Chapter 11

8 2 0
                                    


Tatlong araw na puyat at pagod lang ang nararamdaman ng katawan ko. Hindi ko maalis sa isip ko kalagayan ni Ian. Kung kumain na ba siya o nakakatulog ba siya nang maayos o kung masaya ba siya. Sa bawat araw na pumapasok ako sa trabaho ay hindi ko maiwasan na marinig ulit sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Eugene.

Laki sa ampunan si Eugene kaya tagos sa buto ang lahat ng sinabi niya. Sa lahat ng tao ay siya lang ang nakaalam ng pakiramdam ng maiwan ng magulang. Mukhang nasaktan ko rin siya nangyari.

Maagang natapos ang trabaho dahil halos walang tao dahil sa pagbubukas ng amusement park sa kabilang bayan. Maaga rin akong nakapaghanda para makauwi.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Kumatok sa staff room si Chef C. Akma namang tapos na akong magpalit ng damit.

"Naibalik ko na ang jacket ni Eugene."

"Salamat at sorry rin sa dami ng problemang ginagawa ko. Nadamay pa kita."

Pinitik niya ang ilong ko. "Nagtampo lang ako na hindi mo 'ko nilapitan sa problema mo. Alam mo namang kapatid na turing ko sa 'yo."

Masuwerte pa rin ako kahit pa paano dahil kina Chef C at Kuya Eddie. Napapagaan nila ang loob ko kahit pa paano.

"Nakausap mo na ba si Ian?"

Sasagot na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan no Greg. Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ang dibdib ko.

Unang salita palang ni Greg ay halos gumuho ang mundo ko. "Nawawala si Ian."

Paulit-ulit na pumasok ang mga salitang iyon sa isip ko na halos mahilo ako. Nanghina ako dahilan kung bakit nabitawan ko ang cellphone ko. Inalalayan ako ni Chef C at ni-loud speaker niya ang tawag.

"Dinala namin ang mga bata sa bagong bukas na park. Binilhan lang namin ng laruin si Yumi pagtingin ko, wala na si Ian."

"N-nag-report na ba kayo sa pulis?" Nanginginginig ang panga ko. Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit nawawala ang anak ko. Hinyaan ko siyang mapunta sa Papa niya at ngayon, nawawala siya. Paano nalang kung may masamang mangyari sa kanya?

"Nakapag-report na kami at pinaghahanap na siya ng mga pulis. Tawagan mo ako kung sakaling umuwi siya sa inyo."

Unang pumasok sa isip ko na kung uuwi siya sa amin ay tiyak na kay Eugene siya pupunta. Nagmadali akong pumunta sa condo unit ni Eugene. Nangako rin si Chef C na mag-iikot siya para hanapin si Ian.

Ilang beses akong kumatok. Hindi ako tumigil hanggang walang sumasagot.

"Si Ian? Pumunta ba rito? Nandyan ba siya?" Hingal kong tanong.

"Paano naman siya mapupunta rito kung nandoon siya sa Papa niya. Teka. May problema ba?"

"Nawawala si Ian. Isinama siya sa amusement park tapos bigla nalang daw siyang nawala." Para akong matutumba. Umiikot ang paningin ko sa labis na pag-aalala. "Paano nalang kung na-kidnapped siya? Kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat siya binitawan."

I'm on the verge of breaking down when I felt his arms surrounded me. All of a sudden, I felt home.

"Kumalma ka. Sa mga araw na nakasama ko si Ian. Isa lang ang masisigurado ko sa 'yo. Matalino siyang bata. Malay mo, baka pauwi na iyon dito."

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at yumakap ako sa kanya. Binuhos ko ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko. Ang hirap palang mag-isa. Hindi ko pala kaya. Hinayaan niya akong umiyak hanggang sa magkalma ako.

"Mas mabuting hanapin natin siya kaysa sa maghintay nalang. Sa park ako pupunta at hahanapin ko na rin siya sa mga tindahan na pinuntahan namin. Ikaw, hanapin mo rin siya sa mga lugar na madalas ninyong puntahan. Okay ba 'yon?"

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon