CHAP 16

39.7K 886 63
                                    

"Impressive." I chuckled dryly. "As far as I know, Zachary, I am doing all of this shit because of the things you did to me."

"Is it your ego talking? Hindi mo matanggap na ikakasal ako sa kapatid mo?" he said mockingly. "You even stoop this low to ruin us?" Disgust was evident on his face.

Wala sa sarili akong napatitig sa kaniya. Hindi ko akalain na talagang ibang tao ang nakarelasyon ko noon. He used to be compassionate and thoughtful in his speech, but it turned out he was the opposite of all that.

How dare he say that in front of me?

Bago pa man bumagsak ang namumuo kong luha ay tinalikuran ko siya. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit at sama ng loob. May parte sa puso ko na nasasaktan, hindi para sa sarili ko kundi sa nawala kong anak. Hindi ko matanggap na para bang ipinararating niya na napakababaw ng rason ko para gumanti sa kaniya—sa kanila—dahil lang sa pinatay nila ang anak ko.

Nanginginig kong nilakad ang daan palabas ng bahay. Tila bigla akong naubusan ng lakas sa halo-halong emosyon. Gusto kong makalayo sa kaniya, pero hindi pa man ako nakakalabas ng bakuran ng bahay ay muli akong umangat sa ere. Agad na tumama ang paningin ko sa walang emosyong mukha ni Zachary habang pangko-pangko niya ako.

"You can't get away from me," he said coldly.

Iniiwas ko ang aking paningin. Gustuhin ko mang magpumiglas ay hindi ko magawa dahil hawak ko ang kuting. Napapagod na rin akong makipagtalo kaya naman hindi ko na sinubukang magsalita.

"Oh, hijo! Ano'ng nangyari?" bungad sa amin ni Nanay Victoria nang pumasok kami sa loob.

Ibinaling ko ang aking ulo sa dibdib ni Zachary. Wala akong lakas para ngumiti sa kaniya o makipagsabayan sa trip ng kasama ko. Natigilan ako nang maramdaman ang pagkabig niya sa akin—lalo akong idinidikit sa katawan niya.

"Wala, Nay. Nagtampo lang po ang asawa ko. Nagpapalambing," tugon niya.

I tsked in the back of my mind. He's really a pro at lying. Hindi na ako nagtataka na napaikot niya ako noon.

He deserves an Oscar award.

Natawa naman ang matanda at pabirong hinampas si Zachary sa braso. "Naku! Ikaw talaga. Inasar mo siguro ang asawa mo. Hindi mo ba alam na mas sensitibo ang mga buntis? Sige ka, mamaya bigla na lamang iyang umiyak."

Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa narinig. May guwang akong naramdaman sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Inggit? Dismaya? Panghihinayang? O baka ang lahat ng iyon?

Back then, I just got a chance to bear my baby for a few weeks. Hindi ko naranasan na magbuntis ng siyam na buwan. Hindi ko naramdaman ang paghihirap at kasiyahan ng pagiging buntis sa mga panahong dapat nakalaan sa akin. Lahat 'yon . . . ipinagkait sa akin.

"Sige na. Pumanhik na kayo sa itaas nang makapahinga kayo, magluluto lang muna ako bago ko ulit kayo tawagin para bumaba," ani Nanay Victoria.

Tumango si Zachary at nagpasalamat sa ginang. Tahimik niyang nilakad ang hagdanan habang karga ako sa mga bisig niya. Nang makarating na kami sa ikalawang palapag ay isang silid ang binuksan niya.

"Put me down," mahinang sambit ko na binewala niya.

Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa makalapit kami sa isang kama. Gawa iyon sa kawayan at may foam sa ibabaw na nagsisilbing higaan. Marahan niya akong inihiga roon. Natigilan pa ako nang hindi siya agad lumayo sa akin. Magkabilang nakatuon ang mga kamay niya sa katawan ko habang bahagya namang nakayuko ang kaniyang ulo.

Seryoso niya akong pinagmasdan. Wala sa sarili akong napalunok nang tinunton ng mga mata niya ang bawat sulok ng mukha ko. Natigil lang iyon nang gumawa ng munting ingay ang kuting na nasa ibabaw ng tiyan ko.

He finally stood up properly. His attention—even mine—was already there. She's currently purring on my belly. Her little head tilted slightly while looking at me before letting out a meow.

Hindi ko napigilan na mapangiti. Sa isang iglap ay gumaan ang loob ko habang nakikita ang paglalaro niya sa ibabaw ng tiyan ko. She looked soft and delicate.

I caught my breath when I felt Zachary's hand on my stomach when he tried to stroke the kitten. He petted, Angel. She whirled around his hand like she wanted to play with him.

"Consider this as a vacation," he spoke lowly, still busy with the kitten.

Mabilis na nabura ang ngiti ko. I know he's talking to me. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang kuting upang itabi sa gilid ko. Tinalikuran ko siya.

Vacation in hell?

Sa pagkakaalam ko sa bakasyon, masaya at nakakapagpahinga. Imposibleng maramdaman ko iyon habang kasama ang demonyong tulad niya. Paniguradong galit at stress lang ang makukuha ko sa araw-araw.

"Don't worry, you won't see me often. I'll be just checking on you twice to three times a week," he added.

Natigilan naman ako roon. May parte sa akin na nakahinga nang bahagya. Hindi ko pa rin siya inimikan, sa halip ay ipinikit ko ang aking mga mata upang iparating sa kaniya na wala akong pakialam.

I heard him heaved a deep breath. Mayamaya pa ay narinig ko ang mga yabag niya palabas ng silid kasabay ang pagsara ng pinto. Doon ko pa lang iminulat ang mga mata ko at saglit na sinilip ang pintuan.

I will stay here, not because I will follow his demands. Titiisin ko lang ang isang buwan para mas lalong sirain ang buhay niya. I brought this on myself? Well, he brought his downfall, too.

Bumangon ako at umupo sa kama. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Hindi iyon malaki, ngunit hindi rin naman maliit. Sapat lang para sa dalawa hanggang tatlong katao. Wala ring ibang gamit bukod sa kama, built in cabinets, at night stand sa gilid.

Napatampal na lamang ako sa huli nang mapagtantong wala akong dalang gamit. Naiwan sa sasakyan ko ang aking bag at cellphone. Napalingon ako sa kuting nang simulan niyang kagat-kagatin ang cover ng kama. Napangiti akong muli at saka siya hinaplos.

"Hindi bale na, nadala naman kita," bulong na sambit ko.

Padapa akong humiga at saka siya nilaro. Her paws were trying to catch my fingers, which are now tapping over the bedsheet. Napahagikhik ako nang subukan niya akong kagatin.

Ilang minuto ko pa siyang nilaro hanggang sa mapagod siya at makatulog. Nakaramdam din naman ako ng antok kaya saglit din akong napaidlip. Naalimpungatan lamang ako nang makarinig ng ingay. Hindi ako nagmulat ng mga mata, pinakiramdaman ko muna ang paligid.

"Calm down, Eunice. We'll talk when I get back. May mga inaayos lang muna ako rito," rinig kong sambit ni Zachary.

At first, I thought Eunice was with us too. But when Zachary spoke again, I found out that he was talking on his phone.

"I just need my baby; that's why I'm with her."

Marahan akong dumilat nang marinig iyon.

Now, he needs a baby from me because his fiancee can't give it to him easily. What a shame.

Agad nagtama ang paningin naming dalawa. Nakatayo siya sa kabilang gilid ng kama paharap sa akin. Walang emosyon ang mukha niya gano'n na rin ako. Ilang minuto kaming nagtitigan.

Slowly, my side lip rose. "Even if you kneel in front of me, you will never have my child, Zachary."

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon