Humarap ako sa mga nilalang sa may lamesa at namaywang.
"Hindi naman siguro niya ako ipapatambang sa labas ano?"
"Who knows. Baka paglabas mo sa gate ng school na 'to, may mga alien na aabduct sayo." parang nananakot na wika ni Rence.
"Subokan lang niya. Pag bukas, di niyo na ako makita at mabalitaang palutang-lutang ang katawan sa Pacific Ocean, alam niyo na kung sino ang suspect. Hingan niyo ako ng hustisya kundi hahuntingin ko kayo magpakainlanman."
"Ang morbid niyo mga tsong. Mabait naman si Vince kahit di halata."
"Weee? Joke yun? saka kasalanan ng impaktong yun. Kita niyo naman, para akong kakainin ng buhay. Kala ko, sasapakin din ako." sabi ko at muling umupo.
"Nope. Di nananakit physically ng babae si Vince kaya don't cha worry, he won't hit even a single hair of yours kahit pa ikaw pa lang ang alam kong babaeng nakasapak sa kanya." sabi ni Angel.
"Wow, totoo?"
"Yeah. So Andria, you better tell us the truth kung ba't ganun na lang kung magtinginan kayo ni Vince and base sa kinikilos niyo, you seem to know each other. Dati na ba kayong magkakilala? Ex-lovers? He's been my friend since highschool pero di kita matandaang naging fling or girlfriend niya. Depende na lang kung elementary pa lang ay lumandi na siya.....kayo pala?" nakangising tanong ni Rence.
"Sabi ko naman na, ngayon ko lang siya nakilala...I mean, nakita. Intiendes?"
"Weeeh." sabay na sabi ni Angel, AJ at Zane.
"Ganun? kailangang sabay pa talaga?"
"Eh kasi naman di kapani-paniwala yang sinasabi mo. Honestly, ngayon lang namin nakita si Vince na....ganun magreact." ani ni Jett.
"Panong ganun?"
"Ahmmm..., nabadtrip at nakipagtagisan? Not to mention, sa babae pa. Siya kasi yung tipong isang salita lang, dapat masusunod. And he always keeps his cool in everything he do pero kanina, iba."
"Ewan ko sa inyo. Ang gulo ng utak niyo. Ganito kasi yun, kaninang umaga bago ko nakita si Rence, pumunta ako sa first room ko. Pero walang tao dun, siya lang at natutulog. Magtatanong lang naman sana ako kung asan yung mga kapwa ko studyante kaya ginising ko siya pero ang loko, sinungit sungitan ako. Syempre ako naman, di papayag ng ganun since mabuting mamamayan ako kaya sinigawan ko siya at sinabihang ang pangit-pangit niya bago ako tumakbo palabas and that was when I met Rence." tulo-tuloy kong paliwanag at humingang malalim.
"Wew, haba nun ha. Ano, okay na?" tanong ko sa kanila.
"Wow really? I should've seen that." parang nanghihinayang na sabi ni Rence.
"Yeah."
"Vincent, the heartrob and a Carter, sinabihang ang pangit-pangit niya ng isang babae? His ego must be wrecked." nakangising sabi ni Jett
BINABASA MO ANG
The Rich Boy vs. The Scholar
RomanceHer: Siya ang spice sa buhay kong mas kupas pa sa damit niyang pinakaluma ayon sa kanya. Lagi niya akong binabadtrip sa kadiliman ng kanyang budhi. Lagi niyang pinapataas ang kilay ko sa kanyang kayabangan at kaarogantehan. Daig pa niya ang nanay ko...