Chapter 10

47 4 0
                                    

Rence's POV:


Andito ako ngayon sa mall kasama si AJ at Zane. Inaantay namin yung iba pang nilalang but well, mejo napaaga lang naman kami ng *tingin sa orasan* 23 minutes. Ayaw kasi naming mauna yung dalawang subject namin ngayon at mamiss ang mga kaabang abang na mangyayari pag nagkita sila.


Anyway, I'm Lawrence Chen but you can call me Rence. Ang pinakapogi sa barkada ^^ at may aaminin ako pero secret lang natin ha. Naging crush ko si Andria sa unang tingin ^^. Crush lang ha, crush at first sight. Ang ganda kasi at ang cute pag dumadaldal at naiinis kaya nga nung kinausap ako, nag feeling close agad ako. Haha, FC ba.


One more thing, di man halata pero I'm a good judge of character and I find her unique, true to herself ba, walang halong kaplastican at kaartehan kaya kinaibigan ko agad. Pati nga barkada, nagustuhan nila agad siya. Knowing them, they trust me fully when it comes to making friends. Alam nilang di ako basta basta nakikipaglapit sa ibang tao but Andria, she easily makes her way in our group. And I'm glad she did. Isa pa, sinapak niya si Vince. Hahaha, epic.


Back to reality, nasabi na din namin kay AJ yung balak namin mamaya at ang loko, tuwang tuwa. Pagdating talaga sa kalokohan. Tsk. Kaya ako nahahawa eh. Lakas ng virus ng dalawang to. :D


"Tol, anong oras na?" Tanong saken ni Zane.


*pok*


"Aray gago, ba't ka nambabatok?" masama ang tinging angil ni Zane kay AJ


"Eh kasi naman po bawat minuto yata, tinatanong mo ang oras. Nakakarindi ka na ha."


"Eh ang tagal naman kasi. Nababagot na ako."


"Gusto mong di mabagot?" Ako


"Bakit? Tatumbling ka? Cool."


"Tsk, wag na lang. Mabilib ka pa saken." Kinuha ko yung pitaka ko at naglabas ng isang libo.


"Aanhin ko to?" nakakunot noong tanong niya sa akin.


"Oy penge din ako." nakalahad ang kamay na sabad ni AJ pero tinapik ko lang.


"Kuripot mo talaga kaya nalulumot na yung baul mo eh." Ako


"Damot. Ba't mo siya binibigyan ng isang libo gayong isa ka ding dakilang kuripot?" AJ


"Generous kaya ako. Itong pera, bibili siya ng flowers and chocolates para kay Angel. Siguradong mawawala ang pagkabagot mo Zane pagdating na pagdating niya. Hahaha, dagdag kasayahan." nakangising sabi ko.


Pero binulsa lang niya yung pera at ngumisi.


"Salamat sa grasya."


"Pang ice cream natin maya." Bulong ni AJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rich Boy vs. The ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon