I know I am enough for my child; however, sometimes I also thought that if I were to disappear, who would stay longer at Angelei's grave like I did? And right now, God has given me the answer to that. I smiled bitterly as I watched Zachary kneeling and silently crying in front of Angelei's grave. I don't know how many hours we have been here; after I was admitted to the hospital for four days, I asked him to drive here first. I know it's too late, but I still want to make up for it and clear his name.
Sa buong dalawang taon na lumipas, naging karamay ko si Angelei sa lahat ng sakit at galit na dala-dala ko. Ipinadama ko sa kaniya na kaming dalawa lang ang magkakampi, ipinakargo ko ang puot na mayroon ako para kay Zachary. Kaya naman ngayong alam ko na ang katotohanan sa likod ng miserable kong pinagdaanan, alam kong kailangan kong ayusin ang lahat. Hindi lang ako ang nasaktan. Sa bawat luhang pumapatak sa pisngi ni Zachary alam ko na katulad ko ay hindi niya rin maiwasang sisihin ang sarili kahit pa paulit-ulit kong sabihin na wala siyang kasalanan.
Siguro nga, walang kasiguraduhan kung kami pa rin ni Zachary sakaling hindi nangyari ang lahat. Pero alam ko, kung sakaling nabuhay si Angelei, magiging mabuti siyang ama. Katulad ko ay pupunuin niya ng pagmamahal ang anak namin.
Muling natuon ang paningin ko sa kaniya nang marahan niyang tuyuin ang kaniyang pisngi. Ilang beses siyang nagpakawala ng hininga at pilit na ngumiti sa harapan ng puntod ng anak namin. Hinaplos niya iyon, marahan at may pag-iingat. Tila sa gano'ng paraan nais hawakan ang anak namin sakaling kapiling pa namin siya. Mayamaya pa ay marahan siyang yumuko. Matagal at puno ng emosyon niyang pinatakan ng halik ang marmol na lapida habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko maiwasang tumingala, ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha. Parang nilalamukos ang puso ko sa sakit habang nadarama ang matindi niyang pangungulila kay Angelei.
"Two years ago . . . I thought you cheated on me."
Marahan kong ibinalik ang atensyon ko kay Zachary nang magsalita siya. Nakaharap pa rin siya sa puntod ng anak namin, tulala roon habang nananatiling nakaluhod. Nakatayo ako sa gilid niya, kuyom ang mga palad habang hinihintay ang iba pa niyang sasabihin. Masakit man para sa aming dalawa na balikan ang nakaraan, alam kong kailangan namin ito.
"I plan to ask you to marry me when I get home from the convention in Zambales."
I froze when I heard that and unintentionally stared at him with wide eyes.
"I know your father doesn't accept us, but I don't care. I'm even ready to ask you to elope so I can be with you," he continued and flashed a raw smile. "But when I came to your house . . . you weren't there anymore. I must admit that I was angry and hurt at that time. I don't understand how you could leave me without a word, but I still hoped that you would come back. Maybe you just needed something to do there. But then Eunice told me the reason why you left, which I foolishly believed."
Nagsimulang manginig ang mga labi ni Zachary, dama ko ang pagsisisi at galit niya. "T-That you got pregnant by another man and aborted the child. I-I was angry because I don't know how you managed to fool me," he stuttered and heaved a deep breath.
Nakagat ko ang ibaba kong labi habang nananakit ang lalamunan ko sa hangin na namumuo at nagbabara doon. Gusto kong magsalita, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, gusto kong magpaliwanag, pero hindi ko alam kung saan din sisimulan. Kung kailangan pa nga ba iyon.
"Mahal kita, sobra-sobra . . . buong-buo. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali para gawin mo iyon sa akin," mahinang patuloy niya at pagak na natawa. "Kaya nagplano akong maghiganti, hindi lang sa iyo kundi sa buong pamilya mo dahil pakiramdam ko niloko rin nila ako. Ang ina niyo ang nagbigay sa iyo ng ticket, ayaw sa akin ng ama mo, hinayaan kang makaalis ni Eunice. Pinatakas ka nila sa pagtataksil mo sa akin. Iyon ang pinaniwalaan ko."
BINABASA MO ANG
Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)
RomanceROMANCE|EROTICA|DRAMA [UNEDITED] PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC "Beg me, Professor, as you serve my wrath." S: 02/24/23 E: 09/03/23