Chapter 5

9 1 0
                                    

Mas maayos na ang pakiramdam ko kinabukasan. Masakit pa rin ang katawan pero mabababa nalang ang lagnat ko. Nagawa ko ng magising at mahilamusan ang anak ko.

Tulad ng mga nakaraang araw si Eugene ang nagluto ng pagkain para sa amin. Kahit anong pilit kong tumulong ay ayaw niya.

Bagama't bumubuti na ang kondisyon ko ay hindi ko pa rin malasahan ang pagkain. Pero dahil sa kagustuhan kong gumaling na ay pinilit kong maubos ang pagkain ko.

"Baka naman mabigla yang tiyan mo at magsuka ka. I can see you're forcing yourself." Hindi ko alam na pinagmamasdan pala ako ni Eugene.

"Para gumaling ako agad. Sobra-sobra na ang hiya ko sa 'yo sa pagpapatira mo sa amin dito. Ayoko ng makaistorbo pa."

Iinom dapat siya ng kape pero natigilan siya at ibinaba niya uli ang tasa sa mesa. "Dito nalang kayo tumira."

Isa sa mga bagay na nadiskubre ko kay Eugene ay yung masyadong siyang mabait para sa isang playboy.

"Yang mga ganyang bagay pinag-iisipan nang mabuti." Diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Pinag-isipan ko namang mabuti iyon. Una, mapapadali ang lahat para sa inyong mag-ina. Pangalawa, masaya ako kapag nandito si Ian. Pangatlo, masaya ako kapag kasama kita."

"Happy!" Sigaw ni Ian sabay pa sa pagtayo niya sa upuan at pagsayaw.

Pareho kaming napangiti ni Eugene sa ginawang iyon ni Ian. Tapos ng kumain si Ian kaya inutusan ko ng mag toothbrush. Medyo lumalalim ang usapan namin ni Eugene at ayokong marinig ni Ian iyon.

"Ilang araw palang kami rito kaya wala pang gaanong problema. Isa, dalawang buwan gugulo ang mundo mo." Walang pagdadalawang isip ay agad na sumagot si Eugene.

"Alam ko." Saka siya ngumiti.

Gusto ko pang ipaliwanag sa kanya na hindi dapat siya pabigla-bigla kung magdesisyon lalo na kung pagpapatira ng ibang tao sa bahay niya ang pinag-uusapan. Pero bumalik si Ian at hinila si Eugene papalabas ng bahay para bumili ng ice cream. Ilang araw palang kaming magkakasama pero na-spoil na niya agad ang anak ko.

Babalik na sana ako sa higaan matapos nakapagligpit ng pinagkainan namin nang masilip ko ang entrance ng restaurant mula sa bintana. Nakakamiss magtrabaho. Kamusta na kaya sila? Hinawi ko ang kurtina para sumilip. Maraming ng taong naghihintay sa pagbubukas. Siguradong aligaga ang dalawa.

Kaunting pagligpit lang ang ginawa ko pero naramdaman kong bumigat ang katawan ko kaya nagdesisyon akong humiga at magpahinga. Ngayon ko nalang ulit naramdaman iyong maraming oras para magpahinga. Pero dahil nasanay na akong may ginagawa ay nabuburyo naman ako.

Ilang saglit lang narinig ko bumukas ang main door.

Nakabalik na sila agad.

Hinintay kong bumukas ang pinto ng kwarto. Alam kong magiging magiliw na naman ang anak ko dahil sa pang-iispoil ni Eugene. Pero nang bumukas ang pinto ay babae ang bumungad sa akin.

"Oh shit! Sorry." Nataranta ang babae at akma nang tatalikod at aalis.

Tinignan kong mabuti ang mukha niya dahil namumukaan ko siya.

"Sandali! 'Di ba ikaw si Lea." Bumalik siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Nagtataka kung bakit kilala ko siya.

"Nagtatrabaho ako sa restaurant diyan sa tapat." Umupo ako para maayos siyang makausap.

Tinitigan niya ako na para bang may malalim siyang iniisip. "I remember you. Wait. I thought Euge was dating someone from the office, from the resto pala."

Dating?

"H-hindi kami nagda-date. Tinutulungan niya ako. Mahabang kuwento."

Tumango-tango siya pero alam kong may iba pa siyang iniisip. "So, there is nothing going on between the two of you? You know what I mean."

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon