mangyayari 'to.
Nakita ko ang sobre sa ibabaw ng sobre ng sapatos, binuksan ko ang sobre nakita ko ang liham nya para sakin.
Itong huling regalo ko sayo ang sa tingin ko magugustuhan mo. Humiling ka sakin ng isang sapatos. Pasensya na kung ito lang. Ito lang ang kinaya dahil alam mo naman na nag ka sakit ako. Anak, alam kong malaki na at kayang-kaya mo nang mag-isa sa buhay. Pero huwag kang makalimot na ipagpatuloy ang pagmamahal sa kapwa at pamilya mo huwag kang maging makasarili at magpakumbaba sa lahat ng oras. Mahal na mahal kita kahit saan man ako mapunta Mahal na Mahal kita anak. -Mommy

Yakap-yakap ko ang Sapatos na iniwan nya para sakin. Umiiyak at ibinubuhos ko ang damdamin. Napaka saya ko ngayong araw na ito. Mommy, Saan ka man napaka saya ko Mahal na Mahal kita...

To be Continued...

Astro's LunaWhere stories live. Discover now