May naririnig na naman akong umiiyak.
Isang buwan na ang nakalilipas simula nung nagpunta ako sa simbahan na yun.
Isang buwan na din nung una ko siyang makita.
May naririnig ako.
Isang babae. Siguro siya yung umiiyak kanina.
"Nadine..."
Huh? Tinatawag niya ko?
Ampupu. Ano ba to?
Naaksidente lang ako at nacomatose tapos pagkagising ko, may psychic power na ko?
"Anak..."
Anak? Hala. Napagkamalan pa kong anak neto.
Tapos umiyak na naman siya.
Dumilat na ko.
Umagang umaga ganto yung naririnig ko.
Dati puro iyak at bulong lang ang naririnig ko, ngayon, malinaw na yung salita.
Bigla akong kinilabutan.
Baka kung ano gawin sakin nung multo na yun.
San ba yun galing?
Baka sa hospital?
Ahh oo nga... baka namatay yun sa ospital at nakita niya ko.
Napagkamalan niya kong anak niya.
Haayy. Buhay nga naman.
Lunes ngayon.
Dapat magandang panimula.
Medyo nahahabol ko na yung tambak kong trabaho.
As usual, puro programming na eklavu.
Dati, nag-eenjoy naman ako sa mga ganitong gawain nung nag-aaral pa lang ako.
Pero ngayong nagtatrabaho na ko parang nakakasawa din palang gawin.
Nagpunta na ko ng CR para syempre maligo.
Pagbaba ko, nakahanda na yung pagkain.
Si mama talaga.
Ngumiti ako sa kanya.
Anak ng tokwa! Naaalala ko tuloy yung narinig ko kanina.
"Goodmorning ma!" Bati ko sa kanya.
"Goodmorning din anak! Mukhang maganda ang gising mo ah"
Maganda? Nakakatakot nga eh. Hehe.
"Umm. Monday kasi ngayon ma, so dapat we start our week with a smile" sabi ko at ngumiti pa lalo.
Sabay kami kumain.
Bakit nga ba nasa good mood ako ngayon? Uhmm.
Mamaya kasi. Plano ko magsimba.
Oo, lunes ngayon. E sa ngayon ko gusto magsimba eh. Hehe.
Pagkatapos ko kumain, humalik ako sa pisngi ni mama at umalis na.
Trabaho. Trabaho.
Mukhang sanay na nga ako na wala si Calix. Di ko na siya hinahanap.
Bahala siya. Mukhang mas yummy naman ako dun sa matrona na yun ah? Hehehe. Nu ba yun.
"Magbreak k naman muna Nadine. Simula nung bumalik ka sa pagtatrabaho, masyado ka ng nagpakabusy, sige ka, tatanda ka agad nyan" sabi ni Jordan. Kaofficemate ko.
BINABASA MO ANG
A Fantastic Dream (On Going)
RomantizmParang isang panaginip lang ang lahat... Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo. It's not just a dream but it's like a dream…