Eto, umiiyak na naman ako. Isang buwan na ang nakakalipas simula nung nagbreak kami pero andito pa din yung sakit. Mahal ko pa din siya.
Halos isang taon din ang pinagsamahan namin. Nagsimula kami sa pagkakaibigan pero di na ata namin maibabalik yun.
Bakit nga ba kami naghiwalay?
Third party?
Work?
Family?
Nahh... It's just because of a simple misunderstanding.
Misunderstanding...
Misunderstanding na sana di ko pinalaki.
Buti sana kung simpleng walang lang siyang tiume sa’kin eh… Kaso hindi ganun…
Ang tanga-tanga ko.
Ewan ko ba kung bakit ako agad-agad naniwala sa sabi-sabi. Araw-araw, palagi kong sinisisi ang sarili ko sa break up namin ni Calix... Kung break up nga ba ang tawag dun.
Ganito kasi yun…
10th month anniversary namin ni Calix. Gusto ko sana siya sopresahin kaya naisipan kong magpaganda at bisitahin siya sa office niya.
Nag commute lang ako that day papunta sa office niya kasi magpapahatid na lang ako sa kanya pag uwi namin. Pero syempre, magse-celebrate muna kami.
Buwan buwan namin yun ginagawa. Mukhang teenager no? Hehe.
Pero teenager pa lang kami nung una kaming magkakilala.
Yun nga lang... Nasa last teen year na kami nun. In short, 19 kami nun.
Nagkabanggaan lang kami sa corridor ng school namin tapos sorry siya ng sorry.
Tuwing naaalala namin yung first encounter namin, pareho kaming natatawa.
Oo, magkaschoolmate kami. Pero magkaiba kami ng course.
Business Administration ang kinukuha nya nun samantalang Information Technology naman ang kinukuha ko.
That day, siguro plano talaga ni Lord magkabungguan kami.
The next day, nagkita kami ulit. Nagsorry siya ulit tapos nagpakilala. Dun ko lang narealize na gwapo pala siya.
Since then, palage na kami nag-uusap. May pareho kasi kaming subjects pero di ko siya naging classmate. At next year eh, graduating na kami at puro major subjects at ojt na yun kaya wala na ding chance maging magkaklase pa kami.
Nang tumagal tagal, sabay na din kaming kumakain. At nung mas tumagal pa eh hinahatid na niya ko sa bahay.
Yun pala eh, sumisimpleng ligaw na siya.
Pero dahil nga graduating na kami pareho, sinabi niyang di naman niya ko minamadali. Willing naman daw siyang maghintay at manligaw ng matagal. So hinayaan ko na lang din. Masaya ako na magkaibigan kami at handa siyang maghintay.
After grad, naging busy naman kami sa paghahanap ng work.
Nung nakahanap na kami ng kanya-kanyang work, mas lalo kaming naging busy. In short, di na kami madalas magkita.
Madalas naman siyang nagtetext at tumatawag.
At that time eh talagang namissed ko siya at narealize kong... Mahal na mahal ko na siya.
Kaya nung nagkaroon na kami ng time sa isa't isa ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon..
Sinagot ko na siya agad.
At yun ang di ko makakalimutang araw, March 18.
So balik na tayo sa 10th monthsary namin.
Eto. Malapit na ko sa office niya.
Bumaba na ko sa taxi at naglakad papuntang front door ng building kung saan siya nagtatrabaho.
Pero biglang napako ang mga paa ko...
Si Calix... May kasamang babae.
Mukhang mayaman.
Hinahatid niya ata sa sasakyan. Nakahawak pa siya sa bewang nung girl.
At yung babae...
HUMALIK pa sa kanya. Mukhang sa lips pa!
Di ko na kaya yung nakikita ko.
Tumalikod ako at tumakbo. Pinara ko agad yung nakita kong taxi.
Kusang naglaglagan yung mga luha ko.
Di to pwede...
Kaya pala palging busy si Calix...
Busy siya dun sa mukhang matrona na yun!
Iyak lang ako ng iyak sa loob ng taxi. Wala akong pakialam kahit magmukha pa kong lukaret sa harap ng driver na to. Babayaran ko naman kahit pa magkano yung magiging pamasahe ko at sosobrahan ko pa kung gusto niya.
Nagulat ako nung nagsalita siya.
"Masyado kang maganda para umiyak sa isang kagaya niya. Lam mo miss, maraming lalake ang handang umiyak para sayo. Wag mo sayangin ang mga luha mo sa isang walang kwenta"
Napatingin ako sa likod niya.
"Huh? Ano bang alam nito?" Sabi ko sa sarili ko.
"Saan ba tayo miss?" Tanong niya.
Sinabi ko kung saan. Gusto ko lang muna mag-isip isip.
At dun yung naisip kong lugar...
Yung lugar kung saan plano sana namin ni Calix magpakasal...
----
Calix on the side ^^
Hi. First time ko lang magsulat dito sa wattpad pero nagsusulat na ko dati.. Sana magustuhan niyo. Okay po ba yung Prologue and chapter 1? Thank you.
Vivi
BINABASA MO ANG
A Fantastic Dream (On Going)
RomanceParang isang panaginip lang ang lahat... Pero pagkagising ko. Lahat ng ito ay totoo. It's not just a dream but it's like a dream…