Chapter 20: Envy

1.7K 71 9
                                    

Lumipas ang Valentines Day... ang Buwan ng mga puso.... Fire prevention month na! Well, graduation month narin pala. March 3 ngayon, ang unang monday ng buwan na 'to.

Hindi na kami nagkasalubong ng landas ni Kai my labs. Tama nga yung huli niyang sinabi, "There will be no next time." Mananatiling alaala nalang siguro yung dalawang beses naming pagkikita. Thankful narin ako dahil kahit papaano, kilala na ako ni Kai.

Katatapos lang ng flag ceremony namin at first mass na ng month. Kasalukuyang nagsesermon si Father about sa.. ahehehe. Di ko alam eh. Di kasi ako nakikinig. Nagchichikahan kasi kami dito ni Rina. Bakit? Magcocomeback na kasi ang Exo! And we're so excited na makita ang aming mga jowa. Etchos lang.

Alam niyo ba na may number ni Chanyeol si Rina? Nung nagdate sila nun, tinanong niya daw kung pwedeng mahingi yung cellphone number niya. Ayun, binigay naman daw. Everyday niyang tinetext yun. Pero never siyang nakatanggap ng reply. Asa pa siya. Idol kaya yun, fan lang siya.

Aww. Nasaktan ako sa sinabi ko. Naalala 'kong nagmamahal rin pala ako ng isang Idol.

Nagulat ako nung biglang may humawak ng left hand ko. Napatingin ako sa kaholding hands ko ngayon. Like Seriously? Bakit bigla-bigla nalang nakikipaholding-hands 'tong si Gerald? Hindi kaya may gusto na talaga sakin 'to? 

"Ama Namin~

Sumasalangit Ka~

Sambahin ang ngalan Mo~"

Bwahaha! Kaya naman pala. Nasa Ama Namin part na pala kaya maghahawak-hawak ng kamay. Masyadong assumera lang talaga ako. Nakakahiya naman!

Pagkatapos ng Ama Namin, binitawan niya narin yung kamay ko. At dahil sa sobrang lakas ng pandinig ko, narinig ko yung bulong ni Gerald kay Luke.

"Kahit kailan talaga, pasmado si Allysa." Tas tumawa pa sila! Aish! Ang sarap talagang ipasalvage 'tong si Gerald!

"Rina, pigilan mo 'ko. Baka ilibing ko ng buhay 'to." Bulong ko kay Rina dahil alam kong narinig din niya yung sinabi ni eps.

"Huminahon ka bebs. Nagmimisa oh. Mamaya mo na gawin yan. Abangan natin sa labas." Napatawa naman ako sa sinabi ni Rina. I really love my bestfriend.

Pagkatapos ng mass, nagsibalikan na lahat ng mga students sa classroom nila except saming mga 4th year. We'll start preparing na kasi our graduation. Oh gosh, ang conyo ko na naman. Hahaha.

"Simon, 5th seat ka. Tabi ni Dizen." Sabi ni Ma'am Labonete.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon