We won, and all the people who have sinned against us are already behind bars. I don't know how Zachary was able to sue Tita Ayna, but I am grateful to him anyway. I can now face our children in peace.
Masama man maging masaya sa kalungkutan ng iba ay hindi ko maiwasan. Sa loob ng dalawang taon, nakuha ko na rin ang hustisya para sa amin. Para akong nasagip sa pagkalunod, nakahinga at nakakita ng bagong pag-asa para ipagpatuloy ang buhay na minsan ko ng sinukuan.
"W-We did it," utal at naiiyak kong sambit habang niyayakap si Zachary.
Mabilis namang pumulupot pabalik ang kaniyang mga braso sa baywang ko at pinatakan ng halik ang aking buhok. "You are now free, baby . . ." rinig kong usal niya.
Napahagulgol na lamang ako. Hindi ko mapigilan ang sayang kumakawala sa dibdib ko at alam kong gano'n din siya. Tapos na, tapos na ang laban naming dalawa.
"Thank you. Hindi ito magiging posible kung wala ka," ani ko sa pagitan ng aking paghikbi.
Naramdaman ko naman ang pag-iling niya saka ako maingat na kinalas palayo sa kaniya. Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan ang noo ko. Ngumiti siya sa akin sa kabila ng pangingilid ng mga luha niya.
"Hindi ko rin ito magagawa kung wala ka sa tabi ko, Atasha. Wala kang kailangang ipagpasalamat dahil responsibilidad kong ibigay ang hustisya para sa inyo ng mga anak natin," aniya at muli akong niyakap.
Tahimik ko na lang na dinama ang presensya niya. Halos dalawang buwan din naming hinarap ang mga kasong ipinatong namin sa pamilya ko. Napapagod man minsan ay hindi iyon naging hadlang para ipagpatuloy ang nasimulan namin, umalalay kami sa isa't isa.
"Let's go home. Magpahinga na tayo," anyaya niya.
Ilang segundo muna akong nanatili sa dibdib niya bago tumango. "Kakausapin ko lang si Daddy," ani ko matapos kong kumalas sa kaniya.
Kita ko naman ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Naninimbang. Nginitian ko lang naman siya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Sasamahan mo naman ako, 'di ba?"
Mabilis naman siyang tumango at nakaalalay na inilagay ang kaniyang braso sa baywang ko. "I will always be here for you, Atasha."
Katulad ng ipinangako niya sa akin, hindi siya kailanman nawala sa tabi ko. Sabay naming hinarap si Daddy na ngayon ay ililipat na sa kaniyang kulungan. Nakaposas ang magkabila niyang kamay sa kaniyang likuran. Malaki ang ibinagsak ng timbang niya, naaawa man ay wala akong nakapang pagsisisi sa dibdib ko.
"Kahit kailan wala ka talagang utang na loob," singhal niya sa akin.
Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya. Inaasahan ko na ito, sino bang ama ang matutuwa kung ipakulong siya ng sarili niyang anak?
"Humarap lang po ako sa inyo para sabihin na ito ang huling beses na makikita niyo ako, Daddy," mahinahong sambit ko.
Agad na umangat ang kaniyang paningin sa akin. Naroon man ang galit ay hindi nakatakas sa akin ang lungkot sa mga mata niya. Umigting ang kaniyang panga at nag-iwas ng tingin.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niyo iyon sa akin. Hindi ako naging perpektong anak, pero alam ko po sa sarili ko na pinilit kong maging mabuti sa inyo. Wala kayong natanggap na reklamo sa akin habang nasa puder niyo ako. Nakisama ako hangga't kaya ko, kaya bakit? Bakit niyo ako nagawang pagkaisahan?"
Huminga naman siya nang malalim pero nanatiling tahimik.
"Umasa ako na kayo ang magiging kakampi ko, umasa ako na sa inyo ako makakakuha ng suporta. Ama ko kayo, eh. Umasa ako na katulad nina Eunice, paninindigan niyo rin ako," patuloy ko pa.
BINABASA MO ANG
Series 1: Beg Me, Professor (COMPLETED)
Storie d'amoreROMANCE|EROTICA|DRAMA [UNEDITED] PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC "Beg me, Professor, as you serve my wrath." S: 02/24/23 E: 09/03/23
