The following weeks passed quickly. We stayed at Nanay Victoria's home for two days before returning to Manila. Zachary and I wasted no time; he underwent counseling after our assessment, while I, on the other hand, had a therapy session. It was a little difficult for me because I had to go over everything again so that the doctor who was looking at me could understand my condition. Nevertheless, I was comforted to know that I had someone by my side the entire time.
I was diagnosed with PTSD. I'm not surprised because that's what my old doctor in America confirmed to me. Post-Traumatic Stress Disorder is not curable, but people with this condition can improve their symptoms significantly.
Hindi ko maiwasang humanga kung gaano kapropesyonal si Thelmo sa trabaho. Magkakilala man siya ni Zachary ay hindi siya naging opinionated. Kaibigan siya sa labas ng hospital habang doktor naman sa loob. Hindi niya ako pinipilit magsalita sakaling hindi ako kumportable. Nakaalalay siya sa bawat sasabihin o gagawin ko.
Marahan akong napapikit habang dinarama ang preskong hangin na tumatama sa mukha ko. Nandito kami ngayon ni Zachary sa rooftop ng condo niya, nagpahanda siya ng isang simpleng dinner set up dito. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa, pero gano'n pa man ay naa-appreciate ko ang effort niya.
Sa mga nagdaang araw ay hindi namin kailanman napag-usapan ang tungkol sa amin. Natuon kami sa pagpapagamot at pagpapahinga. Binibigyan namin ng oras ang mga sarili namin na maging maayos habang unti-unting tinatanggap ang nangyari.
Masakit pa rin sa tuwing naiisip ko ang pagkawala ng mga anak namin. Paminsan-minsan pa rin akong umiiyak at nagpapasalamat ako dahil sa mga panahon na iyon ay naroon si Zachary. Tahimik niya akong sinasamahan at yayakapin pagkatapos kong malugmok para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
"How are you?"
Marahan akong dumilat at tipid na napangiti sa kawalan. Nasa gilid ko si Zachary, katulad ko ay nakatanaw rin siya sa mga butuin na sumasayaw sa madilim na kalangitan. May hawak siyang kopita na naglalaman ng wine habang bahagyang nakatuon ang mga siko sa railings.
"Getting better, how about you?" Nilingon ko siya.
Tumingin naman siya sa akin. Katulad ng normal niyang reaksyon sa tuwing nakikita niya ako ay malamlam niya akong tinitigan. Isang ngiti ang kumurba sa mga labi niya, tila ba nasisiyahan sa nakikitang kapayapaan sa mukha ko.
"I'm fine as long as you're okay," sagot niya na ikinairap ko.
"Bumabanat ka ba?" singhal ko at saka umikot para magtungo sa upuan na nakahanda.
Narinig ko naman siyang humalaklak pagkatapos ay sumunod na rin sa akin. Naupo siya sa kaharapan kong upuan. Gusto ko ring matawa dahil kung umasta kami ay para bang hindi kami magkasama sa condo niya.
Sinigang na hipon, inihaw na manok, at chop seuy ang mga ulam na nakahain sa mesa. Agad naman akong natakam kaya kusa na akong nagsalin ng pagkain sa plato ko. Hindi ko na pinansin pa si Zachary at dire-diretso na lamang sa pagsubo. Ngayon lang ulit ako ginanahan ng ganito.
Nasa ikalawa na akong pagsasalin ng kanin sa plato ko nang matuon ang paningin ko sa kaharap ko. Nakaupo lang siya habang magkakrus ang mga braso, nagniningning ang kaniyang mga mata habang nakamasid sa akin. Wala sa sarili naman akong napatikhim at saglit na nag-iwas ng tingin.
"B-Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko. "Huwag mong sabihin na makita mo lang akong busog ay busog ka na rin?" pagsusumubok ko pang magbiro kahit pa nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.
Sinupil niya ang ngiting kumakawala sa mga labi niya. "I won't say it then," anas niya.
Inirapan ko naman siya bago ko sinandukan ng pagkain ang plato niya. "Kumain ka na, baka mabawasan 'yang abs mo." Iniwasan kong mapangiwi sa sinabi ko pero kusa pa rin iyong lumitaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/328905609-288-k324708.jpg)
BINABASA MO ANG
Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)
Любовные романыROMANCE|EROTICA|DRAMA [UNEDITED] PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC "Beg me, Professor, as you serve my wrath." S: 02/24/23 E: 09/03/23