Chapter 7: Luna

1 0 0
                                    

Astro's POV
Nandito ako sa bahay nila Luna. Nag ce celebrate kami dahil pasado kami at balak namin I surprise ang mama nya dahil naka pasa siya sa exam. Nakikita sa mata ni Luna ang ligaya at excitement lalo na't gusto nyang ibalita sa mama nya na 2 linggo nalang mag moving up na siya.
"Ano, natawagan mo na ba si Tita?" Tanong ko kay Luna
"Ayaw pa nga sumagot ih. Kanina ko pa kino contact ang phone. Pati number nya hindi din siya sumasagot pero nag ri ring naman."
"Hayaan mo, nasa trabaho kasi... Kain muna tayo konti kasi hapon palang naman at wala pang tanghalian."
"Luna! Si Tita tumatawag, Sagutin mo!" Inabot ni Charice ang phone ni Luna at sinagot naman ang tawag, sabay loud speaker.

"Hello ma"
"Hello miss..." Hindi kami pamilyar sa boses narinig ko mula sa kabilang linya. "... Kayo po ba ang anak ni Misis Adalyn?"
Kinakabahan ako ng sobra dahil sa ganitong pangyayari kapag iba ang sumasagot... Baka may insidenteng nangyari. Pero kahit ganon sumagot parin siya ng "Opo, ako po."
"Miss adalyn. Doctor po ako, Nasa hospital yung mama nyo po kasi naakaidente siya."
Nakikita ko sa muka ni Luna ang Takot at baka na halos hindi maipinta sa sobrang pag aalala"Doc! Bawiin nyo sinabi nyo!"
"Kung gusto nyo po pumunta kayo dito sa Hospital."
Nag simula nang humagulgol si Luna ng iyak. Nag aalala din ako kay Tita pati kaming tatlo. Pinakalma ko muna si Luna kahit hirap siyang gawin to. Habang si Jana naman pumara na ang Tricycle at sumakay na kami.

Ilang minuto nasa loob na kami. Sumisigaw si Luna ng napaka lakas habang umiiyak. Tinanong namin kung nasaan ang mama nya. Nasa operating room kaya nag hintay kami sa labas. Hindi nag tagal lumabas na ang doctor. Tumayo agad si Luna
"Doc, Kamusta ang lagay ng mama ko?"
"Miss Luna adalyn right?"
"Doc! Sabihin nyo na! Hindi ko kayang makita si mama ng-"
"Didiretyahin na kita. Napuruhan ang mama mo ng sobra sobra. Kinulang siya sa dugo dahil sa dami ng sugat ipinilit namin to pero nang makarating na dito... Huli na ang lahat."
"Doc! Baka naman may paraan pa! Madami pa Kong hindi nasasabi!"
"Miss Wala na po ginawa na namin ang lahat. Pasensya na... At tingin ko para sayo toh" iniabot ng doctor ang Kwintas na naka plastic. Malungkot na umalis ang doctor
Patuloy si Luna sa pag iyak at mas lumakas pa to lalo. "Tanginang mga Doctor yan! Walang paraan! Bakit kailangan mangyari toh?! Bakit?!!"
Wala akong magawa ng araw na yun kundi pakalmahin siya. Alam kong masakit para sa isang anak na mawalan ka ng parent sa buhay mo at ganito pang paraan. Ibinigay ko ang balikat ko sa kanya para ibuhos lalo ang luha. Naka tulog na si Luna sa sobrang iyak dinala ko na siya sa kanila. Dinala ko siya sa kama nya.

Tinawagan ko si mama para mag paalam kung okay lang mag stay muna ako at bantayan si Luna. Pumayag naman siya.

Ilang araw hindi pumasok si Luna sa school. Tuwing uwian ko dumidiretso ako dito para bantayan si Luna at ang bangkay. Minsan nakikita ko si Luna na umiiyak yakap-yakap ang kabaong. Salit - salit kaming tatlo nina Jana at Charice dahil may kailangan din akong gawin.

Araw ng libing, sa seminteryo mas lumakas ang Buhos ng luha nya kasabay ang malakas na ulan. Isinigaw nya ang lahat ng gusto nyang sabihin. Gusto nya man maiwan sa simenteryo pero wala namang magagawa kaya sumama nalang saamin.

Third person's POV
Ilang araw ang lumipas matamlay parin si Luna. Siguro 3 araw siyang hindi nag online sa messenger.
Naisip ni Astro na hindi muna siya puntahan dahil nag luluksa si pa ito at ang sabi nya ay gusto nyang mapag - Isa.
Natutulog ng hapon si Astro nang tumawag si Luna sa kanya.
Sinagot naman ang tawag nya "Oh Luna? Kamusta na lagay mo?"
"Pumunta ka dito... Nagugutom ako."
"Sige sige,"
Hindi na nag padalos dalos pa. Umalis na agad siya't bumili ng Jollibee at dumiretso na sa kanila. Kumatok sya sa pintuan nina Luna at nung pinag buksan siya ng pinto, matamlay pero naka ngiti ito. Pinapasok siya nito. Inabot nya kay Luna ang kanyang favorite part ng chicken. Ang bilis kumain halatang gutom na gutom siya.
"Hindi kaba kumain?" Tanong ni Astro.
Napa hinto siya sa pag subo at dahan dahan nag side eye kay Astro. "Sorry, kasi chips lang ang kinakain ko dito."
"Hayysst, Papatayin mo na ba sarili mo?"
"Hindi po. Sorry."
"Alam mo bang nag aalala ako sayo ng sobra sobra?!" Nagulat si Luna dahil sumigaw ito at hinawakan siya sa mag kabilang braso. Tumutulo ang luha nito sa sobrang inis. Inis hindi na hindi galit, kundi Inis na pag alala. "Alam naman nating ang paglipas ng panahon ay hindi sapat upang mawala ang sakit ng nararamdman sa pagkawala ng magulang, pero sa pagdaan ng mga araw, kasama ng pag-iral ng kanilang mga alaala, matututuhan nating tanggapin ang katotohanang kailangan nating magpatuloy."
"I'm sorry Astro. Sorry kung nag kaganito ako. Ang hirap lang kasi na bigla nalang mawawala ang magulang mo. Hindi ko kaya." Humahagulgol na Wika ni Luna.
"Hindi kasama sa plano ng Diyos ang maiwan natin ngunit sa kabila ng pagdadalamhati, maaari tayong lumaban at magpatuloy. Sa bawat hakbang na ating gagawin, kasama natin ang mga magulang na patuloy na nagbabantay mula sa langit. Kaya Luna, Wag ka mawalan ng pag-asa. Marami pa tayong magagawa. Laban lang."
"Opo," yakap yakap ni Luna si Astro habang umiiyak sila parehas.

Ilang minuto din nag tagal kumain at nag linis sila ng bahay dahil makalat ito dahil hindi nag linis si Luna ng ilang araw.

Tandaan: Sa tuwing tatahan ang lungkot sa ating mga puso, tandaan natin na ang mga magulang natin ay ibinigay sa atin hindi lamang upang maging kasama natin dito sa mundo kundi upang ibahagi ang pag-ibig nila na hindi lilipas, kahit sa paglipas ng mga taon.

To be Continued...

Astro's LunaWhere stories live. Discover now