Chapter 3

128 15 0
                                    

Pagpasok namin sa canteen, tumingin agad ako sa mga gilid gilid para maghanap ng magandang pwesto. Mas may privacy kasi pag gilid.


"Rence!" narinig kong may tumatawag sa kasama ko. Tumingin ako kay Rence pero nakayuko pala siya sa cellphone niya at nagtetext ata.


"Hoy Lawrence Chen!" ulit ng tumatawag pero no pansin pa din siya. Hinanap ko yung tumatawag at nasa pinakadulo sila at lahat sila nakatingin sa amin.


"Hoy, tawag ka dun." kalabit ko sa kasama ko.


"Yaan mo silang magsawa sa kakatawag." sabi lang niya bago tinago ang cellphone niya.


"Kakain ka ba?" tanong niya sa akin.


"Hindi. Meryenda lang."


"Sige. Tara bili na tayo. Libre mo ako." sabi niya ng nakangiti.


"Ano ka sinuswerte? Ngayon lang tayo nagkakilala tas papalibre ka? No way. KKB tayo. Kanya kanyang bayad. Saka wala ka sa budget ko." sabi ko


"Hmmp. Damot."


"Whatevah." sabi ko lang bago naunang naglakad para bumili ng meryenda.


Napansin kong maraming tumitingin sa kanyang lalo na mga babae.


Well, can't blame them. Ang gwapo naman kasi talaga si Rence.


Pagkatapos naming bumili, nauna siyang naglakad papunta sa grupo na tumatawag sa kanya kanina.


"Wow! Nagpunta ka pa dito." angil ng lalaking naka red.


"Lumayas ka bingi!" sabi naman ng nakapolo shirt.


"Who are you?" sabi ng nag-iisang babae sa grupo nila. May isa pang lalaking naka brown highlight ang buhok niya pero nakangiti lang siya sa amin.


"Tahimik. I want world peace." sabi ni Rence habang nakahawak ang libreng kamay niya sa isang tainga niya. Napansin ko lang, ang gagawapo nila tas yung babae, mukhang sosyalin at mataray pero ang ganda di niya. Mukhang mga may-kaya din.


Malamang Ria, pang mayamang school tong paaralan na to. isip ng isip ko. xD


Pero nakaka OP sila ha tas nakatayo pa din kami ni Rence habang hawak-hawak ang tray ng meryenda namin. Gustong-gusto ko ng umalis kasi feeling ko, para akong ewan na nakatingin at nakikinig lang sa kanila pero finally, may pumansin din sa akin.


Thank you Lord! Nangangawit at naaasiwa na ako eh.


"Sino yang kasama mo?" tanong nung naka red kay Rence.


"Ahh, siya ba. She was a lost girl I found awhile ago. She doesn't know what and where she was headed that's why I took her with me." parang tangang sabi niya kaya siniko ko siya.

The Rich Boy vs. The ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon