Luna's POV
Narito ako sa Library't nagkukunwaring nag babasa...Oo, Tama ang hinala nyo. hinahanap ko nanaman si Astro. Susuko na ko kapag hindi ko siya napa kwento ngayong araw na to, Promise.
"Good afternoon po," Si Astro! Totoo nga ang chismis na madalas ko siyang makikita dito. Naka-ngiti siya, Ang Gwapo siya sobrang! Isang linggo ko na siyang nakikita pero maski isang beses hindi ko pa nakikitang ngumingiti. Now lang talaga.
"Oh, Astro iho... Kamusta ang araw?"
"Ito... Wala paring pinag-bago. Badtrip pa din po."
"Lagi ka namang badtrip iho dahil sa nakaraan mo... Hayysst sana may taong maka-intindi sa nararamdaman mo't alam ang tunay na nangyari."
"Wala namang makakaintindi sakin... Bukod po sayo Ma'am Mendiola."
"Merong handang makinig sayo!" Hindi na ko nakapag-timpi pa. Kaya nag salita na ko.
"Miss Adalyn. Nandito ka parin pala... Hindi kapa pumupunta sa klase mo?"
" Recess po kasi namin ngayon."
"Siya po yung sinasabi kong nang-gugulo sa Buhay ko ng ilang araw..."
"Grabi ka naman sa nang-gugulo! Maka-alis na nga!" Binalik ko yung librong kinuha ko at umalis na sa library.
Sino ba siya? Bakit ko ba siya nag lalaanan ng oras? Para saan? "Miss Luna Adalyn. Hintayin moko!" Huminto ako ng marinig si Astro. Nakatalikod ako sa kanya dahil Ayoko siyang makita. "Sorry..." Huh? Lumingon ako sa kanya. Nakita ko na umiiyak siya "... Ang totoo kasi nyan, umiiwas ako sa mga tao. Ayoko nang gulo. Mas mabuting walang pumapansin sakin dahil mas malaya ako kapag ako lang."
"Sorry din kung ginulo kita. Aalis na ko." Hinawakan ni Astro ang kamay ko.
"Handa ako mag open ngayon. Pero kapag nag kwento ka malalagot ka sakin. Maliwanag?" Tumago ako sa kanya. "Okay. Sa Library tayo. Kung sa public ko I ku-kwento to baka mapahamak ako. Atleast kung may makarinig man... Si ma'am Mendiola lang yun."
______________________________________
"Alam mo kasi Luna... Hindi naging madali ang pinag daanan ko." Simula nya sakin. "Grade 7 ako nang mangyari to, Sa katunayan binubully ako nung panahon na yun. At yung namatay sakin... Yung bumubully sakin.""Bully? Teka?! Binully ka dati?!"
"Oo. Na bully ako. Mahirap paniwalaan kasi namatay yung nambully sakin. Wala akong karapatan mag salita dahil ang alam nila pinatay ko si Haru."
Haru?
______________________________________
Astro's POV
Grade 7 ako nang mangyari 'to.Araw-araw nya kong binubugbog sa CR. Tinutukso ng kung ano-ano dahil trip nya daw ako. Binubugbog sa harap ng mga kaklase. Hindi niya ko binubugbog sa loob ng school dahil na guidance na siya ng isang beses. Kaya sa labas nya ko binubugbog.
Nung na guidance ng isang beses humingi ng kapatawaran sakin ang magulang ni haru't sinabing "Hindi na muulit ang lahat."
Kahit na guidance... Binantaan pa nya parin ako ang sabi niya papatayin nya magulang ko. Kaya naging Sunod-sunudan ako sa kanya.
YOU ARE READING
Astro's Luna
RomanceAng buhay ko noon ay parang isang madilim na gabi sa gubat, walang liwanag at puno ng pagsubok. Sa isang iglap mag pakita ang bwan na mag babago sakin. Isang Luna na mag babago sa landas ko.