Chapter 22: The unforgettable moment

1.7K 65 17
                                    

Nagising akong mugto ang mga mata. Alangan, umiyak ako magdamag. Si Papa kasi eh. May iba pala siyang pamilya. Kwento sakin ni mama na may mas nauna pala samin. Kaya pala ilang years nang di umuuwi si papa kasi nandun na siya sa 1st family niya na nasa korea. Korean citizen si papa at korean din daw ang una nitong asawa. Kaya lang daw nagkakilala si mama atsaka si papa dahil sa nadestino siya dito sa Philippines and the rest is history.

Nakakaiyak talaga. Naaawa ako kay mama. Hindi naman ako galit kay papa dahil kahit papaano naman eh nagpapadala parin siya samin monthly.

Napagdesisyunan kong hindi ako aattend ng grad. ball. Ayoko na. Sobrang panget ko na kaya! Haggardness at its best.

Pagkatapos kong maghilamos, dumiretso na ako sa dining room. Nakahanda na yung breakfast. Maayos narin yung bahay. Malinis na. At si mama, di narin mukhang devastated. Pero mababakas mo parin sa mga mata niyang all night long din siyang umiyak.

"Hi Bestfriend!" Bumungad si Gerald na may hawak na tatlong pinggan.

"Bestfriend ka diyan. Si Rina bestfriend ko." Tinawanan niya lang ako. Buti naman at bati na kami nito. Hindi na ako naiirita eh. Hahaha.

Tumabi ako kay Gerald sa upuan. Si mama naman nasa harapan namin. Shet! Nakakapaglaway naman yung bacon. Naalala ko tuloy si baekhyun. Hahaha.

"Dahan-dahan lang sa pagsubo, baka mabulunan ka niyan." Sabi sakin ni Mama. Ahehehe, ang sarap eh.

"Bestfriend, sabay tayo mamaya ha?"

"Mhuamhuawuya?" (Mamaya?) Sagot ko habang nginunguya ang sobrang sarap na bacon. hoo! nakakawala ng problema!

"Allysa. dont talk when your mouth is full." Saway sakin ni mama. Nagpeace sign nalang ako.

"Oo. mamaya papuntang grad. ball." Sabi ni Gerald. Nilunok ko muna yung lahat ng nasa bibig ko bago sumagot.

"Di ako pupunta."

Nagiba ang aura ni Gerald. From happy to... devastated? Ang OA naman nung adjective na ginamit ko. Pero mukha kasi talaga siya ngayong devastated!

"Bakit?" You can hear disappointments in his tone.

"Kasi naman, im so panget na kaya. Nakakahiya nang pumunta."

"Ang arte mo naman. Parang pagtitinginan ka. Peymus?" Napatawa ako sa sinabi ni Gerald.

"Basta. Ayoko." Hindi nalang sumagot si Gerald. Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ulit ako sa bedroom. FB agad. Tinatamad pa akong maligo eh.

"I'm so excited sa grad. ball mamaya." Status nung isa 'kong kaschoolmate. Wala namang nakakaexcite dun eh. Well kung may lablayp ka na tulad ni Rina, pwede ka pang maexcite. Eh ako? Nganganga lang ako dun. Kaya mas mabuti pang di ako magpunta at magspazz nalang magdamag.

Gosh. I need an update nga pala sa exo! I want their comeback na! Miss na miss ko na ang mga baby ko. Lalo na ang asawa ko. ahuhuhu!

Nagpunta ako sa profile nung kaibigan kong makaKPop din at exo stan. Dakilang updater 'to sa exo eh. Pagkascroll down ko, a video caught my attention.

"Who's this girl? She's so lucky :(" Naintriga ako sa caption niya kaya ni-play ko yung video.

Ito pala yung interview ng 'eatourkimchi' sa exo at kahapon lang ito naiupload.

Gosh! Ang gwapo naman nila! They're so hot with their hairstyle. Walangya exo. Hutanginerz! Mamatay na kayooooo!! (That's how I spazz guys.)

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon