Sabado.
Dapat bukas pa ko magsisimba pero naisipan ko na ngayon na lang kasi maraming tao bukas.
Ayoko makipagsiksikan sa pagpasok at paglabas ng simbahan.
Dun ko naisipan magsimba...
Sa simbahan na madalas namin pagsimbahan ni Calix nung kami pa.
Konti lang ang tao. Kadalasan kasi byernes at linggo talaga dagsa ang mga taong nagsisimba dito.
Bago ako pumasok, huminto ako sa harapang ng simbahanh yun.
Tiningnan ko bawat anggulo.
Ramdam na ramdam mo ang peace of mind kaya dito namin napagpasyahang magkasal sana ni Calix kung sakali.
Haay.
Si Calix na naman.
Si naman ako nagpunta dito para sa kanya eh. Kundi para kay Lord.
Gusto kong magpasalamat.
Kasi nagising pa ko.
Kasi binigyan Niya ulit ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay.
Naglakad na ko papasok ng simbahan.
Pinili ko maupo sa dulo.
Lumuhod ako at nagdasal.
Pagkatapos ko magdasal ay di na din ako nagtagal.
Gusto ko magpahinga ng mahaba haba dahil natambakan talaga ako ng trabaho.
Paglabas ko sabay pagpatak ng ulan.
Talaga nga naman oo.
Buti may sasakyan ako. Ang problema ko. Medyo malayo layo din yung pinag-park-an ko nung kotse ko.
At wala akong dalang payong
Pano na to?
Tss...
Bahala na nga.
Tumakbo ako palabas.
Nasa kalsada na ko nang may makabungguan ako.
Teka... Parang ganito din yung nangyari samin ni Calix, a jurassic years ago.
Oo jurassic years. Sa di ko na matandaan kung kelan ba yun eh.
Di naman talaga ako bitter kay Calix.
At dahil sa lakas ng impact eh napaupo ako.
"Sorry Miss... Di ko sinasadya" sabi nung lalaki sabay abot ng kamay sakin.
Pagtingala ko, isang gwapong lalake ang nakita ko.
"Miss?" Sabi niya kaya bigla akong natauhan.
"O-okay lang..." Sa wakas eh sagot ko.
Inabot ko yung kamay niya.
Pareho kaming basang basa na.
Pagkatayo ko ay agad kong binitawan yung kamay niya.
Para akong nakuryente.
Dahil ba sa ulan? Di naman kumikidlat. At kung tamaan man kami ng kidlat, dapat nakamamatay yung kuryenteng naramdaman ko.
Naglakad na ko papunta sa kotse ko...
Palayo sa lalaking yun.
Pagsakay ko sa kotse ko, tiningnan ko yung side mirror. Nagbabakasaling andun pa siya.
Pero wala na.
Pinaandar ko na yung sasakyan at nilisan ang lugar na yun.
Kung kailan ako babalik dun ay hindi ko alam...
At kung magkikita pa kami ulit... Ay laong di ko alam...
Pero somehow, hinihiling ko na sana makita ko siya ulit.
Sa di ko alam na dahilan...
---
How was it?
Vivi
BINABASA MO ANG
A Fantastic Dream (On Going)
RomanceParang isang panaginip lang ang lahat... Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo. It's not just a dream but it's like a dream…