Chapter 39: Hurt

604 42 34
                                    

"Halika na Allysa." Sabi ni mama saka sumakay ng taxi.

Sa huling pagkakataon ay mariin kong tinignan ako sa bahay namin. Sa labingwalong taon kong pamamalagi rito, sobrang mamimiss ko 'to. Masakit isiping ang dating amin, hindi na namin pagmamay-ari. Magmimigrate na kasi talaga kami. Mas mabuti nang maghanap nalang kami ng bagong titira diyan kaysa iwan nalang namin basta-basta.

I sighed heavily as I ride the taxi. Lalo pang bumigat ang pakiramdam ko pero hindi dapat ganito. Hindi magandang aalis ako ng bansa na may mabigat na damdamin. Hindi tamang iiwan ko nalang ang mga bagay ng walang closure.

"Mamimiss ko talaga yung bahay natin. Pero excited na akong makapunta ng Korea!" Masayang sabi ni mama.

Ngumiti ako at tumingin sa labas.

Ako, itong Pilipinas, yung mainit, maingay at mausok na kapaligiran. Kahit na hindi siya ganoong kagandahan, sigurado akong mamimiss ko rin 'to.

Mamimiss ko rin yung nag-iisa kong bestfriend na si Rina. Nakakainis nga kasi ayaw niya akong ihatid sa airport. Baka raw kasi itakas niya ako para hindi ako makaalis. Kaya sabi niya, magskype nalang daw kami pagdating ko roon sa korea.

"Patingin nga ng bag mo Allysa, baka kasi diyan ko nalagay yung shades ko." Sabi ni mama at iniabot ko sa kanya yung bag ko.

Tumingin ako sa labas at wala sa sariling napabuntong-hininga.

Naiisip ko na naman ang Exo. Ito hirap sa pagiging fangirl. Once you enter the world, you'll never find the way out. Nakakamiss yung feeling na walang sawang pagsspazz sa mga video nila. Yung kahit sa monitor lang, sapat na. Yung hanggang sa poster mo lang sila nakakausap. Masaya na ako dati sa mga simpleng bagay. If I would have known it would be this complicated...

I sighed for the nth time.

Pinangarap ko lang naman na magkita kami ni Kai. Hindi ko alam na higit pa pala roon ang mararanasan ko. Mabibigyan pala ako ng pagkakataong makasama ko siya. Yung nabigyan niya ako ng pansin at pinaramdam sa akin kung paano siya magmahal.

Sobrang nagpapasalamat ako dahil kahit na nasasaktan ako ngayon, kahit papaano, naranasan ko ang lahat ng 'yon. After all, I'm Allysa, the lucky fangirl who happened to be Kai's ex-girlfriend.

~

"Calling all passengers of Philippine Airlines, Flight 3610. Manila to Seoul. You may board the plane."

I looked around.

Kahit na sinasabi ng utak ko na huwag na akong umasang susundan niya ako at pipigilang lumayo, kumukontra naman ang puso ko. Parang bumubulong ito ng sandali pa, kaya ko pa naman. Kaunting hintay pa, darating din siya.

Alam kong hindi na dapat, pero umaasa ako na sana sa huling pagkakataon, magkita kaming dalawa.

Ngayon ko ipinagdadasal na sana gumana ang kaswertehan ko. Sana kahit na tapos na kami, mabigyan niya man lang ako ng magandang closure bago umalis ng bansa.

Kahit na masakit, tanggap ko na. Kasi tao lang din naman siya, diba? Nagsasawa at naghahanap ng bago. Pero wala eh, mahal ko siya kaya kahit na sinasaktan niya ako, siya parin ang hinahanap ng puso ko.

"Allysa..." Napatingin ako kay mama.

"Let's go. It's time."

No...

Sa pag-iling ko ay bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa aking mga mata.

"Huwag mo nang pahirapan pa yung sarili mo. Kung mahal mo talaga siya anak, tanggapin mo ang desisyon niya. Kung 'yon ang gusto niya, pakawalan mo siya." Pagkayakap sakin ni mama ay lalo pang tumulo ang mga luha ko.

