Chapter 2

7 1 0
                                    

Mataas ang lagnat ni Ian. Kaya pala wala siyang ganang kumain nung umaga. Kung mas pinagtuunan ko siya nang pansin hindi ko na sana siya pinasok pa.

"Mama." Matamlay na tawag sa akin ni Ian. Namumula ang mukha niya at malamlam ang mga mata niya.

"Pasensya ka na, hindi ko mababantayan si Ian ngayong may lagnat siya. Baka kasi mahawa ang ibang mga bata." Abiso ng teacher niya.

"Naiintindihan ko. Salamat sa pag-alaga sa kanya."

Binuhat ko si Ian at isinukbit ang bag niya sa balikat ko. Tangging bike na may bangkinitong pang-angkas ang gamit namin bilang transportasyon. Mainam iyon para sa akin dahil exercise na, wala pang masyadong gastos. Alam kong hindi na gaanong komportable si Ian dahil kinalakihan na niya ang bangkinito at may mga araw na pati ang bata, tinitiis ang mainit na araw at malakas na ulan.

Gusto ko siyang bigyan ng mas magandang buhay. Kahit tatlo o apat na trabaho gagawin ko para sa kanya.

Malayo ang ospital mula sa child care. Hindi puwedeng sumakay si Ian sa bike nang ganoon katagal. Iiwan ko nalang muna ang bike sa restaurant at magta-taxi nalang kami papuntang ospital. Masyado nang malalim ang gabi para makahanap ng bukas na clinic na malapit sa amin.

Dinampi ko ang kamay ko sa noo ni Ian. Mainit na mainit na siya at mukhang matatagalan bago siya gumaling nang lubusan. Paano ko siya mababantayan kung kailangan kong pumasok sa trabaho bukas? Hindi ako puwedeng mag-absent. Hindi kaya ni Kuya Eddie mag-isa bukas.

Simula nang maghiwalay kami ng papa ni Ian ay wala na ring sumuporta sa akin sa side ng pamilya ko. Lumayo na rin kami sa kanila dahil ayokong kalakihan ni Ian ang magulong pamilya meron kami. Marami akong kakilala sa lugar namin pero wala akong maisip na maaasahan ko sa pag-alaga sa anak kong may sakit. Ano ng gagawin ko?

Tinignan ko si Ian. Siya lang talaga ang dahilan kung bakit ako nagsisikap mabuhay. Hindi ko siya puwedeng pabayaan nalang.

Isinakay ko siya sa bangkinito. "Humawak kang mabuti, Anak. Kaya mo ba?" Tumango siya kahit pa kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya. Sobrang sakit na makita na nagkakaganoon ang anak ko pero hindi ko dapat ipakita sa kanya na nahihirapan ako. Nilunok ko ang sakit na nararamdaman saka pinilit ngumiti. Tumalikod ako para punasan ang mga luha na pilit tumutulo kahit pigilan ko pa.

Nagulat nalang ako nang gumalaw ang bike na para bang may kumuha kay Ian. Pagtingin ko ay si buhat-buhat na ni Eugene ang bata.

"Sumama kayo sa akin. May kakilala akong makakatulong sa atin." Walang paalam ay naglakad si Eugene habang buhat ang anak kong nagtataka sa nangyayari. Sa sobrang tamlay ay hindi man lang niya magawang umiyak nang buhatin siya nang hindi kakilala.

"Eugene, sandali lang. Saan mo dadalhin ang anak ko?" Nilakad ko nalang at bike saka ko sila hinabol. Sandali siyang tumingin para tignan ako. Matalim ang mga mata niya nang tumitig siya sa akin. Sa tingin ko ay nag-aalala siya para sa anak ko.

"Huwag ka ng tumanggi. Nandito ako para tumulong sa inyo."

Pumasok kami sa isang condominium na hindi kalayuan sa child care. Hindi ko pa rin siya makausap nang maayos dahil ilang beses siyang tumatawag sa cellphone niya at laging may kausap. Sinigurado ko nalang na hindi matatakot si Ian sa nangyayari. Hawak kamay ko siyang sinamahan habang buhat siya ni Eugene.

"Hindi kita mabasa, Eugene. I owe you big time and this is just how you made me pay. This is too easy, man."

Kakatapos lang tignan ng doktor si Ian na siyang pinuntahan namin sa condominium na iyon. Mukhang matagal nang kilala ni Eugene ang doktor.

"Masarap makatulong, Doc. Lalo na kung si Ivy ang tinutulungan ko."

Tumingin ang doktor sa kanya na para bang may nalalaman sa iniisip ni Eugene. "Well, then thank you. Uminom tayo kapag hindi ka na busy." Tumayo ang doktor saka nakipag-hand shake kay Eugene.

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon