Ilang araw na ko tinatawagan ni Calix pero hindi ko sinasagot.
Lahat ng text niya, di ko binabasa. Binubura ko agad. Ni hindi ako nagpapakita sa kanya pag nagpupunta siya sa bahay.
Ayoko siya makita.
Ayoko marinig yung mga bagay na sasabihin niya.
Ayokong kumpirmahin niya yung naiisip ko sa nakita ko sa harap nung building nila.
Ayoko pa harapin yung bagay na yun.
Di ko pa kaya.
Masyado ko siyang mahal para mawala siya sakin.
May narinig akong katok.
"Anak, si mama mo ito. Gusto kita makausap"
Alam ko na kung ano sasabihin niya. Pagdating saming dalawa ni Calix, hindi ako naglilihim kay mama.
Kinwento ko lahat-lahat sa kanya. At ilang araw na din niya ko pinipilit na kausapin si Calix.
"Pasok po kayo ma"
Naupo si mama sa gilid ng kama ko.
"Anak. Hanggang kelan mo ba siya pagtataguan? Hindi habang buhay, matatakbuhan mo kung anuman ang katotohanan. Bakit di mo siya kausapin? Malay mo, mali ang pakahulugan mo sa nakita mo"
Eto na naman. Pipilitin na naman niya ko harapin si Calix.
Pero kasi...
One week after what I saw infront of his building. Nagtanong tanong ako sa guard at sa ibang empleyado dun.
At base dun sa mga sinabi nila. Mas lalong lumakas yung kutob ko na karelasyon yun ni Calix.
Nalaman ko na nakikita daw sila na palaging magkasama. Palagi daw hinahatid ni Calix yung babae sa front door.
Minsan daw hinahatid pa nung babae si Calix sa trabaho.
At sweet na sweet daw ang dalawa.
Ha! Kala pala hindi ako dinadala at pinapakilala dun ni Calix. Napaka galing talaga ng lalaki na yun. Kaya ayoko muna siyang harapin.
Pero somehow... May point naman talaga si mama. Hindi habang buhay, pagtataguan ko na lang si Calix. Baka pag nagkita kami at nagkausap… Maayos pa namin ito. Baka maisalba pa namin ang relasyon namin.
Nang araw na yon, nakapagdesisyon na ko…
Makikipagkita na ko sa kanya.
Tinext ko si Calix. Gusto niya pa nga ako sunduin pero tumanggi ako. Sinabi kong magkita na lang kami dun sa lugar na sinabi ko.
6pm ang sinabi kong meeting time namin pero nagpalate talaga ako ng ilang minuto.
Around 6:30pm na ko dumating. Nandun na siya. Parang puyat siya. Halatang pagod na pagod yung hitsura niya.
Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya.
Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Sorry, late ako"
Eto ang unang pagkakataon na na-late ako sa usapan namin. Kadalasan, siya yung nale-late.
Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya yun.
Nandito kami sa isang resto. Dito kami kumakain pagkatapos namin magsimba. Tahimik kasi dito at may privacy bawat table. Parang cubicle sa office yung style.
Tahimik lang kami.
Di ko alam kung ano ang una kong sasabihin o itatanong.
"Nadine..."
Eto na.. please, makisama ka kahit ngayon lang mga pesteng luha. Wag kang papatak, ni sumilip, wag na wag mong gagawin.
"I don't know what run into your mind that you bacame this distant to me"
Huh?
"Wala naman akong ginagawang masama. Kung akala mo nakalimutan ko yung 10th month anniversary, nagkakamali ka. May surprise ako sayo ng araw na yun"
Ah… Surprise pala tawag dun sa nakita ko? Yun na ba nireregalo sa monthsary?
"Tell me why… Then, I'll explain it to you… Kahit alam kong wala naman ako dapat iexplain sayo"
Mukha mo! E ano yung nakita ko?
"Th-that g-girl..." mahina kong sabi. Halos di lumabas sa lalamunan ko yung bawat letra.
Nakita kong tumaas yung kilay niya.
"Whose girl?"
Nagmamaang-maangan pa siya! Hayop!
"Yung… Hinatid mo sa kotse…"
Pinipigilan ko na talaga pumatak ang mga luha ko. Anjan na sila. Nagpupumilit lumabas.
"Si Tessa?"
Aba malay ko! Ako pa tatanungin ng pangalan nun? Haay.
"Nadine, look. Kliyente lang namin si Tessa. Kailangan ko talagang gawin yun para makuha namin yung deal na yun"
Yumuko ako. Yung mga matang yun. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Di man kami ganun katagal na magkakilala ni Calix pero alam na alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi.
Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko. Nasa tabi ko na pala siya.
"Nadine… Please, believe me. Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo yan"
Hinawakan niya yung baba ko at inangat nya yung mukha ko. Tinitigan ko siya.
Di ko na napigilan, napaiyak ako.
Pinunasan nya yung mga luha ko.
"Di ko alam Calix. Naguguluhan ako..."
Niyakap niya ko at hinimas nya yung likod ko. Tuwing umiiyak ako, ganito palagi yung ginagawa niya.
Di naman perpekto ang relasyon namin at sasapakin ko ang magsasabing may perpektong relasyon. Marami na din kaming pinag-awayang bagay dati. Pero iba tong nangyayari samin.
"Kaya kong patunayan na di ako nagsisinungaling sayo Nadine"
Kumalas siya ng yakap at tinitigan nya ulit ako.
"Hayaan mo na muna ako mag-isip Calix..." sabi ko at tumayo na.
Kung kailan kami ulit mag-uusap ay hindi ko alam... At kung mag-kakaayos pa ba kami… Mas lalong di ko alam.
----
Nadine on the side.
-
Tell me what you think?
-Vivi
BINABASA MO ANG
A Fantastic Dream (On Going)
RomanceParang isang panaginip lang ang lahat... Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo. It's not just a dream but it's like a dream…