"Alam kong nasasaktan ka ngayon, pero darating ang araw na pasasalamatan mo ang pangyayaring 'to. Kasi anak, lahat ng 'to ang maghuhubog sa kinabukasan mo. Kung magpapaiwan ka para lang kay Kai sa tingin mo ba magiging masaya ka?"

I absent-mindedly said yes. Napangiti si mama.

"Oo syempre, mahal mo eh. Pero akala mo ba panghabang-buhay kang masaya? Darating at darating kayo sa punto na pwedeng magsawa kayo sa isa't-isa. Kasi ang buhay, hindi lang 'yan puro saya. Life wouldn't be life if there were no struggles and problems.
Huwag kang maging kuntento na sa kung nasaan ka at anong mayroon ka ngayon. Bata ka pa, why settle for good if you can be better?"

At wala sa sariling napatango rin ako.

"Calling all passengers of Philippine Airlines, Flight 3610. Manila to Seoul. Please board the plane now." Muling sabi ng nasa intercom.

"Oh? Halika na? Kung kayo naman talaga sa huli, gagawa at gagawa ang tadhana para magkasama kayo muli." Sabi ni mama saka kinuha yung mga bagahe niya.

"Si mama pinapaasa na naman ako eh!" Pinunasan ko yung mata ko at inayos na rin ang mga dala ko.

"Oo na, hindi na."

Nauna nang lumakad si mama. At sa huling pagkakataon, nilibot ko ang mga mata ko.

Wala siya.

Tama na nga 'yan Allysa. Huwag ka nang umasa. Gumising ka na dahil ang lahat ng 'yon, isang panaginip lang. Sino ka ba para magkandarapa sayo si Kai?

Tumalikod ako at kahit masakit, lumapit na ako kay mama. Habang tumatagal ay ramdam ko ang unti-unti paglayo ko sa kanya.

Sinasabi ng puso ko, sa pinakahuling pagkakataon, lumingon ako.

Ayoko. Ayoko nang masaktan. Sobrang sakit na nga ng ginawa niya, pero mahal ko parin siya. Kaya tama na. Ayoko na kasi talaga.

At bago pa kami tuluyang pumasok ni mama ay narinig ko ang boses niya.

"ALLYSA!"

Hindi ako lumingon. Hindi siya 'yon. Imposibleng susunod siya rito. Ni hindi niya nga alam ang oras ng flight ko.

Oo, tama. Maybe I'm just hallucinating.

Tumingin sa akin si mama. Parang may gusto siyang iparating pero masyado akong lutang para mabasa 'yon sa kanyang mga mata.

Napailing nalang ako.

"Bakit ma? Halika na." Sabi ko at umuna nang pumasok sa kanya.

I guess this is it. Thank you so much for a wonderful adventure God. Siguro, oras na para kalimutan na talaga siya. Kailangan kong tanggapin na may mga bagay talagang pinagtagpo pero hindi itinadhana.

Ako 'yon at si Kai.

The ending might not be that happy. But the journey was totally worth it.

**********AUTHOR'S NOTE********

A very super short update hahaha! Pero sana nasatisfy kayo. Alam niyo namang mahal na mahal kayo ni Author. Actually, hindi ako magaling sa mga drama kaya sana, kahit papaano, naramdaman niyo si Allysa. Hope you enjoyed reading this chapter.

Nga pala, 1 more chapter to go and epilogue na po tayo. Maraming salamat sa mga patuloy na sumusubaybay sa story na 'to kahit sobrang bagal kong mag-update. And for the nth time, ito na naman ang dahilan ko, sobrang dami kong gawain. Future inhinyero kasi ang author niyo. 'Chos!

Be fan? Comment? Vote? Pamasko niyo na sakin 'yan. Saranghae! ♥

The Adventures Of A Lucky Fangirl [EXO KAI FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon