"Miss?"
Ulit niya. Narinig ko siya. Pero di ako makapagsalita. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at pati dila ko nanigas.
"Okay ka lang?" At lumapit pa siya ng konti.
"Um. O-okay lang ako"
Ngumiti siya.
Shet na malagkit.
Ang gwapo gwapo ng nilalang na to. Pwede ko na ba to ibulsa ngayon na?
"Ba-bakit? Anong kailangan mo?"
Parang nag-isip siya. Tapos napakamot sa batok niya.
Ang cute niya.
May ganito palang lalaki. Kayang maging gwapo at cute at the same time.
"Ano kasi. Yung kotse mo..." tapos tumingin siya sa sasakyan ko.
Kumunot ang noo ko. Anong problema sa sasakyan ko?
"...Nahaharangan yung kotse ko. Di ko mailabas"
Parang siya pa yung nahihiya.
Nag-blush ako.
BINABASA MO ANG
A Fantastic Dream (On Going)
RomanceParang isang panaginip lang ang lahat... Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo. It's not just a dream but it's like a dream…