Chapter 37: Don't Go

739 50 4
                                    

"Good Morning! Happy 6th Monthsary baby!"


Agad-agad ko itong isinend kay Kai saka dumiretso sa banyo't naligo.


Kailangan kong maging maganda ngayon. May inihanda kasi akong sorpresa para kay Kai dahil syempre, monthsary namin ngayon! Hindi ko akalaing kalahating taon na pala kaming magkasama. Sobrang dami na naming nabuong memories kasama ang isa't-isa. At sa araw na ito ay dadagdagan ko pa iyon. Naeexcite tuloy ako!


Pagkatapos kong maligo ay tinignan ko yung phone ko. Wala pa rin akong natatanggap na reply galing sa kanya. Bakit kaya? Namimiss ko na siya. Magiisang linggo na rin kasi kaming di nagkakausap. Sabi niya medyo busy daw sila ngayon dahil sa panibagong comeback. Syempre, kailangan kong intindihin. Ginusto ko 'to eh. Choosy pa ba ako? Pasalamat nga ako kasi sinuwerte akong mapansin ng bias ko noh!


Nilapag ko nalang ulit 'yon saka nagpatuloy sa pagaayos.


Grabe lang, ang hirap mamili ng isusuot! Naka-ilang palit na ako pero wala parin talaga. Feeling ko kasi ay parang lahat ng damit ko ay bagay sakin. Hay nako, ang hirap talagang maging dyosa. kahit anong suotin ko, mapabasahan man 'yan, maganda pa rin ako. Etchos lang.


Sa huli ay napagdesisyunan kong maging simple nalang. Dahil sabi nga nila, 'simplicity is beauty'. (See Allysa at the top ^)


Napangiti nalang ako pagtingin ko sa salamin.


Shems, ang ganda-ganda ko.


♪♫"Call me baby I georineun wanjeon nanriya

Call me baby saramdeul saineun namiya

Call me baby hamkkehaneun mae sungani

Like boom boom boom boom boom"♪♫


Agad kong kinuha yung phone ko at sinagot yung tumatawag.


"HI BABY! HAPPY MONTHSARY!!!" Pambungad ko.


"Baby ka diyan! Yuccckk!" Huh?!


Napatingin ako sa caller i.d.


Ay ano ba yan? Akala ko si Kai na! Si Rina lang pala! Nakakadisappoint naman.


"Oh anong kailangan mo? Bilisan mo, baka tumawag si Kai!"


"Nais ko lang ipaalam sayong ayos na yung venue! Punung-puno na rin siya ng lobo at okay na rin yung mga pakulo mong may mga hint and arrow pa bago makapunta dun sa pinaka-area kung saan ka naghihintay!" Mabilis na sagot ni Rina.


"Ah okay sige thanks! Love youuuu! Ibababa ko na ah?" Sabi ko. Hindi ko na hinintay pang makasagot siya, ibinaba ko na agad yung tawag.


Oh my gosh! Nararamdaman ko na ang unti-unting pagbalot ng kaba sa aking katawan. Nanlalamig na ang mga kamay ko at nanlalambot na rin ang mga tuhod ko. Feeling ko ay masusuka ako. Parang 'di ko na ata kayang makaalis pa.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon