Chapter 29: Overnight (Part 2)

1.3K 62 16
                                    

Pagdating namin sa kwarto ko, hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Umupo siya sa kama at tumabi naman ako sa kanya. Shems. Ang bango niya!!

"You really like me a lot huh?" Natigil ang pagsinghot ko. Nililibot niya ng tingin ang kwarto ko.

Ay! Oo nga pala, punung-puno ng poster ng exo ang dingding dito at halos lahat nun ay yung solo niya. Nakakahiya man, wala na akong magagawa. Alangan namang tanggalin ko muna yan tas pag umalis na siya, saka ko ibabalik ulit diba?

Tinignan ko siya. Bigla nga akong kinilig eh! Nakatingin din kasi siya sakin!

"It's kinda creepy here." Sabi niya sakin.

"Why?" Tanong ko.

"Kasi, kahit saan ako tumingin, I could see myself."

"Psh. Edi sakin ka lang tumingin." Sagot ko saka siya kinindatan.

"Ikinaganda mo yan?" Napatawa ako sa sinabi niya.

"Saan mo natutunan yan ha?" Tanong ko.

"Sa tabi-tabi." Sagot niya.

"Oh sige na, humiga ka na, bibimpuhan pa kita."

"Huh?" Tumingin siya sakin na parang wala siyang naintindihan sa sinabi ko. Grabeeee! Ang gwapo-gwapo niya! Tas ang cute pa! Lord, bigyan Niyo po ako ng sapat na pagtitimpi sa aking sarili.

"Higa na bilis." Tumayo ako para makaayos siya ng higa.

Shet. Ready na siyang mahalay. I mean, ready na siyang mapunasan. Nako ba yan Allysa. Kung anu-anong pinag-iisip. Bata ka pa eh!

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para kumuha ng plangana. Nilagyan ko ito ng mainit na tubig. Ayan, ayos na.

Pagbalik ko, mukhang nakatulog na si Kai. Hay, grabe talaga. Ang swerte-swerte ko! Hindi ko inaakalang mangyayari 'to. Parang kailan lang, sa monitor lang kita pinagnanasaan. Ngayon, harap-harapan, pwede na kita hubaran! Bwahaha! Ay ano ba yan? Ang landi mo talaga Allysa!

Kumuha ako ng bimpo saka inilublob doon. Ang init nga eh. Alangan. Piniga ko muna 'yon bago dampian ang noo ni Kai.

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon