Chapter 4: Waking Up

26 3 0
                                    

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ang daming nakakabit. Bakit ganun? Dinilat ko ang mga mata ko. Puro puti ang nakikita ko. Pagtingin ko sa gilid ko, nakita ko si mama. Nakayuko sa kama ko. Parang natutulog habang hawak yung kamay ko.

Pinilit kong igalaw yung kamay ko. Bigla bumangon si mama.

"Nadine! Gising ka na? Teka tatawagin ko yung doktor" sabi ni mama sakin na naiiyak pero mugtong mugto n yung mga mata niya tapos lumabas na siya ng kwarto.

"Asan ba ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Inikot ko ang paningin ko sa kwarto. Puro aparato ang nakikita ko. Madaming nakakabit sa katawan ko. Puro nakatusok. Kaya pala parang mabigat ang pakiramdam ko dahil sa mga nakakabit sakin. Nasa ospital ako. Pero bakit?

"Ano bang nangyari?" Pinilit kong alalahanin yung huling nangyari sakin. Pero di ko maalala.

"Kamusta ka na iha?" Sabi nung pumasok na nakaputi. Siya siguro yung doktor na tumitingin sakin.

"May nararamdaman ka bang masakit?" Tanong pa ng doktor sakin.

Umiling lang ako.

"Nurse, pakicheck yung vital signs niya. Report to me if there's any abnormality" sabi nung doktor sa isang babaeng nakaputi.

Agad naman akong nilapitan nung nurse at nagcheck ng kung anu-anong di ko naman alam.

"I'm doctor Allegre, you're attending physician. Bukas, kapag kaya na ng katawan mo. You will undergo series of tests such as CT Scan, MRI, X-ray... to check if there's any changes" sabi ni dr.Allegre.

Madami pa siyang sinabi na di ko naman maintindihan. Tapos nagpaalam na siya.

Lumapit naman sakin nun si mama.

"Mabuti naman at nagising ka agad anak. Araw-araw kitang binabantayan dito at pinagdadasal ko na di ka magtagal na comatose" sabi ni mama at umiyak.

Di ko alam kung anong una kong sasabihin. Madami akong gusto itanong pero di ko alam kung saan ako magsisimula.

"Mama.."

"Sorry anak. Masaya lang ako. May gusto ka bang kainin? Prutas, gusto mo?" Sabi nyas sabay punas ng mga luha niya.

Umiling lang ako.

"A-anong nangyari sa-sakin?" Nauutal kong tanong. Ewan ko ba. Parang di ako sanay magsalita. Ilang araw o baka linggo o pwede ding ilang buwan na kong tulog kaya siguro ganun.

Tiningnan lang ako ni mama nun. Parang nagtataka.

"Naaksidente ka anak. Di mo ba naaalala? Naku dapat sinabi naten kay dok. Baka may amnesia ka? Pero natatandaan mo naman ako di ba?" Sabi ni mama.

Napahawak ako sa ulo ko. Naaksidente? Totoo ba yun?

"Okay ka lang anak? Gusto mo tawagin ko ulit si dok?" Tanong ni mama sabay hawak sa balikat ko.

"H-hindi na ma.. okay lang ako. Gu-gusto ko pong malaman kung ano yung buong nangyari sakin.." sabi ko ng mahina.

Huminga ng malalim si mama tsaka tumingin sakin..

*******

Nakalabas na ko ng hospital pagkatapos ng ilang tests na ginawa sa akin.

Sabi ni Doc Allegre, wala naman daw problema. Pero binigyan nya pa din ako ng reseta ng mga gamot ko for the mean time.

A Fantastic Dream (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon