Chapter 17: Confused

1.9K 75 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi guise. Nakapagdecide na akiz! Hindi ko i-o-On Hold itong story ko. Etchos ko lang talaga 'yon. Masyado lang talaga akong lutang this past few days epekto ng issue kay Kris. But I'm ok na ngayon. Naniniwala akong mabubuo ang exo. Tiwala lang diba? Sabi nga nung kaklase ko, 'Prayers can move mountain'. Kahit naman anong mangyari, I'll never leave Exo's Fandom. Kahit maging 11 nalang sila, I'll still support them. Hindi ko rin naman tatalikuran si Kris. Mahal ko kaya yung babang 'yon XD

Ipagpapatuloy ko ang story kong 'to and sana, kahit corny, basahin niyo parin. Hahaha! Huwag kayong magsawang i-vote ang every chapter and huwag mahiyang magcomment. So here's Chapter 15. Have fun reading. :)

Nga pala, wala munang Exo dito. Magpapahinga lang sila. Hahaha!

*********************

'Ang swerte ko noh! Akalain niyo yun, seatmate ko na siya sa school tapos magkapitbahay pa kami!'

Yan siguro ang magiging reaction ko kung crush ko pa si Gerald. Pero hindi eh. He is the person I really hate. Nangunguna pa nga siya sa Hatelist ko eh.

Naranasan kong ma-Hahazoned dahil sa kanya. Walangya siya forever. Ay nako Allysa. Past is past. Wag mo nang alalahanin pa. Naiimbyerna ka lang.

"Ma, alis na ako!" Nagpaalam na ako saka lumabas ng bahay. Pero bago ko buksan yung gate namin, sumilip muna ako. Hinintay kong lumabas si Gerald sa bahay na nasa tapat namin. Siguro nakaalis na 'yon. Buti naman! Walang asungot.

Binuksan ko na yung gate namin. Pero nung palabas na ako, bigla namang bumukas yung gate nung bahay na nasa tapat namin at lumabas si Gerald.

"Oh Allysa, ikaw pala!" Bati nito sakin. Inirapan ko lang siya.

Seriously?! Akala ko pa naman nakaalis na siya. Walangya.

"Sabay na tayong pumasok." AYOKO.

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako. Pero nung lumingon ako, nasa likod ko siya, hinahabol ako. Gosh! Ang epal talaga niya!

"Teka Allysa! Bakit ka ba tumatakbo?!" Sigaw niya. Binilisan ko pa yung pagtakbo ko. Well duh? Hindi ba obvious? Kaya ako tumatakbo dahil ayaw kong makasabay ka papasok.

Sabi ko nga sainyo, walking distance lang ang layo ng bahay namin sa school. Pagkalabas mo lang ng subdivision, sa kabilang kanto, school na namin yun. So dahil tumatakbo kami, mga limang minuto lang, nakarating na kami sa school.

"Yiee! Ang aga-aga, may dalawang nagmamahalang naghahabulan!" Sigaw ni Luke nung nalagpasan namin. Huminto ako sa pagtakbo saka nilapitan 'to.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon