Chapter 12

6 1 0
                                    


"Was I too much?"

His face was red and he was sweating. Kitang-kita ko sa mata niya na tama ang nasa isip ko.

"Ah? H-hindi. Teka lang. Please." Gulong-gulo ang utak ko. I'm not hating him but not loving what was happening at the same time. Parang ang bilis lang. Sobrang bilis.

"Are you gonna ask me to stop?"

I couldn't answer. I admit, I was having second thoughts. But this dirty thing is stucked in my head now. Ang hirap pigilan.

Tumalikod ako sa kanya. Ilang beses akong huminga nang malalim. I battled with my own mind and body. Not having a definite answer, I faced him again. Pikit ang mga mata niya at mukhang maging siya ay nagpapakalma ng sarili.

I wanted until he was ready to see me. "Kahit kailan, hindi ako nahindian. Ikaw lang. I'm quite suprised myself. You can tame even that beast in me."

He is really making me feel special.

"S-sorry."

"Don't say that. Kaya kong maghintay para sa 'yo."

Then suddenly my phone on the table vibrated. Message mula kay Greg.

"Sino 'yan? Si Greg ba?" Tumango ako.

"Susunduin daw nila bukas si Ian. Anong sasabihin ko?" Kung ano lang ang nagdedesisyon, baka umoo nalang ako tulad noong una.

"Haharapin natin sila. Kakausapin natin sila dito sa unit ko."

I couldn't move. Biglang pumasok sa isip ko ang mga pagkakataon noon na nag-aaway kami ni Greg. Sa sobrang galit niya, naninira siya ng mga gamit na halos mataamaan na ako. Fear started to sink in all over again.

"Huwag kang matakot. Samahan mo lang ako. Ako na bahala sa lahat."

Just like I said, I trusted him.

Hindi pumasok sa trabaho si Eugene at nakiusap naman ako kay Kuya Eddie na hayaan muna ang mga bata sa shop para makausap naming maayos sina Greg.

"Hindi na ako magpapaligoy pa. Greg, gusto kong sa akin lumaki si Ian." I was squeezing my hand to stop myself from backing out.

"Binabawi mo siya? That was just one mistake. Actually, it was his mistake. Malinaw na sinabi ko sa kanya na huwag siyang aalis but he did." May inis sa tono ng babae dahilan upang magsalita si Eugene.

"Masuwerte kayo dahil walang nangyaring masama sa kanya. Pero nagpabaya pa rin kayo. And to hear that you blame a child for what happened is just really unbelieveable." Uminit din ang ulo ko dahil sa paninisi ng babae kay Ian.

"Tumigil ka." Sinuway ni Greg ang fiancee niya. "It was my fault. Hindi ako nakatutok sa kanya. I'm sorry."

"If you really cared about him. Kagabi pa pumunta ka na to check his wellfare but you didn't."

Eugene is really helping me. Kung ako lang wala na akong nasabi at tiyak na nakuha na nilang muli si Ian. Mabuti nalang at nandito si Eugene.

"Gusto mong palakihin si Ian nang mag-isa. Alam kong hirap sa buhay ngayon. Pati ba naman ang bata gusto mong idamay? Mas secured ang buhay ni Ian sa amin. I won't risk his future with you." Pagmamatigas ni Greg.

"Hindi lang security ng future ni Ian ang pinag-uusapan dito. Did your new family really accepted him just like that? Did you know about this?" Nilabas ni Eugene ang sirang laruan ni Ian mula sa lapis na binigay niya.

"T-they're just kids. Naglalaro lang sila." Sabat ng babae.

"Hindi lang sila basta mga bata. Ian has feelings too."

Alam kong sinabi ni Eugene na siya na ang bahala sa pagsasalita basta mag-stay lang ako sa tabi niya, gagawin niya lahat. Pero hindi ko hahayaang harapin niya ang problema naming iyon nang mag-isa.

"Ang sabi ko, gusto kong palakihin si Ian nang mag-isa. I was wrong." Nagtinginan ang dalawa. Akala ata nila nagbago ang isip ko. I looked at Eugene and held his hand. "Gusto kong palakihin si Ian kasama si Eugene."

"Sabi ko na nga ba't you're that Eugene everyone is talking about. Abot hanggang kabilang bayan ang reputasyon mo." Greg was confident with what he knows. "Having him just made it worst for you, Ivy. Wala siyang matinong ipapakita sa anak ko."

"Tapos na ang usapan. We're leaving."

Tumayo si Greg at sumunod naman ang kasama niya. The front door opened at nandoon sina Chef C at Kuya Eddie dala ang dalawang bata.

"Isama niyo ang mga bata sa usapan. Ian is the only key to solve your problem. Sige na Ian, sabihin mo na kung sino ang gusto mong makasama sa kanilang lahat."

Hindi ko alam kung anong nangyari habang nasa shop ang mga bata. Hindi ko rin alam kung paano na-handle ni Chef C gayong sa pagkakaalam ko, ayaw niya sa mga bata lalo na sa mga matitigas ang ulo.

Hindi nakasagot si Ian. Chef C knew that pressuring him won't do good.

"Hoy! Ikaw! Hindi pa ba sapat na may anak ka na sa iba. Gusto mo pang kunin si Ian gayong pinabayaan mo na siya noon palang," sabi ni Chef C kay Greg. Nakita kong nag-kamao si Greg at pinigilan lang siya ng fiance niya.

"At ikaw naman, hindi madaling magmahal ng hindi ko anak. Makakaya mo man, unfair pa rin para sa hindi mo dugo."

Natahimik kaming lahat at nakinig kay Chef C parang mga batang pinapagalitan ng tatay.

"Walang kwenta 'tong pinagaawayan ninyo dahil hindi n'yo man lang tinanong ang mga bata. Alam naman nila ang sagot sa problema ninyo noong una palang."

We included the children in the discussion. Tama si Chef C. Alam ng mga bata ang sagot. Their child didn't wanted a brother. Sinadya rin daw niyang sirain ang laruan ni Ian. Hindi naman siya mukhang pasaway na bata. Hindi lang siguro maayos na naipaliwanag sa kanya ang nangyayari.

I talked to Ian. He was hesitant at first but when he looked at Chef C. He started to talk.

"I love Papa but I want Mama."

Wala ng mas maliwanag pa sa sinabi ni Ian. Yumakap siya nang mahigpit sa akin habang umiiyak. Greg and I decided to make arrangements for them to have time together and that would be during the summer break.

Hinayaan ko si Greg na samahan si Ian sa kwarto para patulugin. Habang ang isa niyang anak ay bumaba kasama ang nanay. Eugene gave us time to talk privately. Marahang lumabas si Greg sa kwarto nang makatulog na si Ian.

"Salamat sa pagpayag na sa akin lumaki si Ian." I handed him his jacket.

"Mahirap para sa akin 'yon pero nagdesisyon na si Ian. Masakit pa lang makita na napalitan na ako bilang ama niya." His dedication as a father didn't changed after all.

"You will always be his father."

"One of his fathers. Look Ivy, hindi ko sinadya kanina na sabihing masamang tao si Eugene. I think he is a good man and he will be a good father for Ian."

For the second time, we parted ways. But this one is different. It felt right. Everything indeed fell into their right places.

You Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon