Chapter 3

7 1 0
                                    

"Wala ka namang ibang ginagawa kundi alagaan si Ian. Nagtatrabaho ka ba? May pera ka bang ambag sa gastusin natin?"

Iyak ako nang iyak. Hindi ko na matiis ang panduduro ni Greg sa tuwing mag-aaway kami.

"Wala nga! Pero huwag mong maliitin ang ginagawa ko sa bahay. Inaasikaso ko pati pamilya mo. Konting pagmamalasakit lang ang hinihingi ko sa 'yo pero paano mo sinuklian? Sa pakikipaglandian sa katrabaho mo!"

"Ayoko na, Ivy. Hindi na titino yang utak mo. Umalis ka na. At huwag na huwag mong dadalhin ang anak ko. Wala kang kakayahang buhayin siya."

Bumalik lahat ng away namin ni Greg dahil sa eskandalo ng isang costumer na nahuling may kasamang ibang babae. Dalawang taon na ang nakakaraan nang mangyari iyon. Lahat ginawa ko para sa akin mapunta si Ian. Buti nalang at may tumulong sa akin na tanod sa karapatan ko bilang ina. Napakabata pa ni Ian para maintindihan ang nangyari noon.

May mga pagkakataong nagtatanong siya kung bakit hindi na namin nakakasama ang tatay niya sa bahay. Hindi ko pa lubusang naipapaliwanag sa kanya pero alam niyang hindi na uuwi ang tatay niya sa amin kahit kailan.

Masakit ang nangyari pero mas nasasaktan ako para sa anak ko. Wala siyang ama. Kawawa ang tingin sa kanya ng marami. May nagsabi na rin sa akin na kaya raw lumalaking tikom ang bibig ng anak ko ay dahil wala siyang ama. Wala raw siyang nakikitang father figure na gagayahin niya. Masakit na marinig ang lahat ng iyon pero nilulunok ko nalang.

Walang tigil ang pawis ko sa pagtulo at nakakaramdam na naman ako ng init. Napagod ako sa sobrang dami ng tao.

"Umuwi ka na. Kaya na namin maglinis at magsara rito." Sumulpot si Chef C sa likuran ko. Hindi ko alam kung kanina pa siya nandoon.

"Masyadong marami ang lilinisin n'yo. Kaya ko pa naman." Sa bigla kong paglingon sa kanya ay para akong nakakita ng kislap sa mata.

"Kaya na namin. Huwag ka ng makulit."

Dumating si Kuya Eddie dala ang mga gamit ko. "Heto na, Chef. Yan na lahat ng gamit niya."

Inalis ko ang apron ko at inabot ang mga gamit ko. Tinanggap ko na ang offer nila na umuwi nang maaga kahit pa nakakahiya na hindi na ako makakatulong sa paglilinis. Kapag si Chef C ang nagsabi talagang mapipilitan akong sumunod.

"Ivy, huwag ka papabola sa Eugene na 'yon. Wala akong tiwala sa mukha n'on."

Ngumiti nalang ako. Hindi rin naman siya makikinig kahit na ipagtanggol ko si Eugene. Tumango ako saka na umalis.

Halos ala-una ng madaling araw na rin pala. Hindi ko na napansin ang oras. Kaya naman pala pagod na pagod ako. Dinatnan kong bukas pa ang ilaw sa condo unit ni Eugene.

"Welcome home." Pagbati niya sa akin pagbukas ng pinto.

"Gising pa ba si Ian?"

"Tulog na siya. Nakakain na siya nang madami kanina at napainom ko na rin ng gamot."

Sandali kong sinilip si Ian na mahimbing na ang tulog. Napansin kong nakatupi na ang mga damit na pinagpalitan namin. Ngayon ko palang sana aayusin ang mga iyon.

"Coffee?"

Dala-dala na ni Eugene ang kape kaya kinuha ko na.

"Nilabhan mo ba mga damit namin?"

Ngumiti siya matapos uminom ng kape. "Oo. I hope you don't mind. Para agad ka ng makapagpahinga pagkatapos ng trabaho mo."

"S-salamat."

Hindi ko inaasahan na maging sa ganoon bagay ay tutulungan niya ako. Sobra-sobra na ang kabaitan niya sa amin. Ayokong isipin niyang sumasandal nalang ako sa kanya. Kailangan ko ng makagawa ng paraan para makauwi na kami ni Ian.

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon