Prologue

144 5 2
                                    

Namalayan ko na lang na dinala ako ng mga paa ko dito.

Di ko alam kung pano at bakit ako napunta dito.

Basta natauhan na lang ako na andito ako sa lugar kung saan dati ko nang pinupuntahan...

Pero... Parang may nangyari dito na di ko matandaan.

Parang may importanteng bahagi ng buhay ko na itong lugar na to ang saksi...

Hanggang sa may bumunggo sa'kin at napaupo ako sa kalsada...

"Sorry Miss… di ko sinasadya" Sabi ng isang lalaki at inabot ang kamay sakin.

Pagtingala ko...

Bumilis ang tibok ng puso ko...

Aabutin ko na sana ang kamay nya nang...

"Nadine! Sorry, late ako..." Sabi ng kararating na lalaki...

Pagtingin ko sa kanya, biglang naguluhan ang isip ko...

Sa sabay na pagkakataon... May dalawang lalaki ang dumating para makasama ko.

Isa sa kanila ang kilalang kilala ng isip ko...

At isa sa kanila ang hindi ko kilala pero kilalang kilala ng puso ko...

Parang isang panaginip...

Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo.

It's not just a dream but it's like a dream…

   ---------------------------------

A Fantastic Dream. Copyright © 2013 by fairywritesstories

A Fantastic Dream (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon