CHAP 38

31.6K 760 24
                                    

I used to believe there was nothing more agonizing than what I went through, but now I'm being forced to feel it twice as much. It's been two days since I found out about the deaths of my pet kitten and my unborn child, but I still don't know how to accept it. I felt like I was losing my mind.

Angel suffered a deadly wound that resulted in significant bleeding before she passed away. Unfortunately, I dropped her after getting hit on the head, and a shard of glass punctured her chest. While I lost my baby because my body was weak and I was under a lot of stress, I also had to be injected with some drugs.

Wala sa sarili akong napahawak sa impis kong tiyan habang tulalang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit: mawalan ng anak na alam mong dinadala mo o mawalan nang hindi mo man lang nalalaman na may buhay pa lang namumuo sa loob ng katawan mo. Napabuntonghininga ako at pilit na nilunok ang sakit na nagbabara sa aking lalamunan. Gusto kong umiyak, pero parang pagod na pagod ang mga mata ko. Tila kahit ang mga iyon ay namamanhid na at hindi na alam kung paano magpa-function.

Bumalik kami ni Zachary sa bahay ni Nanay Victoria, dito niya napagdesisyunang umuwi para daw dalawa sila na pwedeng umalalay sa akin. Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang i-priority sa mga oras na ito kahit pa kinakargo niya rin ang sakit na nararamdaman ko. Sa ilang araw na na-admit ako noon, kitang-kita ko kung paano siya palihim na nawasak sa pagkawala ng anak namin. Hindi na rin ako magtataka kung alam ni Aireen ang nangyari dahil binisita niya rin ako noon. Ako lang talaga ang naiwang walang alam at naiintindihan ko kung bakit nila iyon nagawang itago sa akin.

Siguro . . . siguro kung nalaman ko agad ang totoo, baka nabaliw na ako at nagdesisyong tapusin ang buhay ko. Hindi ko na maiisip pa ang mga taong nanakit sa akin, sa amin. Gugustuhin ko na lang samahan ang mga anak ko, tuluyan na akong bibitiw at susuko. May kaunti mang sama ng loob sa dibdib ko ay ipinagpapasalamat ko pa rin ang paglilihim niya. Kung hindi niya ginawa iyon ay hindi ko makikita na may taong nakaalalay sa akin. Na sa kabila ng pagkawasak niya, ako ang ginawa niyang rason para lumaban. 

Isang katok ang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Kasabay ng paglingon ko sa pintuan ay ang marahang pagpasok ni Zachary sa loob ng silid na tinutuluyan namin. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala mang salita na lumalabas sa mga bibig namin ay sapat na ang mga mata namin para iparamdam na pareho kaming nasasaktan.

Umupo siya sa gilid ko saka ginaya ang pagtanaw ko sa bintana. "May mga gamot ka pa ba?" mahinang tanong niya pagkatapos ng ilang segundong pananahimik.

Alam ko kung anong klase ng gamot ang tinutukoy niya.

Wala sa sarili akong napatitig sa mukha niya dahilan para marahan niya akong lingunin. "You know we have no future together, but you still love me . . . you still want me . . ." sambit ko imbes na sagutin siya.

Unti-unting namungay ang mga mata niya na mapait ko namang nginitian. "Ikaw, Zach? Nakumusta mo na ba ang sarili mo?" patuloy ko pa.

"I'm . . . I'm okay," tila hindi sigurado sa sagot niya. "Don't mind me."

"Do you think I'll be fine if you don't take care of yourself?" Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "I'm not the only one who needs healing, Zach; you need it too." 

Hindi naman siya agad nakasagot. Mas lalo lamang pumungay ang mga mata niya sa lungkot saka napailing. Ayon na naman ang pagdadamot niya sa sarili na maging maayos.

"Thelmo," tipid kong ani saka bahagyang tumingala sa kisame, naramdaman ko naman ang paninitig niya—naghihintay sa idurugtong ko. "Let's make an appointment with him."

I felt him shift in his seat. "A-Are you sure?" he stuttered. "I mean, are you ready for that? You're not doing this because of me, right?" he asked one after another.

Nilingon ko naman siyang muli. Bahagyang nanlalaki ang mga mata niya at nakaawang pa ang kaniyang bibig, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko. Tipid ko siyang nginitian.

