Chapter 8: Success

0 0 0
                                    

Luna's POV
Tenenene~ teteten~ yes guys! Moving up na! Siguro natanong ng iba sa Inyo kung kamusta na ang lagay ko? Well, base sa tantya ko sinampal lang naman ako ni Astro ng pag aalala. I really appreciate Astro comforting me, in fact simula ng mawala si mama... Araw-araw siyang nasa saamin para alagaan ako. Sobrang nag papasalamat ako na pinayagan ni Tita si Astro na bantayan ako. Nakakahiya
sa mama ni Astro ang ginawa ko pero understandable naman daw pero nakaka hiya parin.
Nandito ako sa bahay nila Astro, nag aayos para sa moving up namin mamaya. Mama at papa, This is it! Alam kong meron pa kong grade 11,12 and collage pero matatapos naman to. Promise makakaya natin to.
"Anak Luna" Si Tita Mary pala. "May mag aakyat ba sayo sa stage?"
"Ahh, ehh..."
"Sa istura mo mukhang wala,"
"Ah -eh" pano ko ba ipapaliwanag? Alam naman kasi ni Tita ang sitwasyon ko ih.
"Sige, Dahil anak na din kita. Ako na aakyat sayo sa stage."
Gusto ko man tumanggi pero tumingin ako kay Astro then naka ngiti lang siya sakin. Kaya hindi na ko tumanggi pa dahil wala nga naman mag aakyat sakin.
"Mabuti pumayag ka. Btw, Bakit nga pala-"
"Ma!" Hindi na natapos ni Tita ang itatanong, tumango nalang ito at tumayo saka ngumiti sakin at nag patuloy sa pag luluto.

Charice's POV
This is it. Moving up! Mag grade 11 na kami... Pero ang tanong, Kami-kami parin kaya mag kakasama sa susunod na School year? Kung mag kakahiwalay man sana mag kakaibigan parin kami. At sana maging si Astro at Luna hehe.

Totoo nyan kinikilig ako kahapon sa mga nangyayari. Hindi ko din inaasahan to dahil si Tita Mary ang mag aakyat kay Luna sa stage. Ganito kasi yan

Flashback
Pauwi na kami galing sa practice ng moving up. 3 kami nina Jana at Luna dahil sinusulit na namin ang mga araw na nag kakasama kami. Saan si Astro? Ayun, nauna na samin umuwi dahil may gagawin daw ang mama nya. Pero hindi pinauna si Jana
"Ano Kukunin nyong strand?" Tanong ko para naman may mapag usapan naman habang nag lalakad.
"HumSS dahil teacher ang Kukunin ko." Sagot ni Luna
"Arts and Design ako." Wow talaga tong si Jana oh. Si Astro kaya ano Kukunin? "Kung tatanungin nyo kung ako strand ni kuya, Arts and Design din siya dahil mag photography siya."
Sana kayanin nila ang gastos

Si Astro ba ang natatanaw ko sa harap ng bahay nina Luna? May Kasama siya. Babae? Teka! Si Tita Mary!
Nagulat kami ng mabilis na tumakbo si Luna papunta Kayla Astro. Nag Mano kaming tatlo.
"Mama, bakit po pala kayo nandito?" Tanong ni Jana
"Ahhh... Itatanong ko sana kung may mag aakyat ba sayo Jana?"
Napalunok si Luna at naka yukong sumagot ng "Wala po."
"Kung ayos lang sayo, Ako na mag aakyat sainyong tatlo." Huh?!! Nagulat kaming apat. Siguro si Astro hindi nya alam ang tungkol dito.
"Ahh ehh~"
"Halika nga dito, Luna!" Hinila ko si Luna papalayo para kausapin ng labulobg.

"Wag mo nang tanggihan to, Wala din namang dadalo sayo"
"Pero..."
"Basta." Kailangan kong kunsintihin si Luna... Di naman sa nangingielam ako pero tignan mo ang sitwasyon nila oh! Magulang na ni Astro ang nag aaya sa kanya.

"Alam mo Luna. Ayos lang naman sakin dahil para kana din naming anak."
"Oo Tama si mama." Pag sangayon ni Jana.
Naka side eye ako kay Luna at siniko ko. "Ahh Ehhh Opo. Tinatanggap ko."

So dahil dun napapayag ko si Luna na si Tita Mary ang mag akyat sa kanya. Nakakainggit nga si Astro eh. Kasi siya pinansin siya agad ni Luna at si Luna pa mismo lumapit sa kanya.

