Paiba-iba ako ng pwesto sa pagkakahiga sa kama ko. Di ko alam kung san ako babaling para kumalma. Maya't maya'y hahawakan ko yung sobreng galing sa presidente ng school. Tititigan, oorasyonan para maging positive ang laman, aakmang bubuksan pero agad ibababa at magtatalukbong ng kumot.
Pano kung ang laman nito ay suspension? abomination? sanction? Retribution? or kahit ano pang tion tion tion diyan?
Lord....wag niyo po akong pababayaan sa kuko ng impaktong yun. Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayaw kong maging inihaw ni nanay at maging parang anak ni Rie na nasesermonan. Puleeeaaaseee. Huhuhu!
Tinangal ko ang talukbong kong kumot at kinuha ulit yung sobre bago tinitigan.
Hay..
Bukas ko na lang to bubuksan para kung ano man ang laman niya, at least pag mapatalsik ako, isasampal ko to sa mukha ng lalaking yun. Makaganti man lang kahit kunti.
Sa isipang iyon, binalik ko yung sobre sa bag ko at pinilit matulog.
------------
"Anak, in love ka ba?"
Naibuga ko bigla yung iniinom kong gatas sa sinabi ni nanay. Umaga na at antok na antok pa din ako dahil di ako makatulog kagabi. Kahit pampaantok daw ang gatas, wala akong pakialam dahil ngayon pa lang, antok na antok naman na ako. Pero nagising pa din ako ng maaga dahil sa lintik na sobreng yun. Kahit sa panaginip, sinasapol ako.
"Hahaha, adik ka nay. Anong in love? Di ah. Wala pa nga sa earth yung kapalaran ko eh."
"Ang laki kasi ng eye bags mo anak. Gusto ko nga ding isipin na umiyak ka eh. Sino bang nam basted sa'yo ha? Tara resbackan natin."
"My precious mother, walang nambasted sa akin, aba sa ganda kong ito?" sabi ko habang nakangisi.
"Sabagay tama ka, nagmana ka sa kagandahan ko eh."
"Hahaha, syempre naman nay."
"True pero baby, ba't nga kasi ang laki ng eyebag mo?" pangungulit ni nanay.
Hay, kala ko lusot na.
"Wala lang to nay pramis. Napuyat lang kasi ako."
"Ba't ka ba napuyat?"
Ang kulit naman ni nanay.
"Ahmmm..., binisita ako ni momay kagabi?"
BINABASA MO ANG
The Rich Boy vs. The Scholar
RomanceHer: Siya ang spice sa buhay kong mas kupas pa sa damit niyang pinakaluma ayon sa kanya. Lagi niya akong binabadtrip sa kadiliman ng kanyang budhi. Lagi niyang pinapataas ang kilay ko sa kanyang kayabangan at kaarogantehan. Daig pa niya ang nanay ko...