"Zach, why do you think I came back here with you when I could have left?" I asked slowly. "It's because I know, deep inside my heart, that only you can fully understand the pain I feel. Maybe at this time I'm looking for sympathy. I'm afraid to be alone because I feel like I'm going crazy. I know we are both hurting, but you are still the one I can hold on to in these times, and I want to do the same for you. I also want you to lean on me."

"A-Atasha . . ." hindi makapaniwalang bulaslas niya habang masuyong nakatingin sa akin.

"Siguro nga hindi na maibabalik ang pagmamahalan nating dalawa katulad ng dati, pero mga magulang tayo ng mga anak nating nawala. Hindi natin pwedeng hangarin ang hustisya at harapin ang mga taong nagkasala sa atin kung pareho tayong wasak." Huminga ako nang malalim at itinuong muli ang atensyon sa kisame. "I've been there. Dala ang galit sa dibdib ko, binalikan ko kayong lahat. Siguro nga unti-unti kong nakuha ang paghihiganti na gusto ko, pero ayaw ko mang aminin . . . naubos ako."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. 

"Para akong naglalakad sa isang daan na puno ng tinik habang nakayapak. Sa paglayo nang nararating ko, sa pagdami at pagbaon pa lalo ng mga tinik sa mga paa ko." Tipid akong ngumiti. "Gano'n ako binulag ng galit ko, na pinilit kong saktan ang sarili ko kahit pwede ko namang palisin ang mga iyon para makadaan ako nang maayos."

Hindi ko alam kung naiintindihan ba ni Zachary ang sinasabi ko. Ginamit ko na lang ang katahimikang namuo sa pagitan namin upang ikalma ang loob ko. Kailangan niya ako para makabangong muli at kailangan ko rin siya para malampasan ko ang lahat ng ito. 

"I'll talk to him. I will set an appointment," pagbasag niya sa katahimikan.

Tiningnan ko naman siya. Sa unang pagkakataon, sa kabila ng matinding sakit sa mga mata niya, ay nakitaan ko siya ng saglit na pagkalma. Na tila ba nagdala ako ng munting liwanag sa madilim na mundong nakikita niya.

"This time, we'll mourn, cry, heal, and fight together, Zach." Hinawakan ko pabalik ang kamay niya. "Hindi kita mapipilit na hindi sisihin ang sarili mo dahil . . . aminado akong ganiyan din ako, pero hindi mo kailangang karguhin ang lahat. Hindi habambuhay kaya mo akong bantayan, nangyari ang lahat dahil may mga taong ginusto talaga tayong wasakin. Nasa tabi man kita o wala sa mga panahong iyon, gano'n din ang kalalabasan dahil sa pagiging makasarili nila."

"I-I . . ." Huminga siya nang malalim at nakayukong nakagat ang ibabang labi niya. "I don't think I deserve this," patukoy niya sa ginagawa at sinasabi ko.

Pilit naman akong ngumiti at saka kinalas ang kamay ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at iniangat iyon paharap sa akin. May pumatak na luha sa pisngi niya na maagap kong pinunasan gamit ang daliri ko.

"Zach, hindi mo rin deserve na akuin ang kasalanan na hindi naman ikaw ang gumusto at gumawa. Ama ka rin na nawalan ng anak. Nasaktan ka rin at katulad ng mundo ko, gumuho rin ang sa iyo," ani ko saka marahang inilapit ang labi ko sa noo niya, pinatakan ko siya ng halik doon.

Nagsimulang yumugyog ang mga balikat niya. Marahan ko naman siyang hinila palapit sa akin at masuyo siyang niyakap. Ipinadama ko na katulad niya ay nandito rin ako para sa kaniya. Nagpatuloy siya sa paghagulgol sa balikat ko habang mahigpit na yumayakap pabalik. Hinaplos ko naman ang likod niya.

"We'll get through this," mahina kong sambit, nawawalan man ng pag-asa ay naniniwala ako. 

Angelei . . . Angel . . . Angelus . . . wait for us. Bubuin lang nina Mommy at Daddy ang mga sarili nila.

"After we fix ourselves, together we will seek justice for our lost children," I continued.

Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon