Chapter 6

8 2 0
                                    


Sa ilang araw kong pagtira kasama si Eugene. Nagbago ang tingin ko sa kanya. Hindi na playboy o chick magnet ang nakikita ko sa tuwing titignan ko siya kundi mabait, maalaga, at reponsableng tao na. Sa kabila ng paglaki niya nang walang mga magulang ay lumaki siyang mabuting tao. Gayunpaman, parang may pumipigil pa rin sa kanya.

Mas mabuti na ang pakiramdam ko kaya nakatayo na ako nakapaglinis sa kusina. Maging mga damit na nakasampay ay nakuha at itinutupi ko na.

"Maayos na ba pakiramdam mo?"

Sandali akong natigilan sa pagtutupi nang makita ko ang bagong gising na si Eugene. Madalas kasi nauuna pa siyang gumising sa akin kaya hindi ko inaasahan ang nakita. Naging mas maamo pala ang mukha niya kapag hindi niya suot ang salamin niya. Bagong hilamos man ay tuyo pa rin ang mga labi niya na hinahawak-hawakan pa niya. Something in me changed since last night and so far, I'm not liking it.

Tumango nalang ako nang mapansin kong hinihintay pa rin pala niya ang sagot ko. "Tulungan na kita para agad kang matapos. Hindi kapa magaling, pagaling palang."

Hindi ko inaasahan na sa isang lalaking tulad niya ay magaling siya sa mga gawaing bahay. Siguro natutunan niya habang lumalaki sa ampunan. Mabilis kaming natapos sa mga damit na itinutupi.

Maayos na ang pakiramdam ko at bilang pagtupad sa usapan namin, balak kong umuwi na. Tumingala ako sa kanya at tumitig. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan magpaalam.

"Dito nalang kayo tumira." As if a mind reader, alam ni Eugene ang nasa isip ko. "Malapit dito ang trabaho mo, mas malapit din sa child care, at malapit ang ospital at iba pang lugar."

I stuttered. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayoko ng umasa sa kanya. Ayoko ng abalahin pa siya.

"Ako na magsusundo kay Ian para pag-uwi mo, magkakasama tayong maghahapunan." He was eager to make us stay.

"Hindi madaling pagdesisyonan ang ganyang bagay, Eugene."

"Paano ba magiging madali?" Yumuko siya sandali at mukhang nag-isip. Ayaw talaga niya kaming paalisin. "Be my girlfriend then." He got excited with his idea but quickly took it back.

"Nagpapasalamat ako sa 'yo sa lahat ng kabaitan ipinakita mo sa amin. Alam ko na alam mo na hindi madali yang gusto mo." Tila natauhan siya sa sinabi ko. Ngumiti siya para pagtakpan ang hiya niya.

"Well, I guess I have no choice but to tell you the real reason." He was avoiding my eyes. "Nakakalungkot din kasi minsan ang mag-isa." Ngumiti siya sandali pero agad ring nawala. "Kaya sana pag-isipan mo."

I don't want to give him false hope. Hindi niya deserve na paasahin sa wala. "Uuwi na kami bukas kung hindi na ako lalagnatin pa."

He looked at me and waited for me to say something again. Para bang hinihintay niya na bawiin ko ang sinabi ko. But I was sure with my decision. He smiled again.

"Kung 'yan ang decision mo, irerespeto ko."

Pinaghanda ko ng baon si Ian dahil papasok na uli siya sa child care. Ginawan ko na rin ng makakain si Eugene sa opisina. Ako nalang sana ang maghahatid kay Ian pero pinilit ni Eugene na kailangan ko pang magpahinga. Pumayag na ako dahil on the way naman ang child care papuntang trabaho niya.

"Heto baon mo anak. Huwag masyadong malikot at baka mabalikan ka ng lagnat." Inabot ko ang baonan niya na masaya niyang kinuha.

"Eugene, I made this. Sana kainin mo." Mukhang hindi niya inasahan na pati siya ay ipinaghanda ko ng baon. It took a few seconds bago niya kinuha ang baonan.

"Wala na bang ibang pabaon? Baka may nakalimutan ka pa." Itinuro niya ang pisngi niya. Humagikgik naman si Ian at ginaya siya.

"Syempre may kiss para sa anak ko." Humalik ako sa pisngi niya. Wala na dapat ako gagawin pero hinihintay niya ang kiss ko para kay Eugene.

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon