Nagising ako nang may narinig akong nagbukas ng pinto.
Tinignan ko yung paligid...
Oh my gosh! Ang ganda naman ng kwartong 'to. High class na high class ang dating! Pagdating ng panahon, magkakaganito rin ako!
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
O my, Lord, Heaven na po ba ito? Talagang masaya pala dito, noh? Akalain Niyo po yun, nakikita ko si Kai, ang yeobo ko.
"Thank God you're awake." At infairness, nagsasalita rin siya! Ang galing naman!
"How are you?"
Hay~ ang sarap ng buhay! Ay mali, patay na pala ako. Diba nabangga ako kanina ng isang kotse habang papunta ako sa nagtitinda ng fishball? Dapat pala matagal na akong nagpabunggo kung alam ko lang na si Kai pala ang naghihintay dito sa akin sa Heaven!
"Hey, are you deaf?" Medyo naiiritang tanong niya sakin.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gwapo pala talaga ni Kai noh? Grabe, sobrang lapit niya sakin ngayon. Heaven na heaven ang feeling!
Ay teka, Paano nga pala mapupunta si Kai sa heaven eh may concert sila ngayon? Oh well, Imagination ko lang pala talaga 'to.
"Are you crazy?" He asked me.
Oo, baliw na nga ata ako. Kita mo, patay na nga ako, ikaw parin ang ini-imagine ko.
Tinapik niya yung braso ko.
"Hey, can you speak?"
Wait! What the?! Bakit feel kong totoong-totoo yung pagtapik niya sakin?
"Oh, another fan of mine." Sabi niya saka tumalikod at naglakad papalabas ng kwarto.
Umupo ako, kinuha ko yung unan at ibinato sa kanya. Nasakto naman itong tumama sa ulo niya.
Oh amazing! Headshot! Ayos 'tong imagination ko ah? Ang galing kong umasinta!
"What the hell?!" Kinuha niya yung binato kong unan saka lumapit sakin.
"What do you think you're doing?"
Oh my gosh! I can't contain my feels! Ang hot ni Kai kapag naiinis!
"Argh! Why don't you answer me?!"
Duh~ It's an imagination Kai. Pagnagsalita ako, masisira 'tong moment na 'to.
*Kruuuu~* *Kruuuu~*
Hay, hanggang dito ba naman sa imagination ko, gutom parin ako. Walangya talaga 'tong sikmura ko! Ang lakas.
"You're hungry. Wait here, I'll go get some food."
Peste talaga! Sobrang perfect ng imagination ko! Kita mo, magseserve ng food sakin si Kai? Hay, Heaven talaga 'to! Ang saya-saya!
♪♫ XOXO XOXO XOXO yeah
Salmyeosi immatchun xneun kiss
Donggeurake aneun oneun hug
Hoksi beolsseo algo isseulkka oh ♪♫
Oh! Ringtone ko yun ah! Aba, may cellphone pala dito sa heaven?
Maya-maya ay bumalik na rin si Kai, dala-dala ang isang pinggang kanin na may bacon.
![](https://img.wattpad.com/cover/10763665-288-k624567.jpg)
BINABASA MO ANG
The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]
FanfictionIto ay kwento ng isang typical KPopper. But the only difference is, she's lucky. Maghanda sa super unforgettable, unkabogable and imaginable na journey ni Allysa. Plagiarism is a crime. Thank you :) Copyright2014 @KaiRynafrvr The Adventures of A Luc...