Jana's POV
Nandito si Luna samin dito na din siya natulog. Nasa kwarto ko siya now and mine make-up siya si Mama. I'm happy because pumayag siya sa alok ni mama. Mag kausap kami ni mama nung madaling araw dahil hindi ako maka tulog. Well si papa ang mag aakyat sakin, hindi na si mama. Maybe dahil nahiya ako pero kasi si papa ang nag pa-aral sakin at Ngayon ko lang nakasama si Mama Mary. (Hindi siya Banal ah! Mary lang talaga pangalan ni mama.)

"Jana! Ayos na ba si Luna?" Sumisigaw na si mama siguro aalis na
"Opo. Bababa na po kami!" Sigaw Kong sagot.
Pinag madali ko na si Luna sa pag aayos. Pinauna na ko ni Luna bumaba dahil may Kukunin lang daw siya.

"Bakit Ikaw lang ang bumaba?" Tanong ni Astro
"May Kukunin pa daw siya. Pero hayaan mo. Makikita mo din siya yieeee"
Halatang nag pipigil ng kilig si kuya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil sa issue nya nung araw.

"Nandito na ko." Si Luna!
Habang bumababa si Luna, tumingin ako sa muka ni Astro ang kilig na nadarama. Yung itsura kasi ni Luna ay ala Catriona gray!
"Kuya." Siniko ko pa si kuya dahil tingin ko 30 second siyang naka tunganga at naka tingin kay Luna "Inlove ka noh?"
"Huh?"
Tumawa si Luna ng mahina "Tara na" aya ni Luna saamin. Sabay sabay kaming lumabas. Pinag buksan kami ni Astro ng Pinto ng kotse at dumiretso na sa People's park.

Nandito na kami sa Venue. Sa may People's Park nag hihintay nalang kami mag simula ang program. Nag kitakita na kami Kasama na nga namin si Charice at Claude.
"Alam mo parang may kulang~" Sabi ni Charice sakin. Siniko ako ni Charice at Saka ko lang narelalize na... Need ng dalawa ng picture! Narelalize ko yun dahil nag bukas siya ng camera.

"Naku. Oo nga. Btw, Mag tabi nga kayong dalawa." Sinakyan ko ang trip ni Charice. Ganon kami eh hahaha
Na awkwardan si Luna at Astro sa ginagawa namin kaya ang sabi ko... "Don't worry mag picture din naman tayo at silang dalawa ni Charice. Di pwedeng wala silang picture."
Katulad ng sinabi namin may pictures kaming lahat Kasama si Astro at mama. Pero siyempre di mawawala picture nina Astro at Luna.

Nag chat na samin ang mga advicers namin kaya pumunta na kami sa venue. Nag goodluck si mama samin, kaya kumiss at nag hug kami bago kami tumuloy.

Sa program isa-isa kaming tinawag. Ng makita namin ang tropa tuwang tuwa kami dahil hindi kami makanilwang mag moving up kami. Umiiyak kaming umalis sa school. Yakap din namin ang mga kaklaseng malalayo samin...

Astro's POV
Nakakatuwa. Naiiyak ako sa tuwa. Sa gitna ng naranasan at pag iwas ng nga tao sakin... May babaeng nag pabago sakin. Babaeng nag pa bago ng takbo ng Buhay ko na akala ko'y hindi na mag babago. Dati halos mag pakamatay na ko dahil sa dami ng nanghuhusga sakin.

Madami akong natutunan sa buhay ko. Huwag mong hayaan ang ibang husgahan ka. Ikaw ay higit pa sa isang grade o isang label. May karapatan kang makamit ang magagandang bagay sa buhay anuman ang sinasabi ng iba tungkol sa iyo. Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa mga opinyon ng iba, ngunit sa iyong sariling determinasyon at paglaban. Patuloy na tatayo at patunayan na mali sila. Hayaan mong ang Paa ng landas ang mag hatid sayo sa magang bukas.

Sa katulad kong mag tatapos ng Junior high. Malayo pa ang ating lalakbayin dapat nating ipinagmalaki ang sarili dahil ginawa natin ang lahat dahil tayo'y nag sumikap at nag paka pagkatatag sa huli. Simulan mo ang bagong kabanata ng buhay mo kasama ang bagong makakasama mo sa susunod na istorya at maging mas matatagpa pa sa bawat laban na kakaharapin. Sa ngayon ito lamang ang masasabi ko... Maraming panahon pa ang dadating  bagong pagsubok at siguradong magiging determinado ako. Binabati ang lahat.. lahat ng nagsitapos.
To be Continued...

Congrats to all muahh

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Astro's LunaWhere stories live. Discover now