Chapter 3: The Light

27 2 0
                                    

Yun yung nangyari samin 1 month ago. At iyak pa din ako ng iyak. Break na ba kami? Parang ganun na nga pero di pa naman official diba? Haay.

Ako nga pala si Nadine Bernalez. 22 years old. Isang programmer sa isang company. Kung anuman yung pinoprogram ko, wag nyo na tanungin.

Naalala ko na naman yung panahon na nagkakilala kami ni Calix.

Asdfghjkl. Ayan na naman yung luha ko.

Siguro ganun nga pag naghihiwalay ang dalawang tao na dating nagmamahalan… Hindi lahat, mutual ang nararamdaman kung kayang naghihiwalay... Minsan, isang panig lang ang nasasaktan...

Dahil yung kabilang panig ay... May mahal nang iba.

Well… Nagtetext at tumatawag pa din naman siya sakin. Tinatanong kung kamusta ako, kung kumakain daw ba ko o nagpapagod ba ko sa trabaho ko. Nagsisinungaling ako kung di ko aaminin na namimiss ko na si Calix.

Yung dating kami.

Masaya.

Walang problema.

Walang pader na humaharang saming dalawa na parang kagaya ngayon.

Ano nga bang pumasok sa isip ko bat ko nagawa ang ganito at pinatagal ko pa ng halos isang buwan?

Nung hapon na yun. Nagpunta ulit ako sa building nila Calix. Gusto ko na siya kausapin para magkaayos na kami. Di pa naman huli ang lahat diba?

Mahal ko pa din naman siya. Sobrang mahal na mahal.

Hininto sa tapat ng building nila ang kotse ko. Balak ko sana, kapag nakita ko siya palabas tsaka lang ako lalapit.

Nangingiti na ko kasi naiisip ko na kapag nakita nya ko, yayakapin niya ko ng sobrang higpit kagaya ng dati.

Nakita ko na siyang palabas palapit na ko. Nakangiti ako sa kanya.

Nakita na niya ako pero bakit parang di siya masaya na makita ako? Lumapit ako sa kanya. Ilang hakbang na lang at nasa harap na niya ako pero biglang may babaeng lumapit.

Yung mukhang matrona na naman.

Kaya ba di siya masaya dahil nakita niya ko at dahil ang iniisip nya break na talaga kami?

Nakita kong humalik sa pisngi nya yung babae.

Nawala ang mga ngiti ko.

Tumalikod ako at tumakbo pabalik sa sasakyan ko.

Bago ko pa mabuksan yung kotse ko, naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Nadine! Mag-usap muna tayo"

May dapat pa ba kami pag-usapan?

Pinilit kong kalasin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Bitawan mo ko Calix!" Sabi ko at hinarap siya.

"Magpapaliwanag ako"

"Ano pa bang dapat mong ipaliwanag ha? Ano pang dapat ipaliwanag sa mga ebidensiyang nakita ng dalawang mata ko? Naguguluhan lang ako Calix pero di ako nakipagbreak sayo nung huling nagkita tayo!" Sabi ko ng pasigaw.

Parang puputok ang dibdib ko. Sa inis, sa galit o kung dahil ba sa selos itong nararamdaman ko ay hindi ko alam.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam.

"It's not what you think, Nadine"

"Ano pa bang ibang ibig sabihin nun Calix? Na kliyente nyo yung babae na yun? T@ngin@ Calix! Di ko na talaga alam kung ano pa bang dapat kong paniwalaan" pagkasabi ko nun, pumatak na din ang luha ko…

Kasabay ng ulan.

Putris! Pati langit nakikisabay sakin.

"Nadine... Pang-unawa mo lang ang kailangan ko..."

Tinitigan ko siya.

Malungkot ang mga mata niya.

"Si Tessa... Kailangan kong maging malapit sa kanya para maiclose namin itong deal na ito. Importanteng deal ito at hindi basta basta… Kaya sana... Maintindihan mo Nadine"

Tila hirap na hirap niyang bigkasin ang mga salitang yun.

"Tama na Calix! Ayoko na! Bahala ka na sa buhay mo!"

At pagkatapos nun, ubod lakas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagmadali akong pumasok sa kotse ko. Basang basa na ko pero wala akong pakialam.

Pinatakbo ko ang sasakyan ng mabilis.

Isang lugar lang ang alam kong pwede kong puntahan. Doon… Sa simbahan kung saan pangarap namin ikasal. Kung saan linggo linggo kami nagsisimba.

Pero sa sobrang hilam ng mga mata ko at bilis ng pagpapatakbo ko.

Di ko nakita ang paparating na sasakyan.

Sobrang liwanag at nasilaw ako.

Pagkatapos biglang dumilim. Yun na ang huling naaalala ko.

--

Tessa Miranda on the side ^^

A Fantastic Dream (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon