..."Tapos...Tapos na ba tayo dito, Iyan lang ba?"...
Tiningnan sila ni Jun Wu Xie nang walang pakialam....'Siya...Hindi siya nagalit?'... Pagtataka ni Jun Qing.
Ang kanyang kalmado ay hindi lamang nagpatigil kay Jun Qing kundi kay Mo Xuan Fei na nagulat hindi nakaimik. Ito ay lampas sa kanilang inaasahan.
Kapag gusto niya ang kasunduang pagpakasal, siya ay desperado na gawin ang lahat ng kanyang makakaya, kahit hanggang sa abusuhin ang posisyon ng kanyang lolo para mapa-sang-ayon Lang niya. Gayunpaman, ngayong siya na mismo ang nagpahayag at pagpapawalang-bisa ng kasunduang kasal, umarte siya na parang wala itong kinalaman sa kanya.
..."Jun Wuxie, Hayaang pagalingin ni Miss Bai ang iyong sarili ng sa ganon wala na tayong utang sa isa't isa simula ngayon at wakasan ang pakikipag-ugnayang ito nang may kapayapaan."... Kumunot ang noo ni Mo Xuan Fei dahil hindi niya ito mabasa.
..........
Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Yun Xian at tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang isang bagay at ang kanyang mga labi ay nakakurba sa isang banayad na ngiti.
..."Ang mundo ay isang malawak na lugar, bakit hindi kayo lumabas at tingnan?"... Tanong ni Jun Wu Xie sa mapaglarong tono.
..."Anong ibig mong sabihin?"... Naguguluhan si Mo Xuan Fei.
Tumawa lang si Jun Wu Yao.
..."Sa tingin ko gustong sabihin niya na oras na para Lumayas kayo."...Bahagyang lumuluha ang kanyang mga mata, pilit na pinipigilan ang kanyang pagtawa habang napaka-'mabait' niyang inialok sa kanila ang kanyang paliwanag.
Agad na namula ang mukha ni Mo Xuan Fei. ..."Jun Wu Xie, kahit na hindi ka sumang-ayon sa pagpapawalang-bisa ng ating kasunduan kailangan mong gawin. Inihanda na ni imperyal na ama ang utos at ito ay iaanunsyo sa buong mundo bukas. Iminumungkahi kong isaalang-alang mo kung ano ang pinakamainam para sa iyo"...
Si Bai Yun Xian na tahimik sa lahat ng oras nato ay nagsalita sa malumanay at malambot na boses: ..."Miss Jun, minsan sinabi ng aking master na ang lahat ng buhay ay magwawakas. May mga bagay na hindi pwedeng pilitin. Sa iyong kasalukuyang kalagayan, hindi katalinuhan na ipagpatuloy mo pa ang kasal na ito."... Siya ay 'mabait' na nag-alok ng kanyang payo na may bahid ng pagmamataas.
Sa madaling salita, huwag maging walanghiya at manatili kay Mo Xuan Fei.
'[Ang lakas ng Loob! Binibini! Ang babaeng ito ay ginalit ka! Ginawa kang katawa-tawa, papatayin ko ba sila]' Ang maliit na itim na pusa ay nanggagalaiti sa mapangalunya na mag-kalaguyong ito.
Si Jun Wu Xie ay nagbigay ng labis na pagkapagod na hitsura at hindi man lang nag-abala na sumulyap sa Dalawa bagama't sila ay nasa harapan lang niya. Lumingon siya at tumingin kay Wu Yao, Sinabing: ..."Pagod na ako"...
..."Okay, Ihatid na kita ng maka- pagpahinga ka na"... Si Jun Wu Yao ay natural na tumayo, iniunat ang kanyang mga kamay habang sinasaklaw ang maliit na katawan ni Wu Xie sa kanyang mga braso at umalis sa bulwagan nang hindi lumilingon.
Ang mukha ni Mo Xuan Fei ay lalong nagiging pangit sa bawat segundo. Hindi kailanman ni Jun Wuxie binaliwala siya ng ganito pero ngayon. Halos hindi niya pinansin ang kanyang pag-iral.
..."Gabi na, mahal na mga bisita, maaari na kayong umalis."... Malamig na sabi ni Jun Qing.
Kung hindi dahil sa kanilang mga espesyal na pagkakakilanlan, matagal na niya silang pinalayas!Magsasalita pa sana si Mo Xuan Fei ngunit tumayo na si Bai Yun Xian na may bakas ng pagkadismaya. Nilunok niya ang anumang sasabihin at tahimik lang siyang nakasunod Kay Bai Yun Xian palabas.
Sa tahimik na bulwagan, ang mukha ni Jun Qing ay kasing puti ng pilyego. Kailan kinailangan ng Palasyong Lin na tiisin ang mga ganitong insulto? Tinitingnan kung paano umuunlad ang mga bagay, kasama ang kanyang tumatanda nang ama at walang angkop na kahalili sa Hukbong Rui Lin, ang maharlikang pamilya ay nagsisimula nang isagawa ang kanilang mga iniisip. Mula sa mga kinikilos ni Mo Xuan Fei ngayon, makikita na hindi na hawak ng maharlikang pamilya ang palasyo ng Lin sa anumang bagay.
.........
Habang karga-karga si Wu Xie sa kanyang mga bisig, si Wu Yao ay may mapaglarong ngiti.
..."Hindi ka galit?"... Ibinaba niya ang tingin at tumingin sa kanya. Maliwanag sa araw na sadyang dinala ng Ikalawang Prinsipe ang kanyang bagong pag-ibig upang bisitahin na may masamang intensyon.
Gayunpaman, walang bakas ng galit ang makikita.
Bahagyang inangat ni Jun Wuxie ang kanyang ulo. Nakatitig sa kanya ang isang pares ng mga mata na kasingtahimik ng gabi na puno ng mga tandang pananong. Hindi napigilan ni Jun Wu Yao ngumiti, ngunit lumalim ang kanyang ngiti habang ang kanyang mga gasuklay na mata ay nagpapakita ng bahagyang kislap. Walang makakaunawa sa kung ano ang nasa kanyang isipan.
..."Wu Xie, ang galing mo talaga."...